Chapter 5

1.1K 37 7
                                    

Play XOXO on multimedia section. Happy reading! :)

* * *

Chapter 5: Kaya pala...

Halos lumuwa na yung dila ko sa kakalinis ng kwarto ni Sir Paul. Sobrang kalat niya. Parang bata.

Humiga muna ako saglitsa kama niya. Ang sarap ng feeling na nakahiga sa ganitong higaan. Sobrang lambot. Ang gaan gaan ng feeling, parang pakiramdam ko, wala akong pinoproblema. Hehe. Enough na sa drama.

"Bakit ka nakahiga sa kama ko!?" napamulat ako sa nagsalita. Letse, napasarap yata ang higa ko. Baka sabihin naman nito na nagpapasarap lang ako sa kwarto niya.

Aalis na sana ako nang bigla siyang lumapit at itinulak ako, dahilan para makahiga ulit ako sa kama niya.

Unti-unti siyang lumalapit sa akin. T-teka, anong gagawin niya. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam bakit ganito 'to kabilis, hindi ko naman ito nararamdaman dati ah? Pero pag kaharap ko ang lalaking 'to, ganon ang nararamdaman ko.

Nararamdaman ko na ang mainit na hininga niya sa mukha ko. Ang bango pa ng hininga niya. Lalo pa siyang lumapit, hanggang sa maging 1 inch na lang yung pagitan ng labi niya at labi ko. Masyado na akong nagpapanic.

Never been touched never been kissed pa ako.

Ay teka, hindi pala. May anak na pala ako, kaya malamang nagawa ko na yun. Pero hindi ko matandaan ang feeling na yun.

Pumikit na lang ako, iniintay kong dumampi ang labi niya sa akin. Pero labing lima na yata ang nakakalipas walang dumadampi sa labi ko. Kaya minulat ko ang isa kong mata. Nakita kong humahagikhik si Sir Paul. Hanggang sa napalakas na yung tawa niya.

Parang yung mga dugo ay umakyat lahat sa ulo ko sa sobrang inis. Hindi dahil sa hindi niya ako hinalikan, kundi pinagti-tripan niya ako. Nakakainis.

"Feeling mo naman, hahalikan kita? Hahaha. Hell no. Choosy ako 'no." sabi pa niya. Inismiran ko siya at padabog na umalis sa kwarto niya. Nakakainis yun. Masyado niya akong kursonada. Hindi na nakakatuwa yung ginagawa niya. Pero ako rin naman itong si tanga na nagpapa-uto. Shiz.

Nandito ako ngayon sa garden, aaliwin ko muna sarili ko. Pakendeng-kendeng akong nagdidilig ng halaman.

"Hay, ang gaganda naman ninyo. Sana ganon din kaganda ang ugali ng amo niyo." sabi ko, habang dinidiligan ang mga flowers sa garden. Sobrang alaga ng garden na 'to. Wala kasi akong nakikitang lantang bulaklak eh. Napakaganda. Almost perfect ika nga.

"Alam niyo ba na kung anong ikinaganda niyo, ay siyang ikinapangit ng ugali ng amo niyo? Nakakainis kasi eh. Hindi niya ilagay sa lugar yung pag-uugali niyang iyon. Nahihiya lang akong sabihin sa kanya. Baka kasi ang kapalit nito, mawalan ako ng trabaho." para na akong sira dito. Tanging bulaklak lang ang kinakausap ko. Wala rin naman kasi akong mapaglabasan ng sama ng loob. Alangan namang sabihin ko yun kay Paul. Eh nuknukan ng sama ng ugali nun. Bwisit.

"Sana naging tae na lang si Sir Paul, ano?" napahagikhik ako sa sinabi ko. Na-imagine ko kasi na mukha siyang tae.

"Ah ganon? Sa gwapo kong ito? Tss." nabitawan ko ang hose na hawak ko.

"Ka-Kanina ka po ba diyan, Sir Paul?" ang tanga tanga ko naman kasi. Narinig kaya niya yung sinabi ko kanina? Sana naman hindi. Lalo na yung huli kong sinabi. Ay teka, rinig nga pala niy yung huli kong sinabi. Napakatanga mo talaga Brianne.

"Oo. Tss." the he walked away. Dapat lang! Totoo naman kasi na dapat naging tae na lang siya. Ang baho kasi ng ugali!

Mag daday-off muna ako bukas. Namimiss ko na kasi si Baby Charlie. Hindi pati ako nakapag-paalam ng maayos sa nanay ko. Baka kung ano na naman iniisip nun.

He's the Father? (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon