Chapter 4

13 2 0
                                    

"Shall we?"

Tug dug... Tug dug...

Inabot niya yung kamay niya sakin, tumingin ako kila mama at papa saglit at tumatango naman sila, kaya binigay ko yung kamay ko sakaniya.

Tug dug... Tug dug...

Naglakad kami ng magkahawak ang kamay papuntang dining nila, ako naman nilibot ko ang mata ko, napapansin kong nakitingin lang sakin si taehyung minsan tumatawa siya habang nakatingin sakin.

Aish this kid.

"Why?"

"Napakachildish mo talaga kahit kailangan ngayon ka lang ba nakakita ng ganitong bahay?"

"Ewan ko sayo"

Hindi ko pinansin yung kamay ko na hawak niya, pinapansin ko every detail ng bahay na ito.

"Sige, tignan mo lang tong buong bahay, sa susunod dito ka na titira"

Napatingin naman ako sakaniya at nagsmile lang siya.

Pagkadating namin sa dining room. Woaaaah ang laki, do hamak na mas maganda talaga yung bahay nila kesa samin. Hindi ba sila nawawala dito?

Nung papunta na ako sa upuan, hinatak ni taehyung ang upuan at naupo naman ako, a new side of taehyung or etchos lang to?

"So we are here to discuss about the arrange marriage right?"

Pagkasabi palang ni Mrs. Kim nun napalunok na agad ako.

This is it. Kaya mo to. Para sa pamilya mo. Fighting.

At pinagusapan nila ang tungkol saming dalawa ni taehyung.

"Okay when taehyung and alex turned 18"

Aish, hindi ko na ata maeenjoy ang teen life, may 2 years nalang ako sa pagiging single ko then after that kasal nako sa isang Kim taehyung.

"So for now, kailangan kilalanin niyo muna ng mabuti ang isa't isa okay? We have body guards to watch you both"

What? Ano bakit kailangan pa ng ganun? Minsan nalang to tapos ganito pa? Huhuhu i'm so dead.

Tumgin ako sa side ni mama, nakikita ko yung mata niya na paramg humihingi ng sorry dahil dito, ngumiti naman ako sakaniya.

"Uhmmm mom, pwede ba muna kaming lumabas ni alex sandali?"

Saan pupuntaaaaa?

"Okay"

"Thanks mom"

Tumingin naman sakin si taehyung at hinawakan ang kamay ko at lumabas ng mansyon habang naglalakad kami hindi kami naguusap ni taehyung, hanggang sa nakakita kami ng isang park.

"Dito muna tayo"

Sabi ko at naupo sa upuan.

"Kailangan ka kaya magmamature?"

"Ewan, i just want to enjoy my life"

"Nakakaenjoy ba ang pagiging childish?"

"Oo uhmmm------- taehyung"

"Ano yun?"

"Sasabihin ba natin to sa school? Dapat ba maging sweet tayo everytime"

"Siguro dapat ireveal na din natin, may mga body guards na nakabantay satin, magiging free lang tayo kapag nasa loob na ng classroom"

"Aisssh, ang hirap naman nitooo"

Hindi nagsalita si taehyung, koonti lang taong nasa park, 8pm na kasi baka nasa mga bahay na ang mga tao dito.

Stay with me (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon