Chapter: 10

188 14 0
                                    

"May masama pong balita mahal na prinsesa."

"Ha? Ano naman 'yun?"

"Nadakip po ng mga kampon ng Dreck ang mahal na prinsepe."

"ANO!?!"

Talaga bang hindi titigil ang mga taga-Dreck na 'yan sa pampepeste ng buhay ko? Una pinatay nila sina mommy at daddy tapos ngayon naman si Louie?

"Patawad kamahalan. Ginawa na namin ang lahat ng aming makakaya ngunit lubhang malakas ang kapangyarihang meron sila. Marami na po sa ating mga kawal ang namatay pasalamat na nga lang po kami sa mahal na Bathala at kami'y na buhay pa."

"Sumusobra na sila! Kailangan nilang pagbayaran ang lahat ng pamemesteng ginagawa nila sa buhay ko!" Galit na sabi ko bago ako naglakad papunta doon sa kabayong sinakyan namin kanina.

Hindi na ako papayag sa lahat ng pinaggagawa nila! Ano pa't naging Campus Miss Rebel ako kung hindi rin naman ako marunong makipaglaban sa mga taong umaapi sa akin.

Teka hindi nga pala sila tao. Maga witch sila. Tama sila ang mga ugly witch at ako naman ang beautiful and gorgeous princess.

"Teka Ally saan mo naman balak pumunta?"

"Sa kampon ng mga kadiliman! Susugurin ko 'yung mga pesteng Dreck na 'yun." Sabi ko pa habang sumasakay doon sa kabayo.

"Pero---"

"Wala nang pero-pero! Buo na ang desisyon ko at walang sino man ang makakapagbago ng isip ko---"

*hhhhiya!*

"Ally!"

"Ahhhh!!!!!....."

And as expected nahulog ako doon sa kabayo. Pero mabuti na lang at ginamit agad ni tuxedo mask yung powers niya kaya imbes na sa lupa ang bagsak ko ay lumutang lang ako sa ere.

"Bakit ba hindi ka marunong makinig!?! Alam mo bang delikado 'yang pinaplano mo? Masyado silang makapangyarihan at hindi mo kakayaning pumunta doon ng mag-isa. Kung 'yang pagsakay pa nga lang sa kabayo ay hindi mo na kaya ang pakikipaglaban pa kaya sa kanila!" Medyo galit pa niyang sabi.

Bakit ba siya nagagalit? E hindi naman siya ang susugod doon diba?

"Akala ko ba ako ang Roa? Ibig sabihin makapangyarihan ako kaya naman walang binatbat ang mga kampon ng Dreck na yan."

Ipaparamdam ko sa kanila ang bangis ng aking kapangyarihan. Mwahahahahha....

"Baka nakakalimutan mong hindi mo pa alam gamitin ang kapangyarihang meron ka."

Oo nga 'no?

"Pero kahit na! Saka kung pwede lang sana ibaba mo na ako."

Nakalutang pa rin kasi ako hanggang ngayon at mukhang wala ata siyang balak na ibaba ako.

"Akala ko ba kaya mo na ang sarili mo? Bakit hindi ka bumaba mag-isa?" Nang-aasar pa niyang sabi.

"Ibaba mo na nga kasi ako!"

"*umiiling* Ayaw!"

"*puppy eyes* Please?"

"No!"

Ano ba 'tong lalaken 'to ang hirap naman niyang bolahin.

Sinubukan kong tumalon pero kahit na anong gawin ko hindi pa rin ako bumabagsak.

Alam ko na! Ang sabi niya kailangang magkasundo ang aking puso at isipan upang magamit ko ang kapangyarihang meron ako.

Puso at isipan?

Ipinikit ko ang aking mga mata at nag-isip ng taimtim.

Gusto kong makababa...

"GUSTO KONG MAKABABA!" Malakas na sigaw ko bago ko iminulat ang aking mga mata at...

Please Say YES!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon