Chapter 15

784 27 2
                                    

Chapter 15: Anyare?

Nandito na kami ngayon sa mall. Pumunta muna kami sa boutique. Ang gaganda ng damit. Kumuha ako ng isa.

"Wow! Ang ganda naman nito..." tiningnan ko yung price. At halos malaglag yung panga ko sa nakita ko. Tumataginting lang naman na 5,999. Piso na lang 6,000 pesos na. Tang ina. Iba na talaga pag mayaman. Basta lang waldas ng waldas ng pera, hindi nila pinoproblema yung price.

Hay, buhay... kailangan ko talaga magpursige para yumaman ako. Pangarap ko kasi yun, sino ba namang hindi diba? Aish.

"Ang mahal. Pero maganda... kaso... wala akong pambili. Haha." sabi ko sa sarili ko habang nilalagay ulit sa lagayan yung damit.

"Brianne! Tingnan mo ako, bagay ba?" umikot ikot pa siya. Bagay na bagay talaga kanya. Napaka-fashionista niya kasi.

Nag thumbs up ako sa kanya as a yes.

"Ang ganda mo Charlotte! Ewan ko ba lung bakit wala ka pang nagiging boyfriend." napangiti lang siya sa sinabi ko. What's wrong with this girl? May nililihim kaya siya sa'kin? Saka hindi naman siya magpapaka-ayos ng ganito kung walang special... someone sa kanya.

Mukhang nahahalata ko na 'tong si Charlotte ah. May pinapagndahan 'to. Panigurado. Hahaha.

Pumunta na siy cashier para bayaranang binili niyang dress. Hindi na nga niya tinanggal eh. Suot suot na. Hahaha. Hindi naman halatang excited?

"Yung price tag oh! Palawit lawit. Hahaha. May balak ka bang lumabas ng ganyan?" hindi niya siguro napabsin yung price sa sobrang excited. Hahaha.

Habang tumatawa ako, hinampas niya ako ng bag niya. Ang sakit non ah. Pero keri lang.

"Tanggalin mo na lang kaya! Hihihi." psh. Ang landi ng tawa niya ah. May 'something' talaga dito.

Tinanggal ko na yung tag na nakalagay.

Hindi pa nakakalapat yung pwet ko sa upuan, hinigit na niya agad ako papasok ng fitting room. Anong gagawin ko dito? Matutulog? Eh wala naman akong susukating damit eh. Psh. Si Lotte talaga.

"Oh! Sukat mo yan!" hinagis niya sa loob ng fitting room yung damit. Pagtingin ko... ito yung damit na gusto ko kanina ah? Pero hindi ko 'to kayang bilhin eh.

No choice. Sinukat ko na yung damit. Proud na proud na ako sa sarili ko nung nafit ko na. Ang ganda kasi. Nagmukha akong mayaman.

"Lumabas ka nga diyan Brianne Lay! Dali. Titingnan ko kung bagay sa'yo. Hihihi." at lumabas naman ako. Nakita kong lumapad ang ngiti niya.

Ngayon lang ba siya nakakita ng Diyosa? Chos lang. Kapal naman ng mukha ko.

"Tara na!" hinawakan niya yung wrist ko at hinigit ako palabas.

Teka... parang hindi yata 'to tama. Hindi ko pa nababayaran at isa pa... basta na lang kami umalis. Baka makulong kami nito. Dahil sa kasong pagnanakaw.

"Kung nag-aalala ka dahil sa basta nating alis, kanina ko pang nabayaran yan. Nakita kasi kita na nakangiti habang sinusukat sukat mo yung damit. Tapos nung nakita kong nawala yung ngiti mo at binalik mo yung damit. Naisip ko na bilhin na lang 'to." nakita pala niya yun? Kala ko kasi.busy siya sa pagpipili ng damit. Yun pala pinagmamasdan na niya ako. Nakakahiya naman kay Lotte.

Ang dami na niyang naitulong sa'kin. Samantalang ako, wala man lang naitulong kahit isa. Di bale, pag yumaman ako, babawi ako. Hahaha!

"Salamat sa lahat, Charlotte. Ang dami mo ng naibigay sa'kin... samantalang ako. Ni isa... wala." Sana balang araw makabawi man lang ako sa kanya.

He's the Father? (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon