Marcus and i are on the way to parking. Tapos na ang klase kaya oras naman para umuwi sa bahay ko nalang hihintayin ang boyfriend ko dahil busy pa siya sa practice.
Tsaka habang nasa practice pa ang boyfriend ko, pupunta muna 'ko sa Inn na tinutuluyan nila Daddy para maka bonding muna sila.
"Si Ian yun diba?" Tanong ni Marcus nang halos malapit na kami sa kotse ko. Naka sandal lang siya sa kotse ko at tila ang lalim nang iniisip. "Bati na kayo?" Tanong niya ulit.
"Ganun pa din ang trato niya sa'kin kaya di ko alam kung bakit siya nandyan. Sige ah, mauna na 'ko baka kailangan niya lang nang kausap." Pagpapaalam ko sa kanya. Tumango lang siya bilang sagot.
Nag lakad na 'ko papalapit sa kanya. Dahil sa nakayuko siya habang nasa bulsa ang mga kamay hindi pa rin niya alam na parating na 'ko. Huminto ako sa harap niya, dahan dahan niyang inangat yung ulo niya at nag tama ang mga mata namin. Tumitig siya sa mga mata ko kaya nakipagtitigan naman ako.
"May problema ba?" Tanong ko.
"Pwede ba kitang makausap?" Tanong din niya.
"Oo, ano ba yun?"
"Give me your key, ako mag da-drive."
"Wala ka bang practice ngayon?" Pagtataka ko. Sa pagkakatanda ko kasi may practice siya nang ganitong araw.
"Meron pero pinaalis din naman agad ako ni coach dahil di ako makapag focus."
"Bakit?"
"Mamaya ko na sasabihin." May problema nga siguro. Inabot ko nalang sa kanya yung susi ko tsaka kami sabay na sumakay sa kotse ko. Ako sa passenger side, siya syempre dun sa driver side.
Mukhang di matutuloy pag bisita ko kela Daddy dahil dito.
Inistart niya yung makina tsaka namin sinimulan ang byahe papunta sa... hindi ko alam. Saan nga ba kami pupunta?
"Tungkol saan ba pag uusapan natin?" Tanong ko habang nasa byahe kami.
"Mamaya ko na sasabihin, pag nakarating na tayo sa pupuntahan natin."
"Saan ba tayo pupunta?"
"Basta." Haay! May pabasta basta pa 'tong nalalaman di nalang sabihin. So, tulad nang sinabi niya hinayaan ko na siya sa kung saan man kami pupunta. Tumahimik nalang muna ako habang nakatingin sa bintana pero yung way namin mukhang alam ko na kung saan kami pupunta.
Inihinto ni IC ang kotse sa parking kung saan kami nag picnic noon at nag laro din ng football. Bakit kaya dito niya kami dinala?
Bumaba kami ng kotse tsaka siya nag simulang maglakad papunta sa isa sa mga bench kaya sumunod nalang ako sa kanya. Nang makaupo siya, ako naman ang sumunod na umupo.
Tahimik lang kami, ang totoo hinihintay ko lang siya na mag simulang mag salita kaso parang wala siyang plano kaya nag tanong na 'ko. "So, anong paguusapan natin?"
Huminga siya ng malalim. "May gumugulo kasi sa isip ko at feeling ko pag di ko 'to inilabas mababaliw ako."
I smile, secretly. Ako pa din ang gusto niyang pag labasan nang.. kung ano mang gumugulo sa kanya sa kabila nang lahat.
"Ano ba yun?"
Tumingin siya sa'kin na tila naiilang kaya parang naintriga ako. Hmm... "IC ano yun?" Paguulit ko sa tanong.
"Uh... kasi ano uh..." He paused, kita sa itsura niya na nag dadalawang isip siyang sabihin sa'kin ang gumugulo talaga sa isip niya.
Bumuntong hininga siya ng malakas. "May nagyari sa'min ni Lexi." Mabilis niyang sabi na sa sobrang bilis parang one word nalang.
BINABASA MO ANG
King Brothers
Teen FictionKing Brothers, these boys are well known at school as the cuties brothers/athlete and campus heartthrobs. Damon King - The Oldest son, Football(Soccer) Star Player. His personality is more on serious, dahil siya ang panganay. Samuel King - The secon...