"Idol? Fans? Ano ang iyong mga pinagsasabi?"
Ay hindi nga pala sila marunong makaintindi ng ibang language.
"Idol, ibig sabihin taong hinahangaan. Samantalang ang fans naman ay ang taong humahanga."
"Taong hinahangaan at taong humahanga? Parang ngayon ko lang ata narinig ang mga bagay na 'yan." Na mamangha pa niyang sabi.
"Siyempre hindi naman kayo marunong makaintindi ng english language e."
"Kung ganoon totoo nga ang bali-balitang may kakaiba kang mahika. Kaya mong makaintindi at makapagsalita ng kakaibang lengguwahe. Ibig sabihin lang noon ay kailangan ko ng tapusin ang buhay mo sa mas lalong madaling panahon." Tapos agad niyang iniharap sa leeg ko ang chainsaw na kapit niya.
"Wow! *twinkle eyes* Kahit talaga kailan napaka-astig mo!" Natutuwa ko pang sabi sa kanya.
"Bakit mukhang natutuwa ka pa? Hindi ka ba natatakot sa akin? Ano mang oras kayang-kaya kong tapusin ang buhay mo."
"Okay lang at least nakita ko na ang idol ko. Ay teka hindi pala okay 'yun!"
Ano ba 'yung mga pinagsasabi ko. Mahal ko pa naman ang buhay ko 'no at hindi pa ako pwedeng mamatay.
"AHHHHH!!!!... Mamatay ka!" Tapos bigla na lang niyang inilapit sa'kin 'yung chainsaw. Mabuti na lang ata agad akong nakalayo.
"Uy teka wala namang ganyanan. Friends tayo diba? Saka fan mo nga ako so please don't kill me. *puppy eyes*"
"Misyon kong patayin ang Roa kaya misyon ko ring patayin kaaaa!!!!..."
Hinabol lang niya ako ng hinabol gamit ang chainsaw hagang sa makorner ako dito sa may dulo ng tent.
Nakita ko sa isang sulok ang mga maid na katabi ko kagabi. Nakagapos sila ngayon habang may busal ang mga bibig.
"KATAPUSAN MO NAAAA!!!" She shout at me.
Ipinikit ko na lang ang mga mata ko habang hinihintay ang pagtama ng matalim na chainsaw kaso wala akong ibang naramdaman maliban sa maliliit na patak ng dugo.
Teka dugo? Kaninong...
"T--tuxedo mask?" Medyo nag-aalalang tanong ko sa kanya.
Nakita ko kaing unti-unting pumapatak ang dugo niya mula sa braso. Sinanggahan lang naman kasi ng kamay niya ang sana'y pagtama sa akin nung chainsaw.
"Kaya ko na ang sarili ko. Ang kailangan mong gawin ngayon ay ang tumakas at ang iligtas ang sarili mo."
"Pero hindi kita pwedeng iwanan lalo na at may sugat ka." Naiiyak ko pang sabi sa kanya.
"Kailangan mo pang iligtas ang kapatid mo diba?"
"Oo pero---"
"Wala nang oras kaya dapat tumakas ka na."
"Hindi nga kita pwedeng iwanan!"
Kasalanan ko kung bakit siya nasugatan kaya hindi ko siya pwedeng iwanan na lang ng basta-basta.
"Kailangan mo ng mamataaaaaay!!!!..." Sigaw pa ulit ni Princess Resurrection bago niya ako hinabol ng chainsaw pero mabuti na lang at agad akong nasanggahan ni tuxedo mask.
"Please run..." Nahihirapan niyang sabi habang pinipilit na pigilan si Princess Resurrection.
I saw his blood and I could felt the ache that he feel rigth now that's why I can't help myself but to cry.
"But---"
"JUST RUN!!!!..." He shout before he push me away.
I know na nahihirapan na siya kaya sinunod ko na lang ang gusto niya.

BINABASA MO ANG
Please Say YES!
Teen FictionAllyzha Keez was NOT an ordinary student. She was known as the Campus Miss Rebel. As in pasaway sa lahat ng pasaway! Sadly she was madly in love with a guy named Xyves Hataway, Mr. Nice guy of the campus. Ang guy na pinakamabait sa lahat ng mabait...