Chapter 3

1.3K 42 4
                                    

Chapter 3: Hanggang tingin na lang ba?

Matapos ang dramahan namin ni Charlotte, umuwi na rin siya agad. Marami pa kasing appointment ang babaeng yun.

Napaisip naman ako kung paano ko mahahanap ang ama ni Charlie. Naaawa na rin ako sa bata eh. Nangungulila sa ama. Wala rin naman akong picture nun, kaya wala rin. Parang nawawalan rin ako ng pag-asa makilala pa siya.

"Mama, bakit ka po umiiyak?" Hindi ko napansin na napapaluha na pala ako.

Pinahid ko agad ito, "Wala anak, may iniisip lang si Mama. Matulog ka na. Gabi na."

Tumango siya at hinalikan ko na sa noo.

*

"Lay!" Nagulat ako nang may tumawag sa akin. Kilala ko naman kung sino iyon. Si Charlotte lang naman ang mahilig magsisigaw.

Bakit kaya siya nandito sa bahay? Ang aga-aga pa eh.

"Oh? Ang aga mo naman yata bumisita?" natatawa-tawa ko pang sabi habang pinupunasan ang mg kamay ko sa towel. Naghuhugas kasi ako ng plato noong dumating siya.

"Namiss ko lang si baby Charlie. Hahaha! Saka mamamasyal tayo." Ayan na naman siya. Hindi ko naman matanggihan, nakakahiya rin naman.

"S-sige. Maliligo lang ako."

Pagkatapos ko maligo, nakita ko si Lotte na nakikipaglaro kay Charlie.

Napa-iling na lang ako nung makita ko sila. Sobrang saya ni baby.

Napalingon naman agad sa gawi ko si Lotte. "Tapos ka na pala? Dali! Magbihis ka na. Sigurado akong matutuwa ka sa pupuntahan natin."

Napakunot naman yung noo ko s sinabi niya. Saan ba kami pupunta? Naku! Baka kung saan-saan naman ako dalhin nitong si Charlotte.

Noong highschool kasi kami, ang hilig hilig niyang mag-cutting, ke-babaeng tao.

Kaya laging nasa discipline eh. Hahaha!

Nakasakay na kami ngayon sa kotse niya. Clueless pa rin ako kung saan kami pupunta. Pag tinatanong ko kasi ngingiti lang. Wala rin akong napapala.

"We're here." then she parked her car.

"Bababa na tayo baby, nandito na tayo." sabi ni Lotte kay Charlie. Nasa backseat kasi si baby.

Bigla namang ngumiti ang bata. Binuksan na niya ang pintuan ng kotse. Parang sanay na sanay. Matalinong bata.

"Anong gagawin natin dito?" tanong ko kay Charlotte. Naglalakad kasi kami. Papunta doon sa maraming tao.

Teka, araneta ba 'to? First time ko kasing makapunta dito. Kaya mamangyan-mangyan ako.

"Manonood malamang." I sighed. Sabi ko nga. Napaka-pilosopo ni Lotte.

"Tita! Tita, gusto ko nun oh!" sabay turo niya sa cotton candy stall.

"Sshh! Tumahimik ka nga diyan Charlie." umismid lang siya.

"Hayaan mo na siya Lay. Una ka na doon. Bibilihan ko lang 'tong bulilit na 'to." umo-o na lang ako. No choice eh.

Hindi ko pa naman alam ang pasikot-sikot dito. Patay ako niyan, baka maligaw ako. Wag naman sana.

Pagpasok ko sa loob, binigay ko na yung ticket ko. Umupo ako sa VIP seat. Yun yung turo sa akin ni Lotte eh.

Halos fifteen minutes na yung nakalipas hindi pa rin bumabalik yung dalawa. Nag-aalala na ako, dapat kasi kanina pa silang nandito.

Palinga-linga ako para hanapin sila ng biglang may nagsalita...

He's the Father? (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon