Nagising ako mula sa pagpapahinga at masasabi kong maganda pakiramdam ko salamat sa buong araw na pahinga. Sa pag mulat ko ng mga mata ko nakita ko ang best friend kong nakaupo sa silya malapit sa side table ko kaya napaupo ako sa bigla.
"IC, anong ginagawa mo dyan?" Pagtataka ko.
"Masama bang bantayan ang best friend kong malihim?" Okaaay, base sa tono niya.. alam na niya at nag tatampo talaga siya ng malala, base din yun ngayon sa mukha niyang di maipinta.
"IC-"
"Pati ba naman sa pagkakaroon mo ng sakit, ako din ang huling nakaalam?" He seriously said. Hindi ko alam ang sasabihin, ang totoo wala akong maisip na sasabihin. Hindi ko alam kung ano bang dapat sabihin, lalo na't di ko pa alam kung nakapag usap na sila ni Damon. Pero ibang usapan na siguro pag nagtanong siya, syempre kailangan kong sumagot tutal alam naman na niya kaya di na kailangan magtago.
Inayos ko lang yung pagkakaupo at hinarap siya.
"Nagkausap na ba kayo ni D-"
"Hindi pa! Iniiwasan ko siya at ayaw ko din siyang kausapin." Pagpuputol niya sa tanong ko. Oh-wow! Ang pranka niya, hanggang kailan niya kaya iiwasan ang Kuya niya.
"I uh.. see." That's all i can say.
"Ako ba yung first kiss mo o si Kuya?" Biglang tanong ni IC na ikinagulat ko.
I looked down and shake my head. "Si Damon."
He chuckled bitterly. "All this time akala ko ako ang first kiss mo, ang saya ko pa nga eh kahit alam kong nagalit ka pero.. ang tanga ko, hindi pala ako."
"Sorry, hindi ko din kasi alam kung paano sasabihin sayo."
Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa silya at naglakad papalapit sa'kin. Lumuhod siya sa harap ko at hinawakan ang mga kamay ko.
"Ako nalang panget, hindi kita sasaktan pangako. Nagawa mo na 'kong mahalin noon, alam kong magagawa mo ulit yun at alam kong di nawala yun."
Hinila ko yung kamay kong hawak niya. "IC, i can't im sorry.. Oo mahal kita pero bilang best friend ko."
Kita sa mga mata niya na nasaktan siya sa narinig na sagot ko at unti unting tumulo yung mga luha niya. Shit!
Dali dali ko siyang hinawakan ko siya sa magkabilang pisnge at pinunasan ko ang luha niya gamit ang thumb ko tsaka ko siya niyakap. "I'm sorry, I'm sorry, please wag ka ng umiyak."
Hindi lang siya nag salita at nagpatuloy lang sa pagiyak hanggang sa bumitaw siya sa pagkakayakap ko sakanya tsaka siya tumayo at naglakad palabas ng kwarto ko.
This time naramdaman ko na din ang mga luha ko na tumutulo sa mga mata ko. Nasasaktan ako sa ideang nasaktan si IC, pero wala akong magawa. Mali! May magagawa pala ako kung susundin kong yung sinabi niyang siya nalang ang mahalin ko, pero di ko naman kayang iwan at bitawan si Damon dahil mahal ko siya.
Bakit ba kasi hindi pa niya noon naramdaman yan? Noong ganun din nararamdaman ko para sakanya? Nakakainis!
Ibinagsak ko yung katawan ko sa kama at pinunasan ang luha ko.
Nakarinig naman ako ng katok mula sa labas ng kwarto ko kaya bumangon ulit ako ng kama. Humarap muna ako ng salamin at pinunasan ng maayos yung mga mata kong kakagaling lang sa pagiyak.
Naglakad ako papuntang pinto at pinag buksan ang kumatok, laking gulat ko na makita si Damon dahil kakaalis lang ni IC ibig sabihin may chance na nagkaabot sila.
"Ayos ka lang ba? Nagkita kami sa labas ni Ian at.. umiiyak siya." Tanong niya. So, nagkaabot nga sila.
Yinakap ko agad siya sa bewang niya at tumulo na naman yung mga luha ko. "Anong gagawin natin? Nasasaktan si IC."
BINABASA MO ANG
King Brothers
Teen FictionKing Brothers, these boys are well known at school as the cuties brothers/athlete and campus heartthrobs. Damon King - The Oldest son, Football(Soccer) Star Player. His personality is more on serious, dahil siya ang panganay. Samuel King - The secon...