Chapter: 11

182 14 0
                                    

"Ano handa ka na ba?" Tanong niya agad sa akin.

Hmmm... Bagong ligo rin pala siya. Pero parang hindi naman nagbago ang damit niya. Siguro gumamit na naman siya ng powers para magkaroon ng damit.

"Handa saan?" Nalilito kong tanong sa kanya.

"Ngayon na kita tuturuan kung paano gamitin ang iba mong kapangyarihan."

"Really? Tuturuan mo ako? *twinkle eyes*"

"Kakasabi ko nga lang diba?" Medyo inis niyang sabi.

Ay bakit ang suplado niya ngayon?

"O sige game ako diyan!"

"Una ko munag ituturo sa'yo ay kung paano kontrolin ang mga bagay."

Pinakitaan naman niya ako kung paano niya ginagawa 'yun. Pinalutang niya yung mga bato at ipinatas iyon na parang pyramid.

"*claps* Wow ang galing! Gusto ko rin matuto nun!"

"Sige lumapit ka dito."

Naglakad naman ako papunta sa direkyon niya.

"Nakikita mo ba 'yung malaking timbang may tubig na 'yun?" Tanong niya habang nakaturo doon sa isang malaking timba.

"Oo."

"Gusto kong palutangin mo 'yun at dalhin sa akin ng hindi nabububo ang laman."

"Nagpapatawa ka ba? Paano ko naman gagawin 'yun e mas malaki pa 'yan sakin. Baka nga kahit mano-manong pagbubuhat hindi ko kayanin ang mapalutang pa kaya."

Minsan hindi din talaga marunong mag-isip ang isang 'to.

"Kaya ka nga may kapangyarihan diba?"

"Oo nga pero---"

"Sa tingin mo ba ipapagawa ko sa'yo yan kung hindi mo kakayanin? Remember what I said? Sa lahat ng bagay na gagawin mo kinakailangang maging magkasundo ang puso't isipan mo." Sabi pa niya bago itinuro yung kaliwang dib-dib at ulo ko. Tapos bigla na lang niya akong inakbayan at ngumiti.

Gosh! Baka bigla akong matunaw niyan.

Concentrate Allyzha concentrate! Kailangang magkasundo ang isip at puso ko. Pero paano ko naman gagawin 'yun kung may isang taong gumugulo sa isapan at nagpapabilis ng tibok ng puso ko ngayon.

"Pwede ba 'wag mo nga akong akbayan!" I shout on him before I push his hands away.

Kasalanan kasi niya kung bakit hindi ako makapag-focus.

Isip at puso ang dapat kong paganahin ngayon. Dapat doon lang ako sa timba naka-focus.

Lumutang ka...

Please lumutang ka timbang may tubig...

I close my eyes and forget everything arounds me except on that barrel of water.

"PLEASE LUMUTANG KAAAAA!!!..." I shout before I slowly open my eyes.

And to my surprise...

"You did it Ally!"

Teka totoo ba 'tong nakikita ko? Talaga bang napalutang ko 'yung malaking timbang may tubig?

"Ahhhhh!!! *tumatalon* Yehey napalutang ko nga siya!"

"Wag ka munang masyadong magpakasaya. Remember, kailangan mo pa 'yang ibigay sa akin?"

Hindi ko alam kung paano pero basta ko na lang napagalaw yung timbang nakalutang. Konti-konti na lang at malapit na siya sa harap namin.

Kaso nagulat ako ng may biglang pumisil sa kamay ko kaya nawala ako ang concentration at nabubo ang lamang tubig noon kay tuxedo mask.

Uh-oh!

Please Say YES!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon