Nagising ako mula sa pagkakatulog at nakaramdam agad ako ng panghihina. Shit! Magkaka sakit pa ata ako. Mukhang na sobrahan ako sa pagiisip sa nangyayari samin ni Damon at sa realtalk na nasaktan ko ang best friend ko kaya eto nararamdaman ko ngayon.
Sobrang bigat sa loob nang lahat ng nangyayari ngayon. Haay!
Sinubukan kong bumangon ng kama at nakaya ko naman it means makakaya kong makapasok pa ng school. Ayaw ko din kasing mag stay lang dito, lalo lang akong nagkakasakit at magiisip tsaka absent na 'ko kahapon kaya ayaw kong umabsent ulit ngayon.
Iniligpit ko lang yung pinaghigaan ko tsaka ko kinuha yung towel at pumasok sa bathroom.
Nag shower ng mabilis, mga sampong minuto lang ata akong nag shower dahil lamig na lamig ako sa tubig kaya sa paglabas ko ng bathroom nag bihis agad ako at nag patuyo ng buhok gamit ang blower.
Nag suot nalang ako ng jacket pangpabawas sa lamig, panigurado mamaya pag tumaas na ng bongga yung araw mawawala din 'tong lamig ko.
Kinuha ko na yung bag ko sa side table at naalala ko yung cellphone ko na nakalimutan kong iopen. Kahapon pa tong nakaoff, kaya pala di siya nag iingay kagabi.
Paano pala kung naka received na ko ng text mula kay Damon.. di naman niyang sinabi na wag muna kaming magsend ng text sa isat isa eh.
Kinuha ko yung cellphone ko tsaka umupo muna ng silya.
Inopen ko na ulit yung cellphone ko and nag hintay kung may mare'received akong text kahit na kanino.
Naka received ako ng tatlong text.. One from Majah, two are from Damon.
Binasa ko yung dalawang message ni Damon pero lahat naman blangko lang. As in wala siyang tinaype, basta blangko lang.
Binasa ko nalang yung text ni Maj dahil wala naman akong napala sa message ni Damon.
** Beb, may rumored sainyong dalawa ni Marcus sa school. Ayos ka lang ba? **
Nag type ako nang pang reply kahit na kagabi pa yung message na yun..
** Yah, no worries. **
Nag type din ako nang pangreply sa blangkong message ni Damon pero wala akong maisip na sasabihin kaya nag send nalang din ako ng blangko.
After kong mag text sakanila, binalik ko sa bag yung cellphone ko at nag simula ng maglakad palabas ng kwarto. Medyo mabagal pa nga yung paglalakad ko dahil sa panghihina ko.
Nakarating ako sa sala, nakita ko si Mama na katatapos lang magluto. "Morning po." I greeted.
"Are you okay?" She asked.
"Opo uh.. medyo masakit lang yung ulo." I reassured.
"Mabuti pa wag ka munang pumasok, baka kung ano pang mangyari sayo sa school."
"Ayos lang po Ma, kaya pa naman wag kayong mag alala."
"Sigurado ka?"
"Opo." I smile to reassured her.
She sighed. "Okay, kumain ka na para makainum ka ng gamot. Promise me na uuwi ka kapag di mo na kaya."
"Opo." Nag simula na 'kong kumain, si Mama naman biglang umalis ng kusina pero di rin naman nag tagal bumalik siya na may bitbit ng gamot.
"Inumin mo yan pag katapos mong kumain."
"Opo."
Sa pag tapos 'kong kumain di ko na naubos yung niluto ni Mama para sa'kin di rin naman niya pinilit na ubusin ko kaya uminum nalang ako ng gamot tsaka nag paalam sakanya para pumasok ng school.
BINABASA MO ANG
King Brothers
Teen FictionKing Brothers, these boys are well known at school as the cuties brothers/athlete and campus heartthrobs. Damon King - The Oldest son, Football(Soccer) Star Player. His personality is more on serious, dahil siya ang panganay. Samuel King - The secon...