Taehyung's POV
Hanggang ngayon hinding hindi ko pa din makakalimutan si alex, ayoko ng magmahal ng iba, siya lang ang taong gusto ko makasama habang buhay.
Kinuha ko lahat ng box na nakatago sa cabinet ni alex, 1 taon na ang nakalipas simula nung nawala siya sakin, hanggang ngayon ang sakit sakit padin.
Tinignan ko lahat ng nasa box niya, nakita ko dun lahat ng picture naming magkakasama at yung gown na sinuot niya, bawat gamit ay may nakalagay na sulat, binasa ko muna ang nasa photo album namin.
Hello! Super cute niya no? Inggit kayo no? Dejoke lang hehe, ang gwapo gwapo talaga ng boyfriend ko, gwapo na nga maalagain pa, oh diba saan ka pa? Haha basta napakaswerte ko ng nakilala ko si taehyung, mahal na mahal ko tong lalaking to, hindi hindi ko siya iiwan. Siya na siguro ang nakatadhana para sakin. I love you Kim Taehyung. I Love you babe.
"Bakit ganun? Bakit mo ako iniwan? Ang daya mo naman! Akala ko ba hanggang huli?" sabi ko at nagsimula nanamang umiyak.
"Alexa Shane Kim Mahal na mahal din kita" sabi ko sa sarili ko, bigla namang umihip ang malakas na hangin.
Maya maya naisipan kong dumalaw sa puntod ni alex, miss na miss ko na siya, miss na miss ko na yung mukha niya, yung kamay niya na malambot, ang lahat lahat sakaniya, feeling ko napakalungkot ng buhay ko kapag wala siya, yung tipong kapag wala siya, parang wala na ding kwenta ang buhay ko? Di ko na alam, ilang beses nakong nagtangka magpakamatay pero hanggang ngayon buhay padin ako.
Nakarating nako sa puntok ni alex.
"Alex, isang taon na kitang hindi nakakasama, napakalungkot ng buhay ko kapag wala ka, alex ano bang dapat kong gawin, di ko na alam kung paano pa ako mabubuhay ng wala ka" sabi ko hamang hinihimas ko ang puntod niya.
Hindi ko nanamang napigilang umiyak, humiga ako sa tabi ng puntod niya at tumingin sa langit.
Maya maya ay biglang nakarinig ako ng sigaw ng isang babae.
"Tulong! Tulong!" bigla naman akong bumalik sa sarili ko.
Nakita ko ang isang babae na parang ginagahasa at may dala dala tong patalim.
Teka? Sa sementeryo ginagahasa? Bakit? Kasi walang tao? Tch.
Pumunta ako duon para iligtas ang babae, nagulat ako ng nakita ko yung mukha ng babae, hawig nung babae si alex.
"Alex?" tanong ko
"Ikaw kuya! Tulungan mo ako pleaseee!?" sigaw niya at lumingon naman sakin yung lalaking may patalim
"Ikaw sino ka? Anong ginagawa mo dito?" taning niya
"Hindi naman ata tama na gahasain mo nalang basta basta ang isang tao" sabi ko
"Wala kang pakielam, umalis ka nalang dito kundi papatayin kita" sabi niya
"Igalang mo naman ang sementeryo, puro patay na dito? Tapos dito mo siya gagahasain? Wala ka bang pang motel?" sabi ko
"KUYA SABI KO ILIGTAS MOKO HINDI UDYUKAN SIYANG DALHIN AKO SA MOTEL" sigaw ng babae sakin.
"Aba hindi ka talaga titigl ha?" sabi niya at sumugod papunta sakin.
Napigilan ko naman agad ang kutsilyo na hawak niya, sumenyas naman ako sa babae na tumakbo na siya hanggat maaga pa.
"Pakilamero kang lalaking ka, dapat sayo namamatay" sabi niya sakin
"Matagal ko ng gustong mamatay" sabi ko naman.
Sinigurado ko namang nasa malayo na yung babae kanina.
BINABASA MO ANG
Stay with me (short story)
РазноеTaehyung fanfic story Short story (Tagalog) [COMPLETED]