King Brothers - 32

13.9K 615 19
                                    

Natapos kami sa pagbabayad ng kakainin, actually si Damon ang nag bayad nung pagkain ko. Hindi na ko nakaangal dahil naibigay na niya sa cashier yung bayad.

Sabay lang kami sa paglalakad pabalik sa table namin ng hindi kami naguusap, pero yung mga braso namin nagtatama.

Sa pag dating ko sa table ko, wala na si Samie bumalik na siya kasama ng teammates niya pero si Mario nanatiling tumabi sa girlfriend niya.

Nginitian ako ng girls ng makahulugan siguro dahil nakita nilang magkasama kami kanina ni Damon, pero di nila magawang bangitin yun para biruin ako kasi nasa same table namin si Mar.

Dahil di ko naman makausap ng matino dito yung boyfriend ko, kinuha ko nalang yung cellphone ko at tinext siya.

** My love, pwede mo ba kong samahan sa bahay bukas ni Luisa? **

Hindi rin naman nag tagal nagreply siya..

** Anong meron? **

** Bukas na niya kasi ipapakilala yung boyfriend niya. **

** Yah, sure. **

** Are you sure? Baka kasama si Mario dun kasi boyfriend na siya ni Majah. **

** I don't mind, para din malaman niya na di ka imaginary girlfriend. **

Imaginary girlfriend? Yan parin ba ang pinangtitrip nila kay Damon? Buti nga ngayon medyo behave na teammates niya eh, di tulad dati na pinangngalandakan yung pang aalaska nila.

** Ok, pupunta ka ba ng bahay mamaya? **

Nag simula na kong kumain, habang nagtetext kasi naman kung itetext ko lang ng itetext si Damon baka di ko pa to maubos.

** Yup, yun lang time kong makapaglambing eh. Kaya pupunta talaga ako kahit ayaw mo man o hindi. **

I giggled as i read his text. May point nga naman siya, yun lang time namin maglambing sa isat isa.

"Uy beb, kilig na kilig?" Pangaasar ni Majah.

"Shh, focus ka nalang dyan sa jowa mo."

Nag type nalang ulit ako ng pangreply sa boyfriend..

** Sige, hihintayin kita sa bahay mamaya. 😉 **

** Pahinging madaming kiss ah. **

I grinned at his text. Adik lang sa kiss ang peg? Haha.

Sinulyapan ko si Damon baka sakaling mabasa ko iniisip niya. Hindi siya nakatingin sakin pero naka hawak lang siya sa labi niya at kunyaring nakikinig sa teammate niyang nag kukwento.

"Haay! Nakakagutom!" IC suddenly showed up, kaya dali dali kong tinago yung cellphone ko na halatang may itinatago. Shit! Muntikan na yun ah.

"Ayos ka lang?" Tanong niya sakin.

"O'oo." Nauutal ko sabi tsaka nag focus nalang sa pagkain ko, para iwas usap nalang din. Bigla niyang kinuha yung isa kong sandwich at siya ang kumain, tsaka niya kinuha yung juice ko at ininum din to.

"Hoy! Bakit di ka kaya bumili ng sarili mong pagkain?" Bulyaw ko, habang ngumunguya.

"Nagiipon ako, kaya mangbuburaot muna ko sayo."

"Bakit para saan yung iniipon mo?"

"Secret."

"Okay." Focus nalang ulit ako sa foods ko. Dati naman pinipilit ko siyang sabihin secrets niya pero ngayon, wala akong planong gawin yun dahil maski naman ako may secret sakanya.

King BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon