"Louie where are you? 'Wag mo naman akong takutin oh." Medyo na iiyak ko nang tawag sa kanya.
Lumingon ulit ako kasi baka nagtatago lang siya sa likod ko kaso wala talagang tao. Naramdaman ko namang parang may isang matigas na bagay ang pumukpok sa ulo ko. Unti-unti akong nahilo hanggang sa tuluyan na nga akong mawalan ng malay.
(1 and a half hours later...)
Nagising akong nakahiga dito sa sahig hindi ko alam kung gaano na ba ako katagal na nakahiga basta ang alam ko lang hanggang ngayon ay masakit parin ang ulo ko. Kakapain ko sana kung nag dudugo ba 'to kaso may isang kapiraso ng papel ang nahulog mula sa kamay ko. Agad ko naman itong pinulot at napansin kong parang pinunit lang din ito sa kung saan.
"Ally..."
Agad naman akong napalingon sa likod ko. May nakita akong lalakeng nakatayo hindi kalayuan mula sa akin. Kinawayan niya ako na para bang gusto niyang sabihing pumunta ako sa kanya. Kahit medyo kinakabahan ay unti-unti akong nag lakad papunta sa direksyon niya kaso nung malapit na ako sa kanya ay bigla na lang siyang tumakbo palayo kaya naman sinundan ko siya hanggang mapunta ako sa tapat ng isang pinto.
Papasok ba ako o hindi? Pero dito ko nakitang pumasok yung lalake. At nakakasigurado akong siya 'yun. Baka may alam siya sa mga nangyayari sa akin.
Kaya ko 'to. Hindi dapat ako magpadala sa takot ko. Ano pa't binansagan akong Campus Miss Rebel kung pagbubukas lang ng pinto ay kinatatakutan ko pa.
Huminga muna ako ng malalim bago ko unti-unting pinihit yung bukasan ng pinto. Kaso nasilaw naman ako sa liwanag na sumalubong sa akin.
"GUBAT!?!" Hindi makapaniwalang tanong ko.
P--paano? Paano nangyaring nagkaroon ng gubat dito?
Napahakbang naman ako pabalik pero nawala na rin ang pintuang pinanggalingan ko.
What the heck is happening on me? Sabihin n'yo pinag lalaruan na ba ako na mga maligno? Parang kanina lang nasa loob ako ng theater room tapos sinundan ko lang yung lalakeng pumasok sa pintuan na parang kahawig na kahawig niya...
"Nandito lang pala ang mahal na prinsesa!" Sigaw naman nung isang lalake na nakasuot ng armor.
Actually they look like a soldier. Pero instead na baril ay mahahabang spear at sword ang hawak nila. Parang... Para silang mga kawal.
"AHHHH....... LET ME DOWN! HEY I SAID LET ME DOWN!"
Bigla na lang kasi nila akong binuhat at isinakay sa isang kabayo.
Wait, it's that a castle? May palasyo dito?
"Hey it hurts! Get off me!" Naiinis kong sigaw sa mga sundalo na mukhang kawal or something.
Masyado kasing mahigpit ang pagkakapit nila sa braso ko. Pakiramdam ko magkakapasa ako sa pinagagawa nila sa akin.
"Kamahalan natagpuan na po namin ang mahal na prinsesa." Sabi naman nung isa sa kanila habang bahagyang nakayuko.
I mean hindi lang pala siya kasi halos lahat sila nakayuko maliban lang sa akin. Napatingin naman ako doon sa pinakadulo at nakita kong may isang lalakeng nakakorona ang nakaupo.
"DADDY!?!"
Anong ginagawa ng daddy ko dito? Diba nasa business trip sila ni mommy?
"Saan ka na naman ba nag pupunta? Alam mo bang pinag-alala mo kami ng iyong ina at kapatid?" Mahinahong sabi ni dad pero mahihimigan mo ang galit sa kanyang boses.
"Can you please tell me what's happening here dad? Why are they chasing me? And most of all why are they keep on calling me Princess Allyzha!?!"
This is really making me sick!

BINABASA MO ANG
Please Say YES!
Teen FictionAllyzha Keez was NOT an ordinary student. She was known as the Campus Miss Rebel. As in pasaway sa lahat ng pasaway! Sadly she was madly in love with a guy named Xyves Hataway, Mr. Nice guy of the campus. Ang guy na pinakamabait sa lahat ng mabait...