Chapter 31: The Offer

520 40 5
                                    

Chapter 31: The Offer

I sat beside him while he took a rest. His dance performance is really energy-draining. Hindi parin talaga ako makapaniwala na may Kpop blood siya. Josh? I don't think so. Pero ngayon, nang mapanood ko ang pagcocover niya sa BTS-Fire, I therefore conclude that he's one of us.

He broke the silence. "Tahimik mo. Di ka parin makapaniwala?"

"Yeah, nakakagulat eh. Di ko inexpect." I answered. Nagloloading palang talaga ang mga nakita ko.

"Ako rin naman, di ko inexpect na Kpop fan ka. Sino UB mo?"

Nilingon ko siya at nagtaas ng kilay."Lahat sila." Pagmamayabang ko.

"Was that even possible?" Mapanuri niyang tanong.

"Yup."

Dahil nga parehas kami ng dugo, Kpop blood as I call it, Madali ko siyang nakapalagayan ng loob. Parang matagal ko na siyang kilala maybe because we both know Kpop world infos. Parehas kami ng hilig. We talked about so many things about our Ultimate Biases, ang mga gustong-gusto naming Kpop songs at ang mga shiniship namin.

Lumipat ang topic namin sa pagsasayaw niya. He told me he loved KPOP's choreographies kaya siya naging Kpopper.

"Ang galing mo talaga kanina." I complimented once more. "The moves and everything, you're killin' it."
Ngumiti siya sa akin.

"Gusto mo turuan kita?" Nanlaki ang mata ko sa offer niya. Really? Omygash! One of a Kpopper's dream is to know the dance steps of their fave group. Yung tipong pag nagplaplay ang kanta nila ay napapasayaw ka. Alam mo ang routines at gayang-gaya mo sila. That's more than a dream come true to me!

"I'd love to!" Tinanggap ko agad ang offer niya. We planned na he'll teach me after classes tomorrow. Gosh I'm so excited! Marunong naman akong sumayaw kaya hindi problema sa akin ang pamatay ng Kpop choreographies.

He looked at his watch then me. "Tara na. Hatid kita sa apartment niyo." Tatanggi sana ako ngunit naggagabi na. It's dark outside and I don't want another nightmare at the corridors. Besides, it's already 6:37 PM.

"Ge."

Habang naglalakad kami ay itinuloy namin ang pagkwekwentuhan hanggang makarating kami sa apartment.

"Thanks sa paghatid."

Tumalikod na siya at kumaway."No prob."

Nang mawala na siya sa paningin ko ay napagdesisyunan kong pumasok na ako sa loob ng may narinig akong yapak ng mga paa. Maybe I'm not the only one outside at this hour.

Nilingon ko ang pinanggalingan ng mga yapak. Isang galit na tingin ang ipinukol sakin ni Valentino paglingon ko. I can feel its intensity the way he grabbed those white rectangular pieces. What is he doing here with some bunch of papers?

Lumapit siya sa akin at ibinagsak ang mga papel sa paanan ko. His eyes are killing me with anger. What's happening anyway?

"This is why I hate to be your partner." Bulong niya na sapat lang ang lakas para marinig ko.

Tss. Wow, may gana pa siyang magdrama. Kaninang maayos ko siyang kinakausap, winalk-outan ako. At nagkalat pa talaga siya sa harap ng apartment namin.

Pinulot ko ang mga papel. Printed ang mga naroon. I compiled it from first to last page. Binasa ko ang title sa unahan.

Oh My God.

"Guidelines for making a Research Paper"

Pumunta ba siya dito para gawin namin yung output? Gosh. Dali-dali akong tumakbo kung saan siya dumaan pero wala na siya dun. Lian naman eh. Kung saan saan ka kasi pumupunta.

RPW: OP Queen, RP NobodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon