featured song starts at 42:26
_____________________________________________________________
Spot light on Lolo Vic, Tisoy and Michael. Lolo Vic is gently rubbing his left leg.
Michael: Yun po pala yung rason kung bakit kayo naputulan ng paa. Pero milagro pong naka-recover kayo pagkatapos ng total car crash na yun. Ibig pong sabihin, may misyon pa po kayo sa mundong ito.
Lolo Vic: (touches the crucifix around his neck, smiles bitterly) Pagka-gising ko, ilang linggo na ang lumipas. Ang dami kong bali, pasa, at sugat, at bawat galaw ko ay may kasamang hapdi. Pero wala ang lahat nang iyon kumpara sa sakit ng puso ko. Wala na ang pinakamamahal ko.
Their light dims. Spotlight on center stage. Vic is heavily bandaged with his right arm on a sling, lying on a hospital bed. A doctor and nurse is seen by his bedside, along with his boss from the autoshop.
Doc: (checks his medical charts) Base sa mga charts niya, pwede nang umuwi ngayon ang pasyente. (looks at Boss and Vic) Medyo matatagalan bago siya masanay na wala nang isang paa. May mga pagkakataong makakaramdam pa rin siya ng sensasyon na parang nandyan pa rin ang paa niya. Normal lang ito sa mga amputees. May naka-schedule nang therapy para sa kanya sa susunod na linggo. Kapag nagsipag siya sa mga session at hindi lumiban, ilang buwan lang ay pwede na siyang makapag-trabaho muli.
Boss: Salamat ho doc. (the doctor and nurse leaves) Oh, Victor, naring mo yun? Wag daw lumiban sa mga session. Bawal na ang pasaway ha. Kinausap ko si Misis. Sa amin ka daw muna tumira para may kasama ka.
Vic: (looks at Boss) Boss, wala na po akong mukhang maihaharap sa inyo. Napakabuti niyo pa rin sa akin sa kabila ng pagkukulang ko sa inyo at sa shop. Kayo na nga ho nagbantay sa akin hanggang magising ako. Sobra na po kung makikitira pa ako sa inyo.
Boss: (ruffles Vic's hair) Etong batang to talaga oh. Para ka nang pamilya sa akin. Alam mo naman na anak na rin ang turing sa'yo ni Misis. Simula nang mawala anak namin sa cancer... At saka, para na rin mawala ang atensyon niya sa mga kumare niyang tsismosa.
Vic: (tearing up) Paano po ako makakabawi sa inyo, Boss? Sobra sobrang tulong na po to.
Boss: Bumawi ka sa amin sa pamamagitan ng pagbangon muli. Ituon mo ang pansin at lakas mo sa paglalakad gamit ang saklay at pagsisiskap uli sa trabaho. Naghihintay na sila sa talyer para sa pagbabalik mo. (starts to look sheepish) Hindi sa nanghihimasok ako, pero...manghihimasok na rin ako. (hands him the crumpled bloody letter and crucifix in a ziplock bag) Tinabi 'to ng mga doctor habang inooperahan ka nila. Di ko alam ang kwento, at wag lang mag-alala, hindi ko binasa yung sulat, pero di ko naman kailangang maging henyo para malaman na nagkalabuan kayo ng nobya mo.
Vic: (clutches the bag against his chest and cries) Wala na po siya Boss. Dahil ang tanga at duwag ko, nawala na siya sa akin. (looks at Boss) Ano pang saysay ng buhay ko? Bakit Niya pa ko binuhay kung kukunin Niya din naman sa akin ang pinakamamahal ko? Sana di na lang ako nagising!
Boss: (slaps Vic's cheek) Wag na wag mo nang ulit sasabihin yan. Alam mo ba kung ilang libong tao sa mundo, o kahit sa ospital lang na ito, ang gustong mabuhay ng ilang sandali pa pero di na pwede. Pero ikaw, (grabs his hospital gown, lightly shakes him) ikaw, binigyan ka ng pangalawang buhay! Di ako makakapayag na sayangin mo yun, naiintindihan mo? (releases him) Habang buhay, may pag-asa!
Vic: (cries against Boss) Patawad po. Patawad po.
Boss: (tries to hide his tears, fails) Sige na, sige na. (clears throat, wipes nose manly) Puntahan ko lang yung cashier para maka-uwi na tayo. Maya-maya darating na rito sila Bogs at Kiko para sunduin tayo. (walks towards the door, turns to Vic) Okay ka na?
Vic: (manly wipes nose) Okay na ho. Salamat po at sorry po sa sinabi ko kanina.
Boss: Okay lang yun basata wag mo nang uulitin. Oh, labas na ko baka magka-iyakan na naman tayo. Daig pa natin misis ko pag nanonood ng Ana Luna. (leaves room)
Vic takes the crucifix and letter from the ziplock bag. Clutches the crucifix and presses it to his lips.
Vic: Panginoon, patawarin niyo po ako sa mga nasambit ko kanina. Salamat po sa pangalawang buhay na pinagkaloob niyo sa akin. Tulungan niyo po akong maka-bangon muli. Tulungan niyo po akong mahanap ang rason para magpatuloy sa buhay...Tulungan nyo po akong mabuhay nang wala siya... (breaks down and cries, Ano Kaya plays)
Ano kaya ang bulaklak
Walang bango, walang ganda
Tulad ko pala ito dahil sa'yo
Pagka't ikaw ang bango ng buhay ko
Kailangan ko ang ganda mo giliw ko
Ano kaya ang mundo
Walang araw, walang init
Tulad ko pala ito dahil sa'yo
Pagkat ikaw ang init ng pagibig ko
Araw ka ng aking buhay
Ang init mo'y kailangan ko
Sa pag tuyo ng mga luha ko
Ohhh...Aking mahal
Ikaw ay iniwan ako
At sa dilim na ng gabi
Ikaw ang hinahanap ko
Pagkat ikaw...
ang init ng pagibig ko
Araw ka ng aking puso
Init mo'y kailangan ko
Sa pagtuyo ng mga luha ko
Ohhh...aking mahal
Ikaw ay iniwan ako
At sa dilim na ng gabi
Ikaw ang hinahanap ko
Ano kaya ang buhay ko
Kapag ikaw ay lalayo (4x)
Vic continues crying, crouched over his crucifix as the center stage goes black.
YOU ARE READING
Rock Baby Rock - A musical featuring the music of VST and Company
FanficThink Rak of Aegis or I do bidobidoo only written by a total newbie.