King Brothers - 46

12.3K 526 17
                                    

Damon King POV:

Nagising ako mula sa pagkakatulog sa tulong ng alarm ko. Ewan ko ba kung bakit nakalimutan kong wag patunugin yan ngayon eh wala namang pasok ngayon.

Pinatay ko lang yun at nanatili akong humiga ulit sa kama ko. I was about to close my eyes again nang marinig ko naman na mag ring yung cellphone ko.

Kinapa ko lang yun sa gilid nang kama ko at sinagot yung tawag nang hindi na nag abalang tignan kung sino yun dahil alam ko naman na kung sino yung tumatawag.

"Hello my Love?" Yah it's her.

"My Love, i don't know what to wear."

"Ha?"

"Ipapakilala mo na 'ko kela Tita diba? Hindi ko alam ang isusuot ko."

I chuckled. "Mamaya pa naman yun, mamaya mo na isipan yan tsaka kahit anong suot mo maganda ka."

"Tssss.. di nakakatulong yang pangbobola mo!"

"Bakit ba kasi tila kinakabahan ka? Eh di naman 'to ang first time na mami-meet mo sila." Natatawa kong sabi.

"Eh iba na ngayon eh hindi nalang ako basta best friend ni IC, girlfriend mo na 'ko ngayon."

"Don't worry walang nagbabago, magugustuhan ka pa din nila." I reassured.

I heard her sighed. "Sana nga."

"Hmmm.. pwede na bang matulog na 'ko ulit? Inaantok pa kasi ako eh."

"Ano bang ginawa mo at napuyat ka?"

"Inisip ka." Totoo yun! Hindi biro o bola.

"Antok nga lang yan. Sige na, matulog ka pa. Magpapatulong nalang ako kay Mama tungkol sa susuotin."

"Okay. Wala bang i love you?"

She giggled. "I love you."

I smiled. "I love you too my love."

Ibinaba ko na yung tawag nang girlfriend kong kinakabahan sa pagpapakilala ko sa kanya kela Mama. Napangiti ako kasi naiimagine kung anong itsura niya ngayon. Ibang klase 'to kahit di ko siya kasama napapangiti ako. Paano nga ba nauwi sa ganito yung nararamdaman ko sa kanya?

Nung una ko siyang makita, 1st year High School palang siya at medyo Nene pa, ako naman 3rd year high school kaya ang tingin ko lang talaga sa kanya noon ay kaibigan lang ni Ian, pero noon palang aminado na kong nagandahan ako sa kanya.

Hanggang sa napapadalas na noon ang pag bisita niya sa bahay dahil ang friendship nila ni Ian ay nauwi sa best friend.

Bawat taon nakikita ko ang unti unti niyang pagiging isang dalaga. Minsan nahuhuli ko nalang ang sarili ko na nakatitig sa kanya dahil sa pag tawa niya. Maganda siyang tumawa, walang kaarte arte. Isa yun sa mga nagustuhan ko sa kanya.

Hanggang dumating yung araw na nag confess siya noon kay Ian. Hindi ko nasaksihan yung pag confess niya pero nasaksihan ko yung pag iyak niya. Ewan pero parang dun nag simula 'tong nararamdaman ko sa kanya. Gusto ko kasi yung mga ngiti at tawa niya kaya noong nakita ko siyang umiiyak parang hindi ko kaya, gusto ko sana siyang i-comfort kaya lang hindi ko nagawa.

Nagtuloy tuloy 'tong nararamdaman ko sa kanya at mga pasimple kong tingin sa kanya hanggang itong nararamdaman ko parang gusto nang kumawala dahil habang tumatagal na inililihim ko sa kanya yung nararamdaman ko parang mas lalong lumalala kaya noong gabing pumunta ako sa bahay niya nang walang kahit na anong plano basta gusto ko lang iparating sa kanya yung nararamdaman ko at yun na nga.. hinalikan ko siya. And i was so happy that night kasi nag response siya. After nun hindi ko na siya tinigilan and masaya akong ginawa ko yun kahit na alam kong magagalit si Ian dahil sa pagiging protective niya.

King BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon