Chapter 7

1K 36 6
                                    

Chapter 7: Emergency

Habang nag da-drive siya pauwi, hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa kanya. Nang bigla siyang nagsalita, "Matunaw naman ako niyan." 

Namula ako sa sinabi niya. Ewan ko, bakit ang weird ko ngayon. Namumula ako hindi dahil sa galit kundi sa... kilig

Agad naman akong umiwas ng tingin, baka maya-maya hindi ko na mapigilan ang kilig ko. Lalaki na naman ang ulo ng kumag na 'to. Tss. 

Katahimikan.

Katahimikan ang namamagitan sa amin ngayon. Ewan ko ba kung bakit wala akong lakas ng loob mag-open ng topic. 

Hindi ko na matiis ang katahimikan, mahaba pa ang byahe. Kaya matutulog na lang ako. Tutal, wala na naman akong sasabihin sa kumag na 'to. Mabuti pang matulog na lang. 

Pipikit na sana ako ng nagsalita siya, "Inaantok ka na? H'wag ka muna matulog, pwede ba?" Wow. Ang bait niya ngayon sa akin ah? Ano nakain? Ay yung niluto ko nga pala kanina. Siguro nasarapan siya, at magpapaluto ulit sa akin. Hehe. Kapal moks.

"B-bakit?" I stummered. Geez, problema ng bibig ko? Asar. 

"Wala lang. Kwentuhan mo ako. About your family." then he smiled. Oh lupa! Kainin mo ako, napakagwapo ng katabi ko. Sarap kainin. Erase. Erase. Lumalabas na naman ang pgaka-green ko. 

"I'm came in a poor family." nashock naman siya. Problema nun? Kaya nga ako nagtatrabaho sa kanya eh. Dahil wala akong pangtustos sa anak ko. 

Kinuwento ko na lahat-lahat sa kanya. Pero iisa lang ang hindi ko sinabi, yun yung may anak na ako. Hindi pa ako handa. Baka sabihin nito napaka-landi ko naman. Wala rin akong balak sabihin sa kanya na anak namin yung anak ko. Baka iyon pa ang maging dahilan para masira ang career niya. Saka baka sabihin naman niya na pineperahan ko siya, kaya ko yun nasabi. Ayoko masabihan ng ganon. Dahil wala namang katotohanan yun. Hindi ako ganoong kababaw na tao, para lang sa kayamanan. gusto ko yung galing sa pinaghihirapan ko. Kaya nga ako nagtrabaho sa kanya, para hindi na ako umasa sa magulang ko, para lang may pang tustos sa anak ko. Ako naman dapat ang may karapatan na ipag-aral yung anak ko. Kaya simula ngayon, hindi na ako aasa sa magulang. Ginusto ko yung magka-anak, tapos hindi naman pala akong handang gampanan yung pagiging ina ko sa anak ko. Ang sama naman tingnan nun diba? 

Hindi ko alam na tumutulo na pala yung luha ko. Kaya agad kong pinunasan ito. Baka mahalata ni Paul eh. Kahit kailan talaga ang babaw ng luha. Ang sensitive ko pa. Sa labas na anyo, hindi mo mahahalatang marami akong problemang iniisip. Sa loob loob ko, umiiyak na ako sa isang sulok. Ganito lang siguro ako. 

"Bakit parang umiyak ka yata?" he asked. Umiling na lang ako bilang tugon. Baka mpag nagsalita pa ako, mahalata niyang umiyak ako dahil sa malat kong boses. 

"We're here." Pagkapark niya sa garage, binuksan ko agad ang pinto at tumakbo na papunta sa loob. Kahit hindi ko nakita ang expression ni Paul nung umalis ako. Alam kong takang-taka siya dahil sa inasal ko. Sorry. 

Pagkapasok ko sa kwarto. Hindi ko na mapigilang umiyak. Kapag kasi naiisip ko yung mga ganung bagay, naiiyak talaga ako. Ang babaw ko talaga kahit kailan. Pinunasan ko na ang mga luha ko, bago pa ako madatnan ni Paul. Naghimalos ako ng bongga, para hindi niya mahalata. 

Pagkatapos kong maghilamos, nagpalit na ako ng damit at inayos ko na ang sarili ko. Bubuksan ko na sana yung pintuan pero naunahan na ako ni Paul. 

"Kala ko kung ano ng nangyari sa'yo. Good thing, you're okay now." Paki nito? Tinarayan ko lang siya. At bumaba na para maghanda ng hapunan namin.

"H-Hey!" tawag niya. Hindi ko pa rin siya pinapansin. Ang moody ko ngayon? Tss.

Pumunta na ako sa kusina at nagluto na. 

He's the Father? (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon