"Ang mga taga-Dreck po... Sumasalakay po ang mga taga-Dreck!"
"Ha? Anong mga taga-Dreck? Sino ba sila?"
"Nakalimutan nyo na po bang sila ang kaharian mula sa silangang kanluran? At sila lang rin naman po ang mahigpit na kalaban ng ating kaharian."
"Kalaban? As in enemy?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
Akalain n'yo yun. May gera pa pala akong makikita sa pag-stay ko dito.
"Parang ganoon na nga po kamahalan. Ngunit taliwas sa ibang kaharian ang mga taga-Dreck po ay naiiba sapagkat hindi sila gumagamit ng kahit anong armas."
"Ganoon naman pala e di wala tayong problema. Ang dami nating sundalo tapos marami pa silang kung ano-anong armas diyan. Don't worry hindi naman pala problema 'yang mga taga-Dreck na 'yan."
Ibang klase din yung mga taga-dreck na 'yun. Susugod-sugod sila dito sa nanahimik na palasyo namin tapos wala naman pala silang dalang weapon.
"Bagamat wala nga po silang kahit na anong armas gumagamit naman sila ng iba't ibang salamangka na kahit na kailan ay hindi matatalo ng sinuman maliban sa Roa."
Kaya naman pala malakas ang loob nila e. O sige sila na sila na ang may powers. Pero sabi niya kanina hindi daw matatalo ng sinuman yung mga taga-Dreck tapos ngayon sasabihin niyang Roa lang ang makakatalo. Grabe ang gulo naman nitong kausap.
"Roa? Ano naman 'yun?"
"Ang Roa po ay ang isinugo ng ating bathala na nakatakdang tumapos sa kasamaan ng Dreck."
Wow parang nakikinig lang ako ng fairy tale.
"E di papuntahin n'yo na yung Roa dito para matapos na ang panggugulo sa atin niyang mga taga-Dreck."
"Hindi po madali ang iyong pinag uutos kamahalan. Hanggang ngayon po kasi ay wala paring nakakaalam kung sino ang isinugong iyon ng bathala. Ibig sabihin wala pa pong nakakaalam kung sino ba talaga ang Roa."
"Eh?"
Sabi nila Roa lang daw ang makakatalo tapos hindi naman pala nila alam kung sino 'yun. Ang gulo naman nila kausap.
*boom*
Napatingin naman kami doon sa pintuan kasi may bigla na lang pumasok I mean nanira pala.
"Sa kapangyarihan ng buwan pinarurausahan kita." Sabi naman nung isang babae na nakasuot ng sailor uniform.
Wow ang galing kamukhang kamukha niya si Usage. Astig!
"I'm sorry Miss na kamukha ni Sailor Moon pero wala namang buwan ngayon e."
"Ha? Oo nga 'no?"
"Kahit kailan engot ka talaga Usage!" Sabi naman nung isang girl na kadarating lang.
She looks like Rey Hino because of her red sailor uniform.
"E di uulitin ko na lang. Sa kapangyarihan ng araw pinarurusahan kita!"
"*claps* Astig! Pwede bang magpa-picture? Para naman magkaroon ako ng remembrance."
Whahahaha..... Kikita ako ng malaki dito sa babaeng 'to kapag naibenta ko ang picture niya. Siguradong pagpipiyestahan ito ng mga otaku. What an evil plan!
"Wala akong panahon na makipaglaro sa'yo binibini."
"Sino bang may sabing nakikipaglaro ako?"
Hindi ko naman siya niyayang makipaglaro ah.
"Ahhhhh.... E 'to ang sa'yo!" Bigla na lang niyang kinuha yung tiara niya tapos inihagis sa'kin pero mabuti na lang at magaling ako sa iwasan.
"Hey bakit mo ginawa yun?"

BINABASA MO ANG
Please Say YES!
Teen FictionAllyzha Keez was NOT an ordinary student. She was known as the Campus Miss Rebel. As in pasaway sa lahat ng pasaway! Sadly she was madly in love with a guy named Xyves Hataway, Mr. Nice guy of the campus. Ang guy na pinakamabait sa lahat ng mabait...