featured song starts at 54:04
Nagulat ako na may ganitong kanta pala ang VST and Co. At nahirapan ako kung paano siya ipapasok sa story.
__________________________________________________________________
Spotlight on right side of the stage with Lolo Vic, Tisoy and Michael in Lolo Vic's room. Michael is on the phone, pacing back and forth, while Tisoy is giving instructions to Junior.
Tisoy: Okay, makinig ka ha. (shows him a bundle of flowers) Pag inabot ko to sa'yo, tatakbo ka papunta kay Mama. Tapos ano sasabihin mo?
Junior: (eats his toes) Labyu...Mama..
Tisoy: Very good! High five! Oh, wag mong kakainin yung bulaklak. (turns to Michael) O tol, ready na kami ni Junior. Tinext ko na rin si Meng para dalhin si Coleng dun sa place. Okay ka lang? Ano sabi ni Mamang?
Michael: (rubs ears) Ayun, sinigawan ako. Bakit ko daw sinabi yun sa asawa ko. Malapit na raw siya dito. Di ko nga alam bakit di pa siya sumabay kina bunso at Tay pag dating nila kaninang umaga.
Tisoy: Basta sigurado kang papunta na sila. Ang problemahin mo ngayon yung pagsuyo sa misis mo. Eh mas malalagot ka dun pag nalaman niyang di tuloy ang kasal!
Michael: oo na nga eh, eto na. (jumps up and down, taking big breaths) Tsong, ewan ko ba. Kinakabahan ako. Di naman ganito nung bata tayo eh.
Tisoy: Oo nga tol. Dati ang pinaka malaking problema na natin kapag naubusan tayo ng load. Pati pag-resolba ng problema, ang kumplikado. Dati, magsusumbong lang tayo sa nanay natin tapos bibigyan niya tayo ng kendi tapos okay na agad.
Lolo Vic: (chuckles) Ganyan talaga pag tumatanda na. Mas kumplikado na. Lalo na kapag may anak ka na kasi ikaw na ngayon ang takbuhan nila. (sings Mabuti pa nung bata), as Tisoy and Michael listen to him intently
Habang bumabagal ang bawat panahon
Tayo'y kinakabahan, panay na ang lingon
Sa pagpalit-palit ng mga araw
Naiinggit na tayo sa nakaraan
Mabuti pa nung bata masaya
Kapag may problema ang takbo ay kay ina
Mabuti pa nung bata masaya
Kapag may problema ang takbo ay kay ina
Huwag mag-ala-ala kaibigan ko
Araw ay darating isisilang uli tayo
Kaya't iyong mahalin ang mga bata
At lalong lalo na ang anak mo
Mabuti pa nung bata masaya
Kapag may problema ang takbo ay kay ina
Mabuti pa nung bata masaya
Kapag may problema ang takbo ay kay ina
Mabuti pa nung bata masaya
Tisoy gets a text.
Tisoy: Tol, nagtext na si Meng. Pababa na si Coleng. Ikasa na natin ang Oplan Balik Ever After.
Michael: (exhales loudly) Whoo! Let's do this! Lika na anak! (lifts him up in his arms)
Tisoy grabs the bouquet and guitar, helping Lolo Vic exit the room. Stage goes black.
YOU ARE READING
Rock Baby Rock - A musical featuring the music of VST and Company
FanfictionThink Rak of Aegis or I do bidobidoo only written by a total newbie.