Pupunta na kami ni Damon sa bahay ni Luisa para mameet namin ang jowa niyang professor kaya lagi nalang silang palihim na magkita dahil professor to.
Uso ba ang lihiman ng relasyon? Kasi pareho kaming magkaibigan na itinatago sa school ang relasyon namin sa boyfriend namin eh. Haay! Habang tumatagal lalo kong nararamdaman ang kagustuhang ikalat na yung tungkol samin ni my love.
"What are you thinking?" My love asked while driving. I just shake my head. I don't know kung tama bang sabihin ko sakanya yung iniisip ko, baka kasi sawa na siyang pagusapan ang tungkol sa pagsabi kay IC ng about samin.
"Tell me." Pagpupumilit niya.
"Uh.. iniisip ko lang kung anong magiging reaksyon ni Mario pag nalaman niyang ako ang imaginary girlfriend mo." Yan na ang best palusot na naisip ko.
He chuckled. "I don't know too."
"Di kaya ikalat niya yung tungkol satin pag nalaman niya yun?" Hmm.. pag ginawa niya yun, pabor kaya sakin yun o hindi? Ewan, gusto ko rin naman malaman na ng school na ako ang girlfriend niya pero ayaw ko naman sa ganung setup.
"Hindi niya gagawin yun, si Mario yung tipo na nagtatago ng sikreto."
"Mmm.. mabuti kung ganun kasi yung relasyon ni Luisa at nung boyfriend niya ay sikreto lang din." parang tayo! I want to add that pero di ko na tinuloy.
"Hindi sikreto yung satin." He said sensing my thought.
"Wala naman akong sinabi."
"Pero alam kong yun ang iniisip mo." Paano niya nalaman yun?
"Tama ka."
"Sorry kung natatagalan akong ipaalam kay Ian."
"Ayos lang." Pagkasabi ko nun, natahimik na ulit kami at pinagpatuloy nalang ang byahe papunta sa bahay ni Luisa habang nakatingin lang ako sa bintana. May nakita pa nga akong billboard si Marcus mula dun sa commercial niya. Taray! Sikat nga may billboard pa.
"Tss.." Damon murmured, making me looked at him.
"Bakit?" Pagtataka ko.
"Hindi ko gustong iniisip mo yung Marcus na yun, naiinis ako."
What? Bakit niya biglang nabangit si Marcus? Baka nakita niya din yung billboard ni Marcus at napansin niya napatitig ako dun.
"Hindi ko naman siya iniisip tulad kung paano kita isipin nu."
He smiled shyly. "Mabuti kung ganun." Sakanya nalang ako tumitig kasi baka nagselos siya dun sa pagtitig ko sa billboard ni Marcus eh. Mas masarap kaya siyang titigan, mas masarap pa sa cheese flavored ice cream. Ang gwapo niya talaga. Talaga bang in love sakin tong gwapong nilalang na'to? Napaka swerte ko.
Dahil sa ginagawa kong pagtitig sakanya nakaramdam siya ng ilang kaya di ko maiwasang mapangiti.
"Psst!"
"What?" He asked.
"Bat ang gwapo mo?"
He grinned. "Wag kang mag pacute my love, nag dadrive ako."
I giggled. "Okay." Hindi nalang ako nag pacute- i mean nangulit at tinitigan ko nalang siya.
Hanggang sa finally makarating kaming dalawa sa bahay ni Luisa. Base sa mga kotseng nakapark sa labas ng bahay, nandun na sila at kami nalang ni Damon ang hinihintay.
Sabay kaming bumaba ni Damon ng kotse niya lumapit lang ako sakanya pagbaba ko at hinawakan niya ko sa kamay. Naglakad papalapit sa pinto tsaka nag doorbell.
BINABASA MO ANG
King Brothers
Teen FictionKing Brothers, these boys are well known at school as the cuties brothers/athlete and campus heartthrobs. Damon King - The Oldest son, Football(Soccer) Star Player. His personality is more on serious, dahil siya ang panganay. Samuel King - The secon...