Chapter: 9

195 13 0
                                    

"Wag kang masyadong defensive. Pinapatawa lang naman kita. *laugh*"

"Pwes walang nakakatawa! Saka kung pwede lang sana isuot mo na 'yung polo at coat mo." Tapos hinagis ko sa kanya yung mga damit na pinatuyo niya kagabi.

Ang aga-aga magkakasala ako nito ng wala sa oras.

"*evil smile* Bakit ayaw mo bang makita ang mga abs ko?" Mahinang bulong niya sa tenga ko.

Para naman akong kinilabutan sa mga pinagsasabi niya. Kaya napalingon ako sa likuran ko.

"Ah! Pusang gala!"

Bigla na lang kasi siyang sumulpot sa likuran ko.

Muntik ko ng malimutan! Uso nga pala sa mundong ito ang mga powers.

"Alam mo bang aatakihin ako sa puso ng wala sa oras? Sa susunod 'wag ka namang basta basta nanggugulat!"

"*laugh*"

Ahhhhh!!!! Nakakainis na talaga ang lalakeng 'to!

"Bahala ka na nga sa buhay mo!" Tapos naglakad na lang ako palabas ng kweba.

"Teka saan ka pupunta?" Pahabol pa niyang tanong.

"Magpapahangin lang ako sandali! Sumunod ka na lang sa labas kapag tapos ka nang magbihis."

Kainis na lalake 'yun!

"Allyzha..."

Napalingon naman ako doon sa pinanggagalingan ng boses.

"S--sino 'yan?" Medyo natatakot na tanong ko.

Wala kasi akong nakitang ibang tao dito.

"Allyzha..."

"Hoy, tuxedo mask! Kung mang-aasar ka lang please tigil-tigalan mo na 'yan dahil hindi na nakakatuwa!"

"Allyzha..."

Bakit parang palapit ng palapit 'yung boses? Saka bakit parang boses 'yun ng isang babae?

"Eh? Kung sino ka mang nilalang ka please lang umalis ka na!"

Ang lakas ng loob kong magpaalis 'no?

"Allyzha..."

"AHHHHHH!!!!!...."

Bigla na lang kasing may sumulpot na babaeng nakasuot ng mahabang puting damit tapos may maitim at mahaba rin siyang buhok ng tumatabon sa mukha niya.

"WHITE LADYYYYYYY!!!!...." Malakas kong sigaw bago ako nagtakip ng mata.

"Hindi ako white lady 'no!"

Eh? Hindi daw siya white lady? Sabagay ang taas-taas ng araw paano nga ba naman magkakaroon ng white lady dito.

"Kung hindi ka white lady e ano ka?"

"Hulaan mo gamit ang bugtong-bugtong."

Bugtong-bugtong? Kakaibang white lady 'to gusto pang makipaglaro. Ay! Hindi nga daw pala siya white lady.

"Sige game ako diyan!"

Aba expert ata ako pagdating sa riddle.

"Bugtong-bugtong, hindi ako hayop pero hindi din ako tao."

"Alam ko na! Kung hindi ka hayop at hindi ka rin tao ibig sabihin... Bagay ka! Tama isa ka ngang bagay!"

Yehey na hulaan ko na!

"Mali!"

"Ha? E ano?"

"O sige isa pa ulit. Hindi ako hayop, hindi ako tao at hindi rin ako bagay pero maganda ako."

Please Say YES!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon