featured song starts at 8:36
_________________________________________________________
Spotlight on Lolo Vic, Tisoy and Michael, all sombre after what was revealed.
Lolo Vic: Wala akong nagawa noon. Mabuti na lang at naawa sa akin ang mayordoma ng mansyon at ipiniabot ang kakaunti kong gamit. Ibinalita niya sa akin na nawalan ng malay si Paulina habang kinakaladkad siya ng senyora palabas ng disco at sinugod sa ospital. Hindi naman malubha ang naging kalagayan niya kaya nakauwi rin daw siya agad. Namasukan ako sa talyer at nagsimulang mag-ipon nang paunti-unti, nagbabakasakaling pag nagtapo kaming muli, may sapat akong pera para yayain siyang magtanan. Ilang buwan din bago kami nagkita muli. Gustuhin ko man siyang puntahan, alam kong mapapahamak lamang siya. Nang nagawang makatakas ni Paulina sa mga batay niya, pinuntahan niya ako agad sa talyer, at dun kami muling nagka-usap.
Their light dims. Spotlight on center stage. Vic is alone in an auto shop, still fixing up a car. The owner of the shop leaves the office and is surprised to see him there.
Boss: Oh Rock! Dis-oras na ng gabi! Di ka na naman uuwi? Sa katapusan pa naman kukunin yang kotse na yan ah?
Vic: Ah, Boss. Pasensya na ho. Ako na po magliligpit ng shop. Konti na lang naman po ang kukumpunihin dito.
Boss: Alam mo totoy, ilang buwan ka pa lang dito, pero daig mo pa ang beteranong mekaniko sa dami ng nakumpuni mong sasakyan. Maganda yang masipag ka at mabilis mag-trabaho, pero magpahinga ka naman. Hindi ka makina na kapag may nalaspag na parte ay madaling palitan. Alam ko may pinag-iipunan ka, pero kapag nagkasakit ka, mauubos agad ipon mo.
Vic: Salamat Boss. Sige po, tatandaan ko po yan.
Boss: Una na ko. Ikaw na bahala dito ah. Uwi ka na rin maya-maya ah.
Vic: Opo Boss. Ingat ho.
Vic starts cleaning up, when he heard knocks on the door.
Vic: Huh, gabi na ah? May naiwan si Boss? (walks towards the door, opens it) Boss, may nakalimutan po ka- (he doesn't get to finish his thought because standing at the door was Poleng)
Poleng: Rock...
Vic: Baby...
Poleng: (starts crying) Rock! (hugs him tight) Patawarin mo ko, patawarin mo ko.
Though surprised, Vic pulls Poleng into the shop, closes the door, and starts rubbing Poleng's back to soothe her as she sobs. When the sobs subsided, he gently pulled away, wiped her tears with his thumbs, and waited until she was looking at him.
Vic: Poleng, baby, anong ginagawa mo dito? Delikado ang magpunta rito. Anong problema? Bakit ka humihingi ng tawad?
Poleng: Rock, kasalanan ko lahat. Kung nakinig lang sana ako sa'yo nun, di sana...
Vic: (hugs her) Shhh...baby. Wag mong sisihin sarili mo. At wag na nating balikan ang nakaraan. Ang mahalaga, ligtas ka at nasa mabuting kalagayan. Sinaktan ka ba ng Senyora?
Poleng: Hindi. Pero mahigpit ang pagbabantay sa akin. Kahit saan ako magpunta, laging may nakasunod sa aking katulong. Ang lahat ng liham ko ay binubuksan nila bago ipabasa sa akin. Maski sila Stacy at Joana ay di pwedeng bumisita hangga't wala permiso ni Mamá. Daig ko pa ang bilanggo sa isang piitan! Mabuti na lang at lumuwag ang pagbabantay sa akin ngayong nasa ibang bansa si Mama. Hinanap kaagad kita nang makatakas ako. (hugs Vic tightly) Rock, itakas mo na ako, parang awa mo na. Ayoko nang bumalik doon. (cries hard, trembling, sits on the bench near her)
Vic: (kisses her forehead) Baby ko... (hugs her while swaying and humming until her trembling stops) Poleng (breaks the hug to look at her face), mahal kita. Higit pa sa buhay ko. Pinangako ko sa'yo na gagawin ko ang lahat upang mapaligaya ka. Pero sa sitwasyon natin ngayon, mas nanaisin kong maging ligtas at nasa maayos kang kalagayan, kaysa ilagay ka sa alanganin para lang mapunan ang pangungulila ko sa'yo. (holds her face) Naiintindihan mo ba ako, Baby?
Poleng: (tearfully nods) Gustuhin ko mang magalit sa'yo, naiintindihan kita. (lightly hits Vic's arm) Nakakainis ka. Bakit napaka-resonable mo?
Vic: (hugs her) Konting tiis na lang, Baby ko. Kapag nakapag-tapos ka na ng kolehiyo, mas malaya ka nang makaka-galaw at makakapag-desisyon sa sarili mo. Siguro kapag nakapagtapos ka na, malaki na ang naipon ko. Lalayo tayo Baby ko, kung saan walang makakakilala sa atin. Kung saan malaya kong maisisigaw na mahal kita, at walang kokontra sa pagmamahal ko sa'yo. (stands up and faces her; Ikaw ang aking mahal starts playing)
Itanong mo sa akin Kung sino ang aking mahal?
Itanong mo sa akin Sagot koy 'di magtatagal
Ikaw lang ang aking mahal
Ang pag-ibig mo'y aking kailangan
Pag-ibig na walang hangganan
Ang aking tunay na nararamdaman
Poleng: (stands and takes his hand) Isa lang ang damdamin Ikaw lang ang aking mahal
Maniwala ka sana Sa aking walang iba
Ikaw lang ang aking mahal
Ang pag-ibig mo'y aking kailangan
Pag-ibig na walang hangganan
Ang aking tunay na nararamdaman
Poleng and Vic: (facing the audience) Ang nais ko sana'y inyong malaman
Sa hilaga o sa timog o kanluran (sa silangan)
O kahit san pa man, ang aking isisigaw
(faces each other, holds hands) Ikaw ang aking mahal
Ang nais ko sana'y inyong malaman
Sa hilaga o sa timog o kanluran (sa silangan)
O kahit san pa man, ang aking isisigaw
Vic: (caresses Poleng's cheek) Ikaw ang aking mahal
Poleng: (holds Vic's hand on her cheek) Ikaw ang aking mahal
Vic and Poleng: Ikaw ang aking mahal
They move closer together. Vic gives Poleng a forehead kiss. The lights dim and the stage goes black.
YOU ARE READING
Rock Baby Rock - A musical featuring the music of VST and Company
FanfictionThink Rak of Aegis or I do bidobidoo only written by a total newbie.