ACT 2 Scene 7 Ride on Ragsy

18 4 0
                                    

featured song starts at  39:37

Another lesser known VST&Co song. Nakaka-LSS siya.

___________________________________________________________________


Spotlight on Lolo Vic, Tisoy and Michael. An opened bottle of whiskey is on the table, Tisoy downing a shot as Michael looks after his son, who was still innocently playing on the bed beside his father.

Lolo Vic: Alam kong walang basehan ang selos ko. Alam kong ako ang mahal ni Poleng. Pero nanaig sa akin ang pagiging insecure. Kahit gaano ako kahirap magtrabaho, hindi ako makaka–ipon nang sapat para maibigay kay Poleng ang buhay na nakasanayan niya. Nagalit ako sa sarili ko dahil hindi ko kayang ibigay ang kayang ibigay ni Frankie sa kanya. Si Poleng pa nga ang nagbibigay sa akin. Siya ang laging nagsasakripisyo. Naging desperado akong kumita nang malaki para mapatunyan ko sa Mamá ni Poleng na kaya ko siyang buhayin at karapatdapat ako sa kanyang anak. Kaya isang araw, nang may dumaan sa talyer...

Their light dims. Spotlight on center stage. Vic busy fixing a car with co-workers, when a flashy looking guy came into the auto shop.

Vic: (seeing the stranger) May kailangan ho kayo, Ser?

Richie: Ah, hinahanap ko lang si Tonyo. May kailangan kasi akong pabor sa kanya.

Vic: Ay umalis ho si Bossing. Mamayang gabi pa ho siguro balik nun.

Richie: Ah, ganun ba? (looks at Vic, sizing him up), sige, sige. Paki-sabi na lang dumaan ako. (leaves)

Co-worker 1: Woohh! Buti na lang umalis kaagad siya.

Vic: Bakit naman? Mukha namang mabait ah. At mukhang galante.

Co-worker 1: Mukha ngang mayaman, kahina-hinala naman.

Co-worker 2: Naku, totoy, mag-ingat ka sa lalaking yan. Maski si Boss, iniiwasang maka-daupang palad yan eh. Kung ako sa'yo, iiwas na rin ako. Kahit nangangailan ka ng pera, mas ligtas pang humiram sa bangko kaysa umutang sa kanya. Sinasabi ko sa'yo.

Vic: Ganun ba? (goes back to work) Oh, asan na yung bagong spark plug?

Co-worker 1: Ah, tignan mo dun sa bodega. Alam ko may bagong biling box dun eh.

Vic: Sige, kunin ko lang (exits the shop)

Vic is surprised to see the stranger still there, leaning on a wall facing the shop.

Vic: Ay anak ng tokwa! (clutches chest) Boss, nandyan pa pala kayo.

Richie: Ako nga pala si Richie. (shakes Vic's hand) Balita ko kailangan mo daw ng pera? Narinig ko lang, lakas kasi ng usapan niyo. (Vic looks at him warily) Wag kang mag-alala. Naghahanap kasi ako ng driver. Ilang gabi lang. Baka interesado kang kumita ng extra.

Vic: Sino po ipag-da-drive?

Richie: Kung interesado ka, eto calling card ko. Daan ka sa address na yan mamayang gabi para malaman mo. Una na ko! Ciao! (walks away, as Vic looks at his calling card)

Centerstage goes black. Spotlight on Lolo Vic.

Lolo Vic: Kahit na binalaan na ako ng mga kasamahan ko sa trabaho, nanaig ang kagustuhan kong maka-ipon kaagad. Kaya nakipagkita ako kay Richie nung gabing iyon, nagbabakasakaling kumita ako nang kahit kaunti.

Their light dims. Spotlight on center stage. A line of cars is seen with flashy men and sexy women chatting around. Vic approaches the crowd cautiously until Richie calls him over, almost spilling his glass of liquor.

Richie: Hoy! Totoy! Mabuti dumating ka. (slaps his back)

Vic: (coughs a little, rubs shoulder) Ah Victor ho pangalan ko.

Richie: (laughs) Gusto ko yan ah. Gusto ko yan.

Vic: Ano ho bang klaseng trabaho ang inaalok nyo?

Richie: Ah, kailangan ko kasi ng driver para masali si Ragsy sa karera.

Vic: Ragsy? Sino hong Ragsy?

Richie: (taps the hood of a red sports car) Eto si Ragsy. Siya ang bagong baby ko. Kaso virgin pa siya. Kailangan ko nang mapagkakatiwalaang lalaki para sakyan siya. (wiggles eyebrows at Vic) You think you're man enough for the job?

Vic: (weirded out by Richie) Ah, eh, wala po kasi akong karanasan sa pag-karera eh.

Richie: Eh di maganda! Perfect! Pareho kayong virgin! Subukan mo muna siyang sakyan. Malay mo, ma-enjoy mo at balik balikan mo. (Ride on Ragsy plays and Richie sings as the others dance)

Wheels nagsama-sama ang naka-parada

Lahat sila ay pormang porma

Puro naka back wheels, fog lights ang pang ilaw

Tunay na pang karera

Come on and hop into my car

Let's ride and feel the skies

Come on and hop into my car

Let's fly

Sari-saring kulay, trending coat ang bagay

Makina'y alagang-alaga

Merong equalizer, sound check parang tunay

Synthesizer ang busina

Come on you can try my car

She can take you to the skies

Come on hop into my car

Let's fly

(Vic unwillingly rides and drives Ragsy, with Richie at the shotgun seat)

Sari-saring kulay, trending coat ang bagay

Makina'y alagang-alaga

Merong equalizer, sound check parang tunay

Synthesizer ang busina

Come on you can try my car

She can take you to the skies

Come on hop into my car

Let's fly

During the instrumental, Vic gets to race and go full throttle. He exits Ragsy with a look of exhiliration in his face.

Richie: Oh, paano yan? Kita tayo sa makalawa, ala-una. Unang karera mo yun kaya pahinga ka. (as Vic leaves, Richie turns to his companion). Hook, line and sinker! (laughs, toasts with him). Stage goes black.

Rock Baby Rock - A musical featuring the music of VST and CompanyWhere stories live. Discover now