Chapter 48: Closer

569 35 4
                                    

[Author's Note]

[HELLO MULI 😂 Bakasyon na kaya malapit ng mabuo ang story na ito. Tuloy-tuloy na akong mag-uupdate dahil thanks lamang... Wala ng school days. No more busy days 😪

One more thing, sa mga naguguluhan sa takbo ng storya, Magulo talaga siya 😂 Marami pa kasing lihim na hindi nabubunyag *insert scary sfx here*  Marami pang mangyayari. So ayun... Magulo pa talaga. It's complicated sabi nga ni Lian kaya pagpasensiyahan niyo na.

And also, I'm encouraging you to read sa wattpad app mismo. Minsan kasi sa browser, yung free wattpad, hindi naeemphasize yung conversation style, dikit-dikit kaya hindi maintindihan. Suggestion lang.

At kung may typos and grammatical errors man, ipagpaumanhin niyo na 😂 Diretso update kasi.

Ge. I'll shattap na. 😂]

Chapter 48: Closer

✉ 1 message.

[From Unknown Number]

Forest.

--------------------------------

Nanginginig kong pinindot ang REPLY button.

Siya na ba talaga ito? As in? Hindi ko matake 😭😭😭 Is this even true? Hindi ko alam pero... Kinikilig ako. Kinikilig ako para sa isang roleplayer na alam kong babae ang katauhan.

Maybe kaya hindi ako nakakaramdam ng creepy feels towards her OP, dahil siguro tanggap ko siya or maybe tomboy ako. Goodness.

Pero hindi ko alam. Dahil sa sobrang kumplikado, hindi ko alam kung ang nararamdaman ko ba ang kumplikado, o ang pagkatao niya mismo? I don't even know the answers to my own questions.

Maingay parin si Trice, Andrey at Clarisa dahil sa panonood ng Behind the Scenes at funny moments ng BTS. Feeling ko, If I continued sitting here with them, I will lost track of Cyber. I can't fangirl two at the same time.

Ang BTS laging nasa flashdrive iyan ni Clarisa, hindi mawawala. Pero ang text message ni Cyber ay pwedeng mawala dahil para 'yong elepanteng lumilipad. Imposible. Kaya kailangan ko na talagang replyan ito.

I feel the need to have a peaceful mind kaya napagpasyahan kong lumabas muna. Tutal mas malakas ang signal sa labas.

Niready ko ang itatype ko.

[To Unknown Number]

|

--------------------------------

Pero paker. Hindi ko nanaman alam ang sasabihin ko. Bakit ka ganyan Cyb? 😭😭😭

Think Lian, Think.

Eh kung Who you? kaya?

Tss. Wag iyon. Are you dumb Lian? Siya lang ang roleplayer na pinagbigyan mo ng number na iyan. Tapos who you?

Eh kung Good evening?

Ano ba itong utak mo. Good evening? That's too formal. Besides, hindi naman siya nag good evening sayo.

Eh kung HELLO CYBER 😃?

Wag iyan. Gross. Mukhang manyak ang dating.

Dot na nga lang. 😒

Good! Dot nalang para mahirapan din siyang magreply! Nahirapan ka, dapat mahirapan din siya.

I sighed for what I am thinking.

"That's definitely the dumbest response, Lian. Atsaka hindi siya mahihirapan magreply sa iyo. Dahil hindi ka talaga niya rereplyan kung ganoon," I preached to myself.

RPW: OP Queen, RP NobodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon