ACT 2 Scene 8 Habang buhay kitang mamahalin

15 4 0
                                    

featured song starts at 1:02:09

A/N: Ngaulat ako na may ganitong kanta ang VST&Co. Kaya kailangan may ganitong eksena. 

___________________________________________________________


Spotlight on Lola Poleng, Meng and Coleng. Both are seated on the edge of the bed, facing Lola Poleng, still seated by the table. Coleng is nibbling licorice sticks, taking out her feels on the candy sticks.

Meng: Mamita, were you able to make up after that tampuhan?

Lola Poleng: (sadly sighs) We didn't get to talk much after that day. We both understood our situation, since we badly wanted to be together, free from other people's judgment. But there was something that Rock was hiding from me.

Their light dims. Spotlight on center stage. Poleng waits for Vic outside of the auto shop, and is surprised to see him look exhausted with dark shadows under his eyes.

Poleng: (walks over to Vic) Rock! Anong nangyari sa'yo? (worriedly looks him over)

Vic: (surprised) Baby...anong ginagawa mo dito?

Poleng: Ilang linggo na tayong di nag-uusap, Rock. Ayusin natin to.

Vic: Wala naman tayong kailangang ayusin. (holds her face) Okay tayo. Sige na Baby, kailangan ko nang pumasok sa trabaho (walks past her to get to inside the autoshop)

Poleng: (grabs his arm to stop him) Rock naman...anong problema? Nabalitaan ko na madalas ka nang maging late sa trabaho. Kung di ka late, walang kang pasabi na di ka papasok. Kapag nandito ka naman daw, wala ka sa wisyo at parang laging kulang sa tulog. Anong nangyayari sa'yo?

Vic: (annoyed) Pati ba naman pagtatrabaho ko kailangang naka-report sa'yo?

Poleng: (surprised and hurt) What is that supposed to mean? Rock, siyempre concerned ako sa'yo dahil mahal kita!

Vic: Ginagawa ko naman to lahat para sa'yo!

Poleng: Ang alin? Yung pagurin ang sarili mo sa kakakayod? Ang mawalan ng oras para alagaan sarili mo? Victor, nakita mo na ba sarili mo sa salamin? Hindi ko kailangan ng kayamanan kung ang kapalit nito ay kalusugan mo! Bakit di mo ko naiintindihan?

Vic: Ako ang hindi mo naiintindihan! Anong silbi ng lakas ko kung hindi naman ako kailanman tatanggapin ng pamilya mo para sa'yo dahil mahirap lang ako?! Kahit anong kayod ko para maka-ipon, hindi to magiging sapat para mabigyan ka ng magandang buhay. Kahit na magpakalayo pa tayo, meron at merong magsasabing hindi tayo bagay para sa isa't isa.

Poleng: A..anong sinasabi mo? (voice wavering, tears pooling in her eyes)

Vic: Mabuti pa siguro...maghiwalay na lang muna tayo. Kailangan kong patunayan sa lahat na karapat-dapat ako sa'yo. (walks and eventually runs away)

Poleng: Rock! Rock! (breaks down and cries)

When Vic has reached the other end, he stops and punches a wall and weeps. Habang buhay kitang mamahalin plays and he sings. Two spotlights on Vic and Poleng at opposite sides of the stage.

Vic: Ikaw lang ang tanging inibig ko

Lahat sa buhay ko'y alay sa'yo

Ikaw lang ang tanging nagpaligaya

Sa puso kong laging nalulungkot

Poleng: Anong nangyari aking mahal

Bigla bigla ka yatang nagbago

Ano ba ang aking pagkakasala

Sabihin mo nangkulang ba ako...sa iyo

Na na na na na na na ...

Vic: Habang buhay kitang mamahalin

Kahit wala ka na sa aking piling

Mananatili ka sa king ala-ala

Ng aking puso at aking isip

Mahal kita

Poleng: Habang buhay kitang mamahalin

Kahit wala ka na sa aking piling

Mananatili ka sa king ala-ala

Ng aking puso at aking isip

Mahal kita

Vic: (turns to Poleng across the stage) Mahal kita

Vic and Poleng: Mahal kita

The two lovers continue to cry, clutching their couple crucifixes, as the center stage goes black.

Rock Baby Rock - A musical featuring the music of VST and CompanyWhere stories live. Discover now