Chapter: 8

189 15 0
                                    

"Let's get in." Tapos hinatak na naman niya ang kamay ko papasok sa loob ng isang kweba.

Napatingin ako sa kamay kong hawak-hawak niya. Para kasing may kakaiba akong nararamdaman sa tuwing kakapitan niya ako. Parang...

"Hey are you sure that you're alright?"

"*nod*" Then we both enter the cave.

May kinuha siyang kung ano-anong panggatong tapos gumawa siya ng maliit na apoy.

"Here. Drink this para hindi ka lamigin."

Kinuha ko naman 'yung inabot niya saking kawayan na ginawa niyang baso.

Gumawa siya ng isang mainit na soup. Actually hindi ko nga rin alam kung paano niya nagawa 'yun e hindi naman siya lumabas ng kweba. Siguro ginamit na naman niya yung powers niya.

"Anong ginagawa natin dito? Bakit hindi pa natin puntahan sina Louie?"

"Masyadong malayo ang kanilang pinagtataguan. Hindi tayo maaring magpagala-gala sa labas lalo na at napakalakas ng ulan. Ikaw kasi bakit hindi mo kinontrol ang boses mo kanina? Sa lakas ng ulan ngayon baka bukas pa titila 'yan."

Sisihin daw ako? Siya nga itong namilit sa aking kumanta kanina e.

"Pwede ba ikaw ang dapat sisihin dito! Pinili-pilit mo akong pakantahin tapos---"

Hindi ko na nituloy ang iba ko pang mga sasabihin dahil unti-unti na niyang hinubad ang damit pang itaas niya.

"T---Teka! A--anong b--balak mong gawin?" Nauutal na tanong ko bago ako nagtakip ng mata at humarap patalikod.

Oh my gosh! Kanina nakita ko na siyang hubad tapos ngayon uulitin naman niya?

Huhuhu.... Kawawa naman ang mga mata ko. Magkakasala ako nito ng wala sa oras.

"*laugh*"

"Teka bakit ka tumatawa?"

"Nakakatawa kasi ang reaksyon mo. Don't worry I won't let that thing happened again. *still laughing*"

Lumingon naman ulit ako sa kanya pero nakatakip parin ang kamay ko sa mga mata.

"You can open your eyes now Ally."

"*umiiling* Ayaw!"

"Please..." Tapos hinawakan niya ang kamay ko habang unti-unting inaalis sa aking mga mata.

"*umiiling* Ayaw ko nga e."

Naalis na niya ang kamay ko pero hindi ko pa rin minumulat ang mga mata ko.

Mahirap na baka mamaya kung ano na naman ang makita ko.

"Open your eyes now sweety Ally..." He whispered on my ears.

Nagtaasan naman ang mga balahibo ko dahil sa ginawa niya. Para kasing may kakaibang kilig akong naramdaman.

I slowly open my eyes and I was shock on what I saw that's why step backwards. Mukha kasi niya ang bumungad sa akin pagmulat na pagmulat ko pa lang ng mga mata ko.

But I think that was a very wrong move dahil nakatayo nga pala ako malapit dito sa may apoy at nagkataong may kahoy na nakakalat dito kaya na-out balance ako at...

"No!" He shout before he push me away from that fire.

Sobrang lapit ng mukha niya sa akin at sobrang bilis din ng tibok ng dib-dib ko pakiramdam ko anytime sasabog na 'to.

Lalo pa niyang inilapit ang mukha niya sa akin kaya lalo namang lumakas ang tibok ng dib-dib ko.

Please Say YES!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon