Nakarating kami ng bahay ng Kings. Plano ko na sanang bumaba ng kotse ko para alalayan si Damon sa pagbaba ng bigla niya kong pigilan kaya napatingin ako sakanya.
"Bakit?" Tanong ko.
"Kiss muna."
I giggled. "Kailan ka pa naging adik sa kiss?"
"Mula nung mahalikan kita." Okay since he requested it, pag bibigyan ko. Gusto ko din eh. Hihi.
Inalapit ko yung mukha ko sakanya tsaka ko siya hinalikan sa labi niya. I was about to break the kiss pero hinawakan niya ko sa chin kaya nag patuloy ang kiss namin, lalo na't nag respond pa siya.
"Happy now?" I asked smiling, after our kiss.
He grins. "Yes."
Bumaba na ko ng kotse para maalalayan ko na siya sa pagbaba. Nag lakad ako diretso sa passenger seat, hindi ko na kinailangan pang buksan yung pinto ng kotse dahil ginawa na ni Damon yun.
Sinimulan ko na siyang alalayan sa pagbaba, iniakbay ko yung braso niya sa balikat ko tsaka ko siya inilagay yung kamay ko sa bewang niya.
"Hmm.. kailan kaya mangyayaring nakaakbay ako sayo sa school." Mahina niyang sabi na halos bulong na sakin.
I chuckled. "Mangyayari yun pag kinausap mo na si IC." Leveling lang ng boses ko ang boses niya kanina.
"Humahanap na ko ng tyempo."
"Good to hear that, nahihirapan na kong mag tago kay IC eh." Nakakakonsensya na din talaga na naglilihim ako sa best friend ko, dati naman kasi wala akong nililihim dun kahit nga feelings ko sinabi ko sakanya eh.
Nag simula na kaming mag lakad papasok ng bahay dumiretso kami ng sala para paupuin siya.
"Tatawagin ko lang si IC baka nandito na siya, para tulungan kang makaakyat sa kwarto dahil sa totoo lang ang bigat mo." I frankly said making him laughed.
"Gusto ko sanang payagan kang tawagin si Ian pero ayaw kong pumunta ka sa kwarto niya."
"Di naman yun ang first time kong papasok dun nu."
"Kahit na!" He snapped, glaring sweetly. Mukhang nasa jealous mode siya kaya di ko maiwasang mapangiti.
"Sige na masusunod ka na po." I playfully said.
He smiled, amusingly. "Pwede mo ba kong ikuha ng tubig?"
"Yah sure, anything for my love." Pagkasabi ko nun naglakad na ko papunta sa kusina nila at feeling at home na naman. Ganito ako lagi dito, kasalanan ni IC lagi kasi akong pinapunta dito at inuutusan kumuha ng kung ano ano. Palautos yung mokong na yun eh, pero pag siya ang nasa bahay naman siya ang inuutusan ko. Hoho!
Bumalik na ko ng sala bitbit ang malamig na tubig for Damon at dun nakita kong kasama na niya si IC na tingin ko ay kauuwi lang dahil bitbit pa niya yung bag niya at naka varsity jacket pa.
Nag lakad ako papalapit sakanila at inabot kay Damon yung tubig. "Heto na yung tubig mo."
"Salamat." Matipid na sabi ni Damon.
Binaling ko ang tingin kay IC. "Panget-" Di ko pa natatapos sasabihin ko bigla nalang siyang nag walk out paakyat ng kwarto niya. Hala siya! Nagtatampo nga!
"Pupuntahan ko lang siya." Pagpapaalam ko kay Damon. Tumango lang siya bilang pagsangayon.
Nag madali akong habulin siya dahil baka pag nakapasok na siya ng kwarto niya ilock niya at tuluyan ko siyang di makausap. Sakto naman papasok siya ng kwarto niya nahawakan ko siya sa braso para pigilan.
"Sandali lang panget, wag ka na magalit."
"Dapat kasi hinintay mo na ko, tama ba namang iwan ako eh talo na nga kami sa game?" Pangungunsenya niya.
"Sorry na nga eh, babawi ako next time."
"Tss."
"Sorry na please.." I said puppying my eyes. He just sighed maybe to released his upset.
"Oo na sige na." He gave up.
I giggled. "Thank you, ang lakas ko talaga sayo."
"Tss." Bigla niya kong inakbayan at ginulo yung buhok ko.
"Ian Carlo!!" I scolded yelling his name. Bumitaw siya sa pagkakaakbay sakin at pang gugulo sa buhok tsaka tumawa ng malakas dahil sa kalokohan niya. Grabe! Baliw na talaga siya.
"That's for leaving me." Pangaasar niya.
"Siraulo!" Inis kong sabi habang ang sama ng tingin sakanya. He just laughed at my word. Dapat pala di muna ako nag sorry eh.
Inayos ko nalang buhok ko at di pinansin ang pag tawa niya. "Pumunta ka ng bahay sa Sunday ha, may magsusukat satin ng susuotin natin para sa debut ko."
Huminto siya sa pag tawa at tila biglang naexcite. "Talaga?"
"Oo! Pag hindi ka pumunta papalitan kita bilang escort ko." Pabiro kong pagbabanta, paano kasi binadtrip niya ko.
"Sus, para namang magagawa mo yun eh patay na patay ka sakin."
"Ha! Ang kapal talaga ng mukha."
He laughed again. Ang saya na niya ngayon ah, kanina di maipinta ang mukha eh. "Don't worry pupunta ako sa Sunday."
"Dapat lang! Sige na baba na ko baka naghihintay na si Damon."
"Bakit ka naman hihintayin ni Kuya?" Pagtataka niya. Shit!! Seriously Amber? Nasaan ang utak? My subconscious scolded me.
"Uh.. kasi nag offer akong tulungan siyang makaakyat ng kwarto niya." Pagpapalusot ko. Buti nalang mabilis akong nakaisip ng palusot.
"Ako nang gagawa nun, umuwi ka na. Gabi na."
"Yes, Dad." Pabiro kong sabi para maiwas agad dun sa pagkakadulas kong pag bangit kay Damon. Shemay talaga! Ilalaglag ko pa ata sarili ko.
Plano ko na sanang bumaba para makapag paalam naman ako ng maayos kay Damon pero pinigilan naman ako nitong ugok. "Sandali sabay na tayo, ipapasok ko lang gamit ko."
Sumunod na ko, kasi baka magtampo na naman siya dahil iniwan ko siya. Matampuhin talaga tong ugok na to eh, daig pa ko.
Nang maipasok niya yung gamit niya tulad ng gusto niya sabay kaming bumaba papuntang sala habang nakaakbay siya sakin. Gusto ko mang alisin yun lalo na't pupuntahan namin si Damon di ko naman magawa dahil baka mag taka siya
Pag punta namin ng sala, nakasandal lang yung ulo ni Damon sa sandalan nung couch habang nakapikit. Ang gwapo niya talaga, paano kaya siya naging gwapo ng ganyan?
"Kuya sa kwarto ka na matulog." IC said. Minulat ni Damon ang mga maya niya at tumingin sa direksyon namin. Tumingin lang siya samin ng blangko.
Finally bumitaw si IC sa pagkakaakbay sakin at inalalayan si Damon sa pagtayo. "Sige na kaya ko na to, umuwi ka na." IC said to me.
"Sige." Tumingin ako sa mga mata ni Damon para mag paalam sa pamamgitan ng tingin. Mukhang nagkasundo at nagkaintindihan naman kami sa tingin palang kaya nag lakad nalang ako palabas ng bahay.
Haay! Ang hirap ng ganitong setup. Sana naman mabangit na niya ang tungkol samin kay IC.
Sa paglabas ko, plano ko na sanang sumakay ng kotse ko sakto naman ang pag dating ni Sam. "Uuwi ka na?" Tanong niya pagkababa niya ng kotse.
"Oo." Matipid kong sabi.
"Ayos na kayo ni Ian? Di na ba siya nagtatampo?"
"Oo." Matipid kong sabi. Nakakailang talaga to, ayoko mang maramdaman to di ko maiwasan.
Naglakad siya papalapit sakin at hinalikan ako sa forehead na ikinabigla ko. "Mag iingat ka."
I looked up at him, embarrassingly. "O'okay." Nauutal ko sabi tsaka dali daling sumakay ng kotse ko. Shocks!
--
Keep voting babies. 😁
BINABASA MO ANG
King Brothers
Teen FictionKing Brothers, these boys are well known at school as the cuties brothers/athlete and campus heartthrobs. Damon King - The Oldest son, Football(Soccer) Star Player. His personality is more on serious, dahil siya ang panganay. Samuel King - The secon...