King Brothers - 24

16.1K 727 39
                                    

Nasa game na ako ngayon ni IC, it's already fourth quarter lamang ang kalaban na University ng four points buti nalang at samin ang bola dahil last two minutes na lang.

Sa totoo lang gusto ko nang matapos tong laro para makapunta na ko sa game ni Damon, na ayun kay Majah ay nagsisimula na ang game. Late na kasi tong nag start na game ni IC dahil yung unang game ng Overtime.

Ang mas worst nito kapag pati yung game nila mag overtime din. Haay! Wag naman sana!

Nang finally matapos ang game.. luckily hindi nag overtime, talo nga lang ang team.

Nag madali akong umalis coliseum kasi tapos naman na ang game. Sumakay agad ako sa kotse ko para maabutan pa yung laro nila Damon pero bago ko simulan ang byahe nagtext muna ako kay IC dahil baka magtaka pag di ako nakita.

** Panget nauna na kong umalis, manunuod pa ko ng game ng mga Kuya mo eh. **

Pagkatext ko nun, nag maneho na ko paalis. Tama lang ang bilis ng pagpapatakbo ko ayoko namang mag rush ng bonga dahil baka maaksidente naman ako. Baka imbes makapanuod ako ng laro sa hospital pa ko dalhin nito.

Nang finally makarating ako sa Stadium, ang una kong tinignan sa football team ay si Damon na sa ngayon ay siya may dala ng bola.

"Go King!!!" I screamed. King lang para di obvious na si Damon talaga ang chinicheer ko.

Napahinto sa pag dadala ng bola si Damon at tila hinanap ako, kumaway ako para madali niya kong makita. Then nag patuloy na siya sa pag dala ng bola. He passed it to Samie, then Samie passed it to Mario, then Mario passed to Damon. Na siyang nakagoal.

He did it! Naka goal siya, ang husay talaga ng mahal ko. Haha!

Tumingin ako sa score board at ngayon lang napansin na first score pala nila yun at yung kalaban ay two goals na. Ay!!

"Amber!!" I heard Majah's voice calling, yelling my name.

Hinanap siya ng paningin at nang makita ko siya, lumapit agad ako sakanya. Nasa di kalayuan niya si Lexi na for sure naka support kay Sam. Ngumiti lang ako sakanya ng mag tama ang mata namin, ibinalik naman niya yung ngiti na yun.

"Buti nakaabot ka." Majah said nangmakalapit ako sakanya.

"Oo nga, akala ko hindi na ko nakaabot." I said, relieved.

"Nainsipired nga agad si Damon ng makita ka eh, tignan mo na goal." Pagbibiro niya pero buti nalang at bulong yun dahil sinabihan ko naman silang dalawa ni Luisa na lihim pa sa ngayon ang relasyon namin ni Damon.

Sila palang ang nakakaalam ng tungkol samin, paano ba naman kasi hanga't di umaalis kagabi si Damon yung dalawa naman di rin umalis sa bintana ng kwarto ko para panuorin kami na akala mo nasa sinihan sila. Sinabi ko rin naman kay Damon na alam nitong dalawa ang tungkol samin, ayos lang naman daw sakanya yun mas maganda pa nga daw pag may nakakaalam na iba para daw may ibang may alam na kami nga talaga at may makakapag patunay daw.

"Inspired agad? Diba pwedeng nadala lang ng galing niya?"

"No! Alam mo bang kanina pa siya parang wala sa focus tapos nung dumating ka biglang naka goal."

Oh!! I looked at Damon, he's looking at our direction. Ayokong mag assume na nainspired nga siya dahil nakita ako, pero kung totoo man yun. Kilig ako! Haha!

Nag simula ulit ang game dahil kahit naka goal sila di pa naman tapos ang laro. Sa kalaban pa ang bola, pero buti nalang at naagaw nila yung bola. As expected ipapasa nila yung bola kay Damon may lumapit sakanyang defender at sa pagaagaw ng bola nung defender na yun tila tinamaan sa binte si Damon kaya napahiga ito sa field at naka hawak sa binte. Shocks!! Biglang kumabog yung puso ko sa kaba.

Gusto ko siyang puntahan pero syempre hindi naman pwede yun.

Nilapitan siya ng mga kateammate niya at inalalayan si Damon sa pagtayo, pero nang makatayo siya pinilit niyang siya nalang ang maglakad at thank god mukhang kaya naman niya, iika-ika nga lang.

Nakatitig lang ako sakanya habang nag lalakad siya papalapit sa bench nila, yung focus ng tingin ko na sakanya lang habang yung kabog ng dibdib ko dinig na dinig ko.

Nang makalapit siya sa bench nila inalalayan siya papunta siguro sa Dugout nila.

Shemay! I can't just stand here and wait kung ano ng lagay niya. Mamaya pinilit lang niyang makalakad para maassured yung team niyang ayos lang pero di ako kumbinsido na okay lang siya.

"Ayos lang siya." Maj reassured me.

"Matagal pa bang matatapos yung game?" Tanong ko.

"Medyo."

"Okay, pupuntahan ko lang si Damon." Mahina kong sabi. Tumango lang siya sakin tsaka ngumiti.

Nag simula na kong mag lakad papuntang dugout, alam kong bawal yun pero di naman ako papahuli. Bahala na! Basta kahit isang minuto lang maassured ko ang sarili kong ayos nga lang talaga siya.

Nang malapit na sa dugout nila, lumabas yung isang lalake na tingin ko ay ang Physical Therapist ng team kaya nag tago muna ako sandali hangang sa mawala siya sa paningin ko at mukhang pabalik na ng team.

Kumatok na ko sa pinto dugout nila. "Pasok!" Boses yun ni Damon.

Binuksan ko yung pinto at dun nakita ko siyang shirtless, imbes mag aalala ako nailang pa ko.

"Amber? Anong ginagawa mo dito?" Pagtataka niya.

"Sira ka ba! Syempre nag aalala ko!" Hindi parin ako makatingin ng diretso sakanya. "Suotin mo nga yung jersey mo!" Utos ko.

"Ayoko nga!" Abat loko to ah!

Tumingin ako sakanya at sinamaan siya ng tingin in a very sweet way naman. Ngumisi lang siya sakin ng mapangasar. Pasalamat siya at injured siya ngayon kung hindi pinaltukan ko na siya.

He extends his hand on me. "Pwede mo ba kong tulungang tumayo?"

Nag lakad ako ng mas malapit sakanya at hinawakan siya sa kamay tsaka siya tinulungang makatayo.

"May gagawin ka ba at tumayo ka?" Tanong ko.

"Oo." Niyakap niya ko, na talaga namang nagpailang sakin kasi nga shirtless siya pero at the same time syempre kinikilig.

"Ito ang gusto kong gawin." Bulong niya na much nag pakilig sakin. Hihi!

"I see." Iniyakap ko sa bewang niya yung mga kamay ko, kaya mag kayakap kami ngayon dito.. sa dugout. Never kong naimagine na may yayakapin ako sa dugout, hindi naman kasi ako pumapasok sa mga ganito.

"Thank you for coming." He whispered again.

"Sabi ko naman sayo diba, manunuod ako."

"No hindi yun, yung pag punta mo dito sa dugout ang tinutukoy ko. Naiinis kasi ako at nainjured ako dahil di ako makakatulong sa team hangang sa makita kita, kumalma ako."

I giggled. "Why so sweet, Damon?"

He chuckled, kissing my hair. "Hindi ko rin alam." Bumitaw siya sa pagkakayakap sakin kaya ganun din ako, gustuhin ko mang yakapin pa siya ng matagal bumitaw na siya eh.

"Tingin ko dapat bumalik ka na sa kaibigan mo, baka maabutan ka nung iba dito."

Tumango lang ako sakanya bilang pag sangayon. "Pero, ayos ka lang ba talaga? Kamusta yung binte mo?"

"Ayos lang ako." He reassured. Inalalayan ko muna siyang makaupo tsaka aakma na sanang umalis pero pinigilan niya ko.

"Kiss ko?" He asked making me laughed, softly.

"Okay." I bend down my face and presses my lips to him. It's just a soft and smack kiss. "Happy?" I asked, smiling widely. He just nodded.

Nang makiss na ko sakanya lumabas din naman ako ng dugout at nag lakad na ako pabalik para panuoring matapos ang game.

"Amber.." boses ng isang babae ang tumawag sakin. Hinanap siya ng paningin ko and ang nakita ko ay si Lexi.

"I knew it, ikaw ang girlfriend ni Damon." Makahulugan niyang sabi.

Shit!

--

Keep voting babies. 😉

King BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon