Ian Carlo King POV
Lumabas ako ng kwarto ko uminum ng tubig bago ako matulog. Malapit ng mag hating gabi at gising pa din ako dahil kakatapos ko lang mag laro ng Dota sa computer ko.
Dumiretso ako ng sa kusina at kumuha ng tubig sa ref. Nang magawa ko na yung gusto ko, plano ko na sanang bumalik ng kwarto ko ng makita kong papasok si Kuya Damon na tila kakauwi lang.
"Saan ka galing, Kuya?" Tanong ko kaya tumingin siya sakin.
"Bakit gising ka pa?" He asked back.
"Nag dota pa ko eh. Saan ka nga galing?"
"Uh.. wala may pinuntahan lang, matulog ka na wag kang puro dota!" He scolded. Tss.. siguro nang chicks to si Kuya, ay teka hindi pala siya mahilig sa chicks tulad ko.
Bumalik na ko ng kwarto ko at kinuha yung cellphone ko baka kasi may text ako mula sa kay Amber, pero wala naman akong nakita. Tss.. dati naman nagtetext siya pag matutulog na siya, ngayon hindi na.
** Panget, goodnight. ** I texted her.
Itinabi ko na yung cellphone ko sa side table ko pag katapos kong mag text. Dahil sa pag text ko sakanya di ko tuloy maiwasang isipin siya.
Hanggang ngayon naiinis pa din ako sa ginawa kong pag frienszone sakanya. Nabigla kasi ako sa ginawa niyang pag amin sakin, kaya sinabo kong hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay. Dahil alam ko namang nasaktan ko siya sa ginawa kong yun nag paka playboy ako para mawala na yung feelings niya sakin.. at ngayong wala na talaga siyang feelings sakin, aaminin kong ako naman itong meron na ngayon para sakanya.
Kung alam ko lang na edi sana noong umamin siya ng nararamdaman niya sakin ginamit ko na yung pagkakataong yun edi sana kami na ngayon.
Tapos si Kuya Sam parang ang wirdo ng kinikilos pag nandyan si Amber, tingin ko talaga may gusto siya kay Amber. Haay! Paano kung pormahan siya ni Kuya at sakanya na mag kagusto si Amber?
Langya, di ko ata kaya yun ah.
Ipinikit ko nalang yung mga mata ko at iniwasan na ang mag isip para makatulog na, antok lang to.
Narinig kong nag alarm ang cellphone ko, na dahilan para magising ako. Kinapa ko lang yun mula sa side table ko at kahit pikit pa ang isang mata inadjust ko lang ng limang minuto ang pag alarm at hinyaan tong ilapag sa kama ko tsaka natulog ulit.
Narinig ko ulit na nag alarm yung cellphone ko at tulad kanina inadjustko lang to at natulog ulit hanggang sa nag alarm ulit to kaya wala na kong nagawa kundi ang bumangon na ng kama ko. Dumiretso ako sa bathroom ko, para makapag shower na at makapag prepare sa pag pasok ng school.
Nang natapos ako lahat lahat sa pag aasikaso pumunta ako sa dining room para kumain kahit tinapay lang at kape. Naabutan ko na ang dalawa kong Kuya sa dining room na nag kakape na.
Nag timpla na ko ng sarili kong kape at sinabayan sila. "Kuya, sinabi pala sakin ni Lexi na type ka ni Kelly.. bakit di mo pormahan yun?" Kuya Sam said to Kuya Damon.
"Wala akong planong gawin yun." Walang ganang sagot ni Kuya Damon.
I chuckled. "Bakit naman? Ang ganda kaya ni Kelly."
"Dahil ayoko sakanya! Tigilan niyo ko sakanya, kung ayaw niyong pag papaltukan ko kayo." He said making us laughed.
"Ang sabihin mo Kuya, torpe ka!" Kuya Sam said laughing.
"Hindi ako torpe, may nagugustuhan na kong babae at kasama ko lang siya kagabi." Sabay kaming napatingin ng gulat na gulat ni Kuya Sam.
"Sino?" Kuya Sam asked.
"Chicks ba?" I asked.
"Schoolmate ba natin?"
"Sexy ba?"
Sunod sunod naming tanong, paano naman kasi ngayon lang nag sabi si Kuya na may nagugustuhan siya. Akala ko nga dati bading to eh. Haha!
"Hindi ko obligasyong sabihin yun sainyo, kaya manahimik na lang kayo."
"Tss.. ang KJ, siguro pangit yan." I joke.
"Maganda siya, siya ang pinaka magandang babae sa school para sakin."
"Yun oh! Schoolmate nga natin." Kuya Sam said.
Tumayo si Kuya Damon at tila naiilang na sa pinaguusapan namin. "Bilisan niyo na dyan, baka malate pa kayo sa school, mauna na ko sainyo." Pagiiwas niya.
"Bakit? Kuya susunduin mo na ba yung girlfriend mo?" I joke again making Kuya Sam laugh.
"Tumahimik ka na nga lang!" He scolded. Pag kasabi niya nun nag simula na siyang mag lakad palabas ng bahay.
"Sabihin mo sakin pag nalaman mo kung sino yun ah!" Kuya Sam said smirking widely.
"Paano ko naman malalaman agad yun? Eh ikaw nga tong teammate niya."
"Pag nalaman ko, sasabihin ko sayo!" Ginulo niya yung buhok ko kaya di ko maiwasang mainis. Tss.. ang tagal tagal kong inayos to, guguluhin lang niya.
Nang matapos ako sa pagkain, dumiretso din naman agad ako sa byahe para pumasok na sa school.
Nang makarating naman ako, kasabay ko lang si Amber sa pagpapark ng kotse ko. Dali dali akong bumaba ng kotse at sinalubong siya.
"Good morning, lovely girl." I greeted lively.
"Ang energetic mo today ah, anong nakain mo?" She asked chuckling.
"Bread and coffee." Inakbayan ko siya at sabay na kaming nag lakad ng campus. "Alam mo ba, may girlfriend na si Kuya Damon." Napahinto siya sa pag lalakad sa narinig na sinabi ko.
"May girlfriend na si Damon?" Gulat niyang tanong.
"Why so surprised?" I asked, confused.
"Uh.. k'kasi, diba parang wala namang nababalitang dinidate si Damon? Kaya paanong nag ka girlfriend siya?"
"Well, hindi pa naman talaga niya sinabing girlfriend niya. Pero gusto daw niya yung girl."
"S'sino daw?"
"Di niya sinabi eh. Pero siya daw ang pinaka magandang babae sa school."
"Pinaka maganda? Sino naman yung pinaka maganda dito sa school?" Teka napaisip din ako dun ah, sigurado kasi kilala ko yun pag meron nga. Isip isip, sino nga ba? Wala akong maisip eh. Tumingin ako kay Amber na tila nag iisip din. I smile secretly. Siya pala ang pinaka maganda sa school, para sakin.
"Hindi ko din alam kung sino ang pinaka maganda sa school, pero isa lang ang sigurado.. hindi ikaw yun." I joke. Sinamaan niya ko ng tingin at siniko ako.
"Ewan ko sayo!" Nag simula na siyang mag lakad at halatang di nagustuhan ang sinabi ko. Hinabol ko siya ay inakbayan.
"Biro lang panget!"
"Pumunta ka na nga sa classroom mo!"
"Ihahatid na kita." I kissed her head.
---
Please vote. ★
BINABASA MO ANG
King Brothers
Teen FictionKing Brothers, these boys are well known at school as the cuties brothers/athlete and campus heartthrobs. Damon King - The Oldest son, Football(Soccer) Star Player. His personality is more on serious, dahil siya ang panganay. Samuel King - The secon...