"Ummm... Louie may gusto lang akong itanong sa'yo."
"Ano iyon ate?"
"P-paano nangyari ang lahat ng 'to? Paano tayo napunta dito? The castle, the servant and even this throne. Parang kanina lang umiiyak ka sa loob ng theather room I mean pinag tripan mo pala ako tapos may bigla ka na lang itinuro sa likod ko then all of a sudden your gone. Can you please explain to me everything because I'm really confused right now."
"*confused* Hindi ko maintindihan kung anong salita ang namumutawi mula sa iyong mga labi aking mahal na kapatid. Maaari mo bang linawin sa akin kung ano ang nais mong ipahiwatig?"
AHHHHH..... Sumasakit na talaga ang ulo ko sa mga nangyayari. Bakit ba sila nagkakaganito. Saka bakit parang ako lang ang nakakaalam ng lahat?
"What I'm trying to say is that---" Teka, pati nga pala si Louie hindi rin marunong mag-english. "Ang aking nais ipahiwatig ay kung ano ba ang totoong nangyayari ngayon. Hindi ba't hindi naman tayo dito nakatira? Sa Palace subdivision tayo nakatira. Ikaw pumapasok sa unang baitang ng elementarya ng Palace Academy samantalang ako naman ay nasa ikaapat na baitang na ng sekondarya sa Royal Academy."
Gosh I think magdudugo na talaga ang ilong ko. Hindi pa naman ako sanay na mag salita ng purong tagalog. Sa states kasi kami tumira nung bata pa ako at kakalipat lang namin sa Philippines nung nag first year high school ako.
"Maaring pagod lang iyang nadarama mo kaya kung ano-ano ang pumapasok sa iyong kaisipan."
Grabe ayoko na suko na ako!
*knock*
*knock*
*knock*
"Mahal na prinsesa, mahal na prinsipe pinapatawag na po kayo ng mahal na hari at mahal na reyna." Sabi naman nung isang soldier na nakabantay sa labas.
"Prinsesa Allyzha suotin n'yo daw po ito sabi ng iyong mga magulang." May inabot namang isang napakagandang maskara yung isang maid sa akin.
"Thank you. Pero aanohin ko ba ito? Saka ano bang meron bakit kailangang magbihis pa ako ng gown?"
"Ngayon po ang araw ng iyong pagpili ng lalakeng mapapangasawa kamahalan."
"ANO?!?"
Asawa? Ang bata-bata ko pa tapos asawa agad-agad?
"Nakalimutan n'yo na po bang ito rin ang naging dahilan kung bakit kayo tumakas at nawala noon ng matagal."
Eh, talaga naman palang kahit na hindi ako yung totoong prinsesa e tatakas talaga ako. Wala pa sa plano ko ang magpakasal sa kahit na sino.
"Ummm... Diba mabait ka? Tapos sabi mo ikaw ay alipin ko. Ibig sabihin susundin mo ang lahat ng ipag-uutos ko."
"Opo Prinsesa Allyzha."
"Tulungan mo naman akong makatakas oh. Please... *puppy eyes*"
"Ipagpaumanhin po ninyo ngunit mahigpit na ipinag utos ng iyong mga magulang na huwag na huwag ka naming hahayang makatakas pang muli."
Hanggang dito ba naman bossy pa rin ang parents ko.
"Prinsesa kailangan n'yo na pong lumabas ng iyon silid sapagkat magsisimula na ang pagdiriwang."
Kahit labag sa aking kalooban ay pinili ko na lang ang sumunod sa kanila masyado kasing mahigpit ang kanilang pagbabantay kaya malabong makatakas ako. Wait! Bakit parang nagagaya na rin ako sa kanilang mag salita? Hindi pwede 'to. Kailangan talagang makaalis na ako sa lugar na ito bago pa ako tuluyang magaya sa kanila. Paano na lamang kapag nagkita kami ng prince chraming kong si Xyves for sure mas lalo na akong mawawalan ng pag-asa sa kanya. And speaking ofXyves na saan na nga kaya yung lalakeng 'yun? Bigla na lang niya akong iniwanan kanina doon sa loob ng theather room tapos... Tapos wala na akong maalala...

BINABASA MO ANG
Please Say YES!
Teen FictionAllyzha Keez was NOT an ordinary student. She was known as the Campus Miss Rebel. As in pasaway sa lahat ng pasaway! Sadly she was madly in love with a guy named Xyves Hataway, Mr. Nice guy of the campus. Ang guy na pinakamabait sa lahat ng mabait...