Taehyung's POV
3 years na nung nakalipas ang lahat ng nngyari, yung araw na nakidnap nila sam at irene si alex, yung panahon na nawala si tito, at yung panahon na inoperahan sa ulo ai alex, nangyari na ang lahat ng nangyari.
"Taehyung handa ka na ba?" tanong niya
"Hala? Saan? Wag bata pa ako" sagot ko naman
"Langhiya ka taehyung, gagawin mo pakong rapist huh?" sabi niya naman
Nagtataka siguro kayo kung sino kausap ko, si alex ang kausap ko. Yes buhay siya, buhay ang buhay ko (ano daw?) nakaligtas siya sa operasyon, akala namin nung mamatay din siya, bigla kasing nagstraight ang lines nun pero bigla siyang nabuhay, may dahilan pa talaga kaya siya nandito sa piling ko, and oo alam na din ni alex ang nangyari sa tatay niya, syempre hindi namin yun matatago ng 3 years no, ano yun? Hahanap kami ng kamukha ng tatay niya? Haha joke lang.
"Joke lang Hahaha, ikaw handa ka na?" tanong ko naman at ngumisi sakaniya
"Oo handa nako pero yung ngisi mo? Hindi pako handa dyan" sabi niya
"Sayang" sabi ko ng pabulong
"Napaano mo talagaaaa" sabi niya at hinampas ako.
"Anong napakaano?" sagot ko
"Ano kamo?" sagot niya
"Aish bahala ka niya dyan sa buhay mo" sagot ko, at kunwari naglakad palayo
"Joke lang tara na babeee" sabi niya. Yiee kinikilig ako sa babe bat ganun? Hahaha
Nasa mall kami ngayon para maghanap ng gagamitin namin sa reception ng kasal namin, and yup ikakasal na kami, nasa tamang edad na kasi kami. 20 years old na ako at 19 na siya.
"Bakit babe? Ang laswa" sabi ko
Napatingin naman agad siya sakin ng masama, hala wrong move taehyung tsk.
"Joke lang Hahaha" bawi ko agad. Kinabahan ako, akala ko mahahampas nanaman ako.
Naglibot ng naglibot si alex, hanggang sa ang dami na naming nabili, bakit ganito kaya ang mga babae, ang daming binibili tapos minsan niyo lang gagamitin yung damit.
"Alex babe!" yak kadiri joke lang sabi ko.
"Bakit?" tanong niya
"Gutom nako, kain na tayo" sabi ko
"Ayoko ikot pa tayo" sabi niya, aba grabe tong babaeng to.
"Bahala ka, kapag hindi mo pinakain si taehyung kakainin ka niya" childish kong sabi.
"Hala siya, ano ka zombie?" sabi niya at tumawa
"Oo zombie ako, tara dito at kakainin kita" sabi ko
At tumakbo siya bigla, hanggang sa mukha kaming batang naghahabulan dito sa mall, nakatingin na saamin lahat ng tao.
"Taehyung thank you sa lahat" sabi niya nung nahawakan ko siya niyakap ko na agad siya.
"Para saan naman yun?" tanong ko pero nakayakap padin ako sakaniya
"Dahil hindi mo ako pinabayaan, minahal mo ako, niligtas at pinaglaban, thank you taehyyng, mahal na mahal kita" sabi niya, nakakabakla man sabihin pero kinikilig talaga akooo.
"Walang anuman, basta ikaw mahal na mahal kita, hindi kita papabayaan na mawala sa buhay ko" sabi ko at kumalas na kami sa isat isa
"Osige na nga, dahil nahabol mo ako, kain na tayo" sabi niya
"Yeeey mcdonalds please" sabi ko
"Hahaha nahahawa ka na talaga sa pagiging childish ko" sabi niya
"Syempre sino ba namang hindi mahahawa sa palagi mong kasama araw araw" paliwanag ko.
"Sige ako na may kasalanan, tara na nga k a in na tayo" sabi niya at hinatak ako papuntang mcdonalds.
----------
Umuwi na din kami pagkatapos kumain at magshopping.
Napagdisisyonan nila tita na imbenta ang bahay nila dahil dito rin naman daw titira si alex kapag kinasal na kami kaya sabi ni mama dito na din daw tumira si tita, para daw sama sama na.
---------
Alex's POV
Grabe di ko maimagine na bukas, hindi na ako Ms. Ikakasal na ako bukas.
Bumaba muna ako, nagugutom nako, alam kong maaga pa, pero gutom na talaga ako, Hahaha hindi ko din alam kung bakit?
"Ano kayang masarap kainin?" tanong ko sa sarili ko?
"Ako" biglang may nagsalita sa likod ko.
Sa sobrang gulat ko dapat sisigaw pero natakpan agad ni taehyung ang bibig mo.
"Aish ang ingay mo! Tulog pa sila, wag ka ngang maingay" paliwanag ni taehyung.
"Okieee" sabi ko at bumalik ako sa paghahanap ng pagkain.
"Teka? Anong oras palang? Ang aga aga gutom ka? 5 palang ng umaga oh?" sabi niya
"Wala kang pakielam, nagugutom ako eh, ginising ako ng gutom" sabi ko.
"Grabe, baka buntis ka huh?" sabi niya, kinagulat ko naman yun
"Anong buntis dyan? Wala pa ngang nangyayari satin eh-----" sabi ko. Omg mali ata nasabi ko
"Ahhh, so gusto mo pala, gusto mo din sakin huh?" sabi niya sabag ngisi
"Aish ewan ko sayo! Bakit ka ba nandito?" tanong ko
"Naiihi kasi ako kaya ako bumaba, tapos narinig kong may nagbukas ng pinto sa kusina, kaya pumunta ako dito, akala ko magnanakaw" paliwanag niya
"Ang sama naman nito, ang ganda ko naman para maging magnanakaw" sabi ko naman
"Oo nga, kaso nga lang yung magandang magnanakaw na yun gusto lang daw niya sakin, dapat daw ako magiging tatay ng magiging anak niya" sabi jiya sabay ngisi.
"Aish ewan ko sayo bahala ka dyan" sabi ko at kumuha ng pagkain.
Magluluto nalang siguro ako, kumuha ako ng itlog, hotdog at bacon, kinuha ko na din yung natirang kanin kahapon na nasa ref, para ifried rice.
Habang nagluluto ako, may naramdaman akong pumulupot sa bewang ko.
"Ang galing naman magluto ng asawa ko" sabi niya sakin habang nakayakap sakin, i mean backhug hehe.
Hindi ako nagsalita kasi focus ako sa pagluluto ko.
"Kinikilig nanaman yung asawa ko, ang sarap naman ng niluluto mo, ang bango" sabi niya sabay patong ng ulo niya sa balikat ko.
"Kasing bango ko?" tanong ko nagjojoke kasi ako nyan.
Naramdaman ko namang tumango siya.
"Ikaw ha? Nagreready ka na sa pagiging asawa ko ha? Dapat ganito tayo tuwing umaga, pagluluto mo ako ng pagkain, tapos ako magreready para sa trabaho" sabi niya habang nakapatong padin ang ulo sa balikat ko.
"Edi sana kumuha ka nalang ng tagaluto o di kaya ng kasambahay" sabi ko at tumawa ng konti.
"Ayoko sakanila, gusto ko sayo, gusto ko ikaw lang" sabi niya
Oo na sige na, kinilig nako. Namumula na nga ako, muka nakong kamatis oh?
Nung natapos ako magluto, tinangal ko na yung braso jiya sa bewang ko para makakilos ako ng maayos, ang bigat kaya niya huhu.
Wala kaming ginawa ni taehyung ngayong araw kundi maging sweet sa isa't isa, simula kasi nung umalis sa trip sila mama at papa, naging sweet na siya sakin, at pagkatapos kong operahan, nagpaalam siya saking manligaw hanggang sa sinagot ko na din siya.
Ang sarap pala ng feeling na magkaroon ng isang Kim taehyung, yung iapaparanas niya sayo lagi ang iba't ibang klase ng kilig. Sana hanggang sa huli ganito kami.
----------
Last 2 chapters tapos epilouge. Enjoy reading. ☺
![](https://img.wattpad.com/cover/84459094-288-k158097.jpg)
BINABASA MO ANG
Stay with me (short story)
RandomTaehyung fanfic story Short story (Tagalog) [COMPLETED]