Chapter 9

13 2 0
                                    

Alex's POV

Ngayon na mangyayari ang lahat, maya maya yung apilyedo ko magiging Kim na.

Syempre maaga akong gigising sa araw ng kasal ko, ayokong malate.

"Good Morning" sabi ni mama at pumasok sa kwarto ko.

"Hi mama!" sabi ko naman sakaniya

"Handa ka na ba para mamaya?" tanong niya

"Opo mama, ganito pala yung feeling no mama? Yung ang saya saya mo kasi yung taong minahal mo ng ilang taon magiging iyo na talaga" sabi ko

"Siguro kung nandito ang papa mo matutuwa siya ngayon sayo, nagmature ka na ng sobra anak nung simulang nakilala mo si taehyung" sabi naman niya at unti unti ng tumulo ang luha ni mama

"Mama, wag na tayong magiyakan dito, pagkatapos nito magkikita padin tayo, dito padin naman ako titira tapos makakasama ko pa kayo, atsaka sila tita at tito" paliwanag ko at pinunasan ko ang luha ni mama

"Basta anak, wag mong isipin na tungkol lang ito sa company natin okay? Para ito sa pagmamahalan niyo ni taehyung, kahit na labag sa loob na ipakasal ka pa dahil masyado ka pang bata, sasang ayon na ako, dahil alam kong mahal mo si taehyung at mahal ka din niya, may tiwala ako kay taehyung na hinding hindi ka niya iiwan" paliwanag niya naman.

"Salamat ma, gusto mo bukas pumunta tayo kay papa?" tanong ko sakaniya

"Oo naman, alam kong gustong gusto ka niyang makita sa kasal mo kaya pumunta tayo bukas sakaniya" sabi naman ni mama

Niyakap ko siya at pinunasan niya ang luha niya.

Pagkatapos nun, nagsimula ng pumasok ang mga magaayos sakin.

Ang ganda ng gown ko, hindi ko aakalain na makikita ko ang sarili ko na suot to.

"Okay magstart na tayo" sabi nung stylelist.

Natapos kami ng 10:45, 12 ang umpisa ng simba, napagdisisyonan kasi nila tita, tito at mama na sa simbahan na kami mismo magpakasal.

"Your done!" sabi niya

"Thank you" sabi ko at tinignan ko sa salamin ang sarili ko, ang ganda ko gown nalang ang kulang at handa nako.

-------

Taehyung's POV

"Asaan ka na ba kasi?" tanong ko.

"Andito na malapit na!" sagot naman niya.

"Ang tagal mo ah? Kanina pako naghihintay dito!" iritable kong sabi

"Oo na! Malapit na, hinatayin moko in 5... 4.... 3..... 2..... 1......" pagbibilang niya

At bigla namang may kumatok sa pinto.

"Broooooo!" sigaw niya

"Ang tagal mo! Pinaghintay moko!" sabi ko at nagpout

"Hala? Bakit naging isip bata ka ata ngayon? Nasaan yung bride? Pwede ko ba siyang makita, balita ko ang ganda ng mapapangasawa mo ah?" sabi niya naman.

Siya si jungkook, kaibigan ko nung elementary, lumipat kasi sila sa canada kaya naiwan akong magisa dito sa pilipinas.

"Che! Manahimik ka! Akin lang si alex!" sabi ko.

"Ahhh, Alex pala huh? Sige asahan mong aagawin ko siya sayo" Sabi niya sabay tawa

Minsan nagtataka ako sa sarili ko kung bakit ko ba ito naging kaibigan?

"Ulul bahala ka nga dyan wag ka ng umattend! Mabulok ka dyan!" sabi ko.

"Jungkook!" sabi naman ni mama

Aish yan na sila, ang ingay na nilaaa waaa.

"Titaaaaa!" sabi ni jungkook at nagbeso kay mama

"Oh bakit di ka pa bihis?" tanong niya

"Si taehyung kasi nagagalit sakin Haha, pero ito na po magbibihis na po" sabi niya at nagbow at pumunta sa kwarto ko

Alam na alam niya talaga ang kwarto ko.

----

11:30 na kaya ito kami ngayon, nasa simbahan na, syempre mauuna lagi si groom, hehehe.

Medyo matagal na din akong naghihintay mga 20 minutes na Hahaha, medyo gutom nako kaya kumuha ako ng pagkain at kumain muna, wag niyong gugutumin si groom kundi kakainin niya kayo.

"Okay guys! The bride is here! Let's go! Let's go" sabi ng receptionist

This is it. Kaya mo to taehyung!

Maya maya pumasok na lahat ng abay, medyo kinakabahan ako, ganito pala talaga yung feel no? Kakabahan ka, habang padami ng padami ang mga pumapasok na abay, lalo akong kinakabahan dahil malapit na si alex.

Ito na siya, grabe yung puso ko. Bakit sobrang ganda niya? Lord hindi ko naman po gusto ng maganda ang gusto ko lang yung taong mamahalin ako habnggang dulo pero kung ito yung binigay niyo lord thank you. Maraming salamat i love you! Salamat talaga sa pagbigay niyo sakin ng taong mamahalin ako ng buo tulad ni alex.

"Alagaan mo ng mabuti ang anak ko ha?" sabi ni tita

"Opo promise po tita" sabi ko naman

Napatingin naman ako kay jungkook, para siyang hanggang hanga kay alex, hays ang ganda kasi ng magiging asawa ko.

Nagumpisa na ang seremonya, nagpalitan na kami ng vows. Nangyari na ang dapat mangyari.

"You may now kiss the bride" sabi ni father

Tinangal ko ang belo niya at kinakabahan ako ng sobra, bakas din sa mukha ni alex ang kaba, at unti unting nagdikit ang labi namin at nagkiss.

"Now i all prnounce you Mr. and Mrs. Kim" sabi ng pari

Naghiwalay naman ang labi namin at ngumiti.

"Ngayon may palatandaan na na property kita, akin ka na lang ngayon" sabi ko

"Oo na po Mr. Kim" sabi niya naman at ngumiti.

"I love you Mrs. Kim"

"I love you Mr. Kim"

------------

Kinilig si author ng sobra, kailan kaya mangyayari samin to ni jimin?

Stay with me (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon