Chapter 6: 1st day wrecker

798 43 1
                                    

Chapter 6: 1st day wrecker

Wala pang tao dito sa quarter na tutuluyan ko. Seems like everyone is having their way to the dining hall. Tanghali na kasi. I'm not hungry yet so dito muna ako magsstay.

I examined the whole place. This is just a part of the Girl's Dormitory and I don't know kung saang sport nila ako nilagay. Baka sa Non-Sporties. Siyempre, wala naman akong sport.

Umakyat ako at hinanap ang bed room habang hila-hila ko parin ang busette na luggage ko. I reached the end of the stairs and walked further. I opened a violet door with a note "For pretty girls only."

Wow. Malaki ang bedroom dahil sama-sama kami roon. 4 King-Sized bed na color Orange, Pink, Yellow at Blue. 3 beds were already occupied so I'll have the last one—Blue. Sa dulo ng bed room ay may isa pang violet na pinto. I opened it then lights turned on. Great. Walk in closet na may cabinet na kulay Orange, Pink, Yellow at Blue rin. Maybe our bed color corresponds to what our cabinet will be.

I was in awe. Of course it is my first time to encounter this things.

Nang maiayos ko na ang mga gamit ko sa blue cabinet, bumaba na ako at tinungo ang sala. I explored everything. TV set, sofa, paintings, CDs and magazines. Magazines? Baka may Teen Queens dito I'll check later.

Kitchen. Appliances check, Foods check, Utensils check.

Bathroom. Towels, iba't-iba rin ang kulay, shampoo, hair treatments and etc.

Habang pinapatulan ko ang kaignorantehan ko dahil ngayon lang ako nakapasok sa isang Dormitory, Bumukas ang pinto at tuloy-tuloy na pumasok ang hula ko ay dormmates ko. Tumigil pa sila at tinitigan ako. Nang matauhan ay dali-dali silang tumakbo papunta sa akin.

"Lian Vionè? You are Lian Vionè?" Asked by a blonde, average-tall lady.

The other one rushed under the glass table and picked out a magazine. Itinapat niya pa yun sa mukha ko. Napatunganga ako.

"Ikaw nga!" Bulalas niya saka ako niyakap ng babaeng nakabraid ang buhok hanggang waist.

"Lian Vionè is our room mate! My Gosh!" Komento nung blonde.

"Tama na yan, You two almost shocked her. By the way, I'm Andrey," Agad ko namang kinuha ang kamay ng babaeng may straight black hair. Ugh! Kanina pa ako nagdedescribe ng buhok.

"I'm Trice, Nice to meet you Lian!" Introduced by the girl with the braided hair.

"Clarisa Montemayor! Omaygad lagi lang kitang nakikita sa magazine na ito," pakilala sa akin ng babaeng blonde. Sabi ko na eh. May Teen Queens Magazine dito. WTH. Nanlaki ang mata ko ng may narealize ako. Baka maguluhan sila kung bakit ako nandito. Paano na career ko? They'll know na nandito ako kasi bumagsak ako.

Biglang nagflash sa utak ko ang kontrata ng Teen Queens.

Teen Queens Contract

● The model shouldn't have a bad media record.

Of course, kung pipili sila ng model, siyempre yung taong ineembrace ng media at perfect image. Babagsak ako sa part na iyon pag nagkataong malaman ng lahat.

I awkwardly smiled at them. Ngumiti rin sila pabalik. Bigla naman akong hinila ni Trice at Clarisa papunta sa bedroom, sumunod naman si Andrey.

Mabilis ko silang nakasundo. They're not hard to be with naman kasi.

We spent half of our day, talking about Atleticús High, modeling and cute guys in this school. Out of place pa ako dun kasi nga hindi ko naman kilala yung mga sinasabi nila.

RPW: OP Queen, RP NobodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon