King Brothers - 38

14.9K 563 42
                                    

Nag simula na kaming mag lakad ni Damon sa campus. Hindi ko alam kung bakit parang hindi pa din ako sanay na pinag titinginan kapag may kasama akong King, siguro dahil din ngayon.. bitbit ni Damon bag ko at nasa likod ko pa yung kamay niya para alalayan ako sa paglalakad habang yung kaliwang kamay ko nasa bewang niya. Tama! Pagtitinginan nga kami ng bonga ni'to.

Ang totoo wala naman akong pakialam na pag tinginan nila eh, si Damon ang iniisip ko kasi mukhang ngayon lang pumasok ang idea na 'to sakanya eh. Pero kapag tinitignan ko naman siya parang wala lang naman din sakanya.

It means, eto na talaga ipapa'alam na namin sa lahat na ako ang imaginary girlfriend niya. Ibig sabihin din mag sisimula na ang pagsubok sa relasyon namin, taray ang lalim nun.

"Amber.. Damon.." We heard Majah's voice. Huminto kaming dalawa sa paglalakad at hinarap sila, she's with Luisa.

"Beb kumusta pakiramdam mo?' Luisa asked.

"Ayos na 'ko, wag kayong mag alala uuwi na din ako para sa bahay ituloy ang pag papahinga." I reassured.

"Sa itsura n'yong dalawa mukhang plano n'yo ng ikalat ang tungkol sainyo." Majah comments.

Nagtinginan kami ni Damon. "Ganun na nga." Sagot ko habang nakatingin sa mga mata ng mahal ko. Ngumiti siya sa'kin at hinalikan ako sa ulo.

"Sige na umaalis na kayo, nangiingit pa kayo eh." Pagtataboy ni Majah.

"Sige, aalis na kami." Pagpapalam ni Damon tsaka namin sinimulan ang paglalakad papuntang parking.

We decided na kotse ko nalang ang gamitin at babalikan nalang daw niya mamaya yung kotse niya kasi may practice naman daw siya.

Pinag buksan niya lang ako ng pinto sa passenger seat, nang makasakay naman ako si Damon naman ang sumakay ng kotse.

"May gusto ka bang kainin bago kita ihatid sainyo?" Tanong niya habang iniistart yung makina.

"Mmm.. i don't know, parang wala pa 'kong ganang kumain."

"No, you have to eat!"

I chuckled. "Okay, choice mo na kung anong kakainin wala rin naman kasi akong maisip."

"Mmm.. sige, pero kakain ka ha. Sinabihan ako ni Tita na pakainin ka tsaka painumin ng gamot."

"Nag papalakas ka kay Mama ah."

He grinned. "Kailangan eh, para kapag hiningi ko na yung kamay mo sakanya papayag agad siya." Hala siya! Hihingiin daw yung kamay ko, edi mawawalan na 'ko ng kamay kung hihingiin niya. Haha! Ang korni ng jokes ko, buti nalang sinarili ko lang yun.

Etong mokong na 'to kasi, nang bibigla eh. Pag hingi ba naman agad ng kamay ko ang nasa isip eh wala pa nga 'ko sa legal age, pero kung sabagay malapit na rin naman. Kunting tiis nalang my love, malapit na! Hihi!

Sinimulan na namin ang byahe pauwi ng bahay pero bago yung bumili muna si Damon ng kakainin namin pag dating dun, tatlo ang pinuntahan naming bilihan ng pagkain; Una, bumili siya ng mainit na lugaw. Pangalawa, bumili siya ng Burger and fries. Pangatlo, fruits like apples and oranges.

Para sa'kin daw yung lugaw at prutas eh parang mas bet ko pa ngang kainin yung burger at fries niya.

Sa pag dating naman namin sa bahay, yung mahal ko nag paka gentleman at inalalayan ako sa pagbaba kahit di naman na kailangan kasi keri ko naman eh but since mukhang bumabawi siya mula sa pagpapaiyak sa'kin kahapon pagbibigyan ko na siya.

Pagbaba ko ng kotse, sabay na kaming nag lakad papasok ng bahay. Dumiretso kami sa sala at umupo ako ng couch habang siya nakatayo lang.

"Kainin na natin 'to?" Tanong niya sabay pakita nung foods na bitbit niya habang nilalapag din yung bag ko sa couch.

King BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon