Chapter 10

9 3 0
                                    

Taehyung's POV

Pagkatapos ng kasal dumiretso na kaagad kami sa bahay, hindi na kami naglagay ng reception after wedding, medyo pagod na din kasi kami.

"Sa wakas tapos na din" sabi ko

"Bakit? Napilitan ka lang bang pakasalanan ako?" tanong niya

Hays paiba iba talaga ugali niya, kanina ang sweet niya, tapos ngayon ito nanaman siya, buntis ba to?

"Napagod lang po boss, nakakapagod kaya, tangalin mo naman pagod ko" sabi ko, hehehe oras ko na para magrequest.

"Paano ko naman tatangalin yang stress mo?" tanong niya

"Pagenjoyin mo si junior hehehe" sabi ko

Medyo namula siya sa sinabi ko, nakawedding dress padin siya, hindi pa kami nagpapalit ng damit, wala lang aasarin ko lang dapat siya pero biglang siyang namula, ang cute cute niya talaga.

"Huh? Ano?! Bawal!" sabi niya at hinampas niya naman ako

"Aray! Joke lang! Alam ko namang hindi ka papayag" sabi ko sabay walk out

Hays nakakaasar na talaga, magpapahinga na nga lang ako.

--------

Alex's POV

"Luh? Tampo na kaagad siya? Dinaig niya pa babae ah?" sabi ko sa sarili ko.

Sinundan ko siya sa kwarto namin, and yes kwarto na namin yung kwarto niya, sabi kasi nila tita kapag kinasal na kami dapat iisa nalang yung kwarto namin, and di ko alam kung bakit nila gusto yun mamaya may mangyari pa.

"Taehyung?" tanong ko.

Nilibot ko yung mata ko, wala siya dun, siguro naliligo na siya, naisip kong humiga na muna sa kama, syempre feel na feel ko yung dress ko. Ang cute cute kasi.

"Taehyung, wag ka na magalit please?" sabi ko ng baby voice, wala talent ko yan wag kayo.

Narinig ko namang biglang bumubos yung tubig galing sa shower, so pinapakingan niya pala ako?

"Taehyung nasa kabilang kwarto lang ako huh? Kukunin ko lang yung mga gamit ko" sabi ko naman sakaniya.

Lumabas nako ng kwartoni taehyung, at naglakad naman ako papuntang kwarto ko.

"Haaaay!" sabi ko at tumalon na sa kama ko.

Maya maya naramdaman kong unti unti ng kumakati yung katawan ko dahil sa wedding dress.

"Makapagpalit na nga" sabi ko at kumuha ako ng damit sa cabinet at pumasok sa banyo.

Butinalang hindi masyadong basa yung kwarto, kaya hindi mababasa yung wedding gown ko.

Pagkalabas ko ng kwarto, kinuha ko yung wedding gown ko at inayos ko sa malaking box, nandito lahat ng masasayang memories ko sa box na ito, itatabi ko nalang yung wedding gown ko sa box kasi hindi kasya hihi.

Pagkalagay ko ng wedding gown at box ko sa isang cabinet, nagulat ako ng biglang may tumawag sakin.

"Hello Alex, long time no see" isang pamilyar na boses ang narinig ko.

Bigla naman niya akong hinatak, para hindi ko makita ang mukha niya, kahit hindi ko siya makita, kilala ko siya.

"Namiss mo ba ako?" tanong niya

Hindi ako sumagot, hindi ko pinansin ang tanong niya.

"Ganyan ka na pala ngayon ha? Kamusta na nga pala kayo ni taehyung? Ay oo nga pala kasal na kayo, congrats ah?" sabi niya

Stay with me (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon