Chapter 2: Farewell

472 7 2
                                    

A/N: Several years before.
------

Alexandra POV

It's my eighteenth birthday at dahil hindi ko naman trip ang debut debut party na yan ay sinabi ko na lang sa mga kaibigan ko na gusto kong mag bakasyon ng bonggang bongga kasama sila kaya naman andito kaming lahat sa private resort ng mga Pfizer sa Batangas pero ang hindi nila alam ay para talaga ito sa aking despedida. Hindi rin alam ng dalawa kong mga best friends na aalis ako pa puntang America para mag aral. It came as surprised and as expected galit silang dalawa sa akin.

"Kahit kelan talaga impulsive ka rin." Nakangiting sinabi sa akin ni Trisha pero halatang nag tatampo ito. I can't blame her, no one really knew that I am leaving. Besides kung ako man ang lumagay sa lugar nila ay talagang magagalit din ako.

"Don't forget liar and a heartbreaker!" Between the two, itong si Nikki ang mas apektado sa napipintong pag alis ko, which is going to be a month or two months from now.

"Honey bunch naman. Mag aaral lang naman ako don, it's not that doon na talaga ako maninirahan. Isa pa you guys can always visit me there whenever you want too at ako rin naman sa inyo ni my loves ko. And pwede ba my love, I didn't break your heart." Sagot ko naman sa dalawa kong best friends.

"Yes you did Alexandra Solidad Faulkerson! You promised me and Trisha na dito tayo mag ka college tapos all of the sudden guys this is my despedida kasi sa states na ako mag aaral, oh diba, you're such a liar!" Hirit pa rin ni Nikki na himala at diretcho nyang naitaguyod ang kanyang Tagalog. Well? I did but dad seems to have a different plan for my future and who am I to argue with him when he told me about the possibility of me getting into nascar?

"Tama na yan Nikki. Wala na tayong magagawa pa, isa pa andito naman ako. Basta Alex ingatan mo ang sarili mo doon ha, pati pag nag kita kayo ng kuya ko, batiin mo naman." Naka ngiti nyang sinabi sa akin.

"Huh, asa ka pa Trish, eh walang pusod yang si Alexandra no." Nakasimangot na sinabi ni Nikki. Ako pa ngayon ang walang pusod?

"Puso! Hindi pusod. Please naman guys wag nyo na akong awayin. It's my farewell party. Buti nga kayo dito dalawa pa kayong mag kasama, eh ako? And Trisha hindi po ako sa Harvard mag aaral sa Dartmouth po so yang sinasabi mong magkikita kami ng kuya mo ay malabo pero siempre pag bibigyan pa rin kita."

"Basta kahit anong sabihin mo at kahit saan ka pa mag aaral si kuya ko, huwag mong inaaway. Seriously Alex, alam mo naman siguro na ikaw ang dahilan kaya umalis ang kuya ko diba? Para lang makalimutan ka. Ang arte mo kasi!" Asar na sabi sa akin ni Trisha, until now hindi pa rin sya naka pag move on sa pag alis ng kuya nya in the middle of the school year. It's been almost three years since Ashton left and I must admit, I am to be blamed why it happened.

"Hay nako Trisha, dumating rin ang araw na itong best friend natin ang hahabol sa kuya mo."

"Hahaha! Yang Tagalog mo talaga Nikki, hindi pa rin nagbabago. And besides, that day will never come Nikki. Me and panda?" Turo ko pa sa sarili ko. What a horrible idea. "His only a panda and I'm me." Pagbibida ko pa sa sarili ko. I'm not a bitch, well maybe a little pero I have my own reason why I am like this. Ashton Pfizer, her brother, raised fury inside me whenever we crosses our path.

"Hoy Alexis grabe ka naman sa kapatid ko! Alam mo, kakainin mo rin yang sinasabi mo ngayon pag dating ng araw." Sagot naman ni Cedrick. Umupo rin ito sa tabi namin kasama ng mga kaibigan nito.

"Hay Sid, hinding hindi mangyayari yan." Balik sagot ko sa kanya. Duh? I can't imagine myself with that panda!

"Ikaw bangus kung makapagsalita ka ang lupet ah. Hindi ko nga alam kung anong nagustohan sayo ni Ashton eh. Payat ka na nga, flat ka pa!" Marc's remark na ikinataas ng kilay ko.

Ashton, The Invisible Husband ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon