Chapter 25: His Weird Ways

178 6 0
                                    


Melba POV

Ang sabi nya darating sya, pero hanggang ngayon wala pa rin sya. A few years ago, I met Sandra in Italy. Alam ko naman na isa syang anak mayaman but I never knew she's this rich. Ang buong akala ko, she was just a struggling model but I was wrong. Kahit kailan, hindi naging tama ang mga hula ko kay Sandra. When I decided to go home dahil nagkasakit ang anak kong si Cielo, she asked for my address. I thought she was just being nice at wala naman talagang balak na pumunta dito sa Davao, but she surprised me when I saw her at my door step. Mula noon, our friendship blossom.

"Melba ang layo ng tingin mo! Akala mo hindi kita sisiputin ano?!" She was smiling from ears to ears. "I'm sorry if I'm late!" Still smiling at talaga namang nakakapang duda.

"Sino ka?" Sabi ko sa kanya.

"Baliw na to, alam kong maganda ako, polbo at lipstick lang yan girl." I didn't even bother to protest, knowing Sandra na effortless ang ganda. She doesn't like makeup which was much better dahil mas lalo syang gumaganda, habang ako mas nag mumukhang yaya nya. Ang unfair ng langit!

"Eh kasi ang ganda mo tapos mukhang ang saya mo pa?"

"Bawal na bang maging masaya ako?"

"Hindi! Kaninong espirito ka nag pasanib at ipapasanib ko kay husband? Masayang spirit eh!"

"Tumigil ka nga dyan Melba. Basta masaya lang ako." At muli syang ngumiti.

"Sus, kung hindi ko lang alam ang situation nyong mag asawa, sasabihin kong nadiligan ka kagabi, aray! Ano ba?"

"Yang bibig mo." Namumula nyang reklamo.

"Oh bakit ka namumula? May dapat ka bang aaminin sa akin?"

"Sira, baka nakakalimotan mo, sa bahay ko mo ako iniwan?" Sabi nya pang natatawa pero hindi naman makatingin sa akin ng diretcho.

"Hindi pa ako kumakain Sandra, kasi naman dapat sabay tayo diba? Pero late ka na nga, kaya ito gutom na gutom na ako."

"Saan mo ba gustong kumain?" Balik tanong nya.

"Friend, pwede don sa resto nyo? Nako, sorry, nag tatago ka nga pala."

"It's ok, Ashton have seen me so what's the used of hiding diba?"

"Ay oo nga pala, so wala kang balak na mag tago ulit?"





Alexandra POV

Dapat ba? Then naalala ko ang itchura nya kahapon ng makita nya ako sa loob ng bahay. Yong bang parang, nakahinga sya ng maluwag na naabotan nya ako. "No Melba, I won't run away this time, let's go!" I don't eat at any of our restaurant dahil malalaman at malalaman ng mommy ko kung nasaan ako. Melba and I went to the nearest restaurant branch of La Solidad and as expected sa gate pa lang sinalubong na kami ng guard. This will be the first time na kakain ako sa restaurant namin after many years at sa branch na ito rin.

One of the restaurant policy is reservation and reservation is not just, hi table for two on July 4th. No, reservation means, informations about the client such as name, status and some medical records like food allergy if there are dahil pati ang food pre ordered na rin. Once you have confirmed the reservation, it will be on the system, and my mom personally check those list.

Ashton, The Invisible Husband ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon