Chapter 54: Realize

477 31 13
                                    

Chapter 54: Realize


"Where are you fvcking taking me?" Agad kong tanong ng mapansin kong hindi ako pamilyar sa paligid.

Malakas man ang ulan ay alam kong hindi ito ang papunta sa apartment namin. I didn't get an answer from him kaya niyugyog ko siya.

"Answer me. Nasaan tayo?" Demanda ko.

"I'm taking you somewhere safe. Don't worry..."

Sinuri ko ang paligid habang buhat-buhat niya parin ako. May nakakasalubong kaming mga lalaki with their malicious smiles. Eto ba? Eto ba ang sinasabi niyang safe.

"We're in your Dormitory. How can I be safe?!" Pabulong kong singhal sa kaniya.

"You don't trust me again. How disappointing," sambit niya. Natameme ako sa sinabi niya kaya nanahimik nalang ako.

Pagpasok namin sa isang apartment na hula ko ay sa kaniya, sumalubong agad sa akin ang lamig ng aircon. He swiftly made his way to the nearest sofa and put me there. Niyakap ko ang katawan ko dahil sa lamig. Doble pa iyon dahil basang-basa ako.

Naalala ko ang phone niya at natataranta ko iyong kinapa sa bulsa ko. Sa lakas ng ulan at sa bagal naming maglakad ay baka natubigan na iyon. Nilabas ko iyon agad-agad at nilapag sa table. It's all freaking wet.

I faintly looked at him. "I'm sorry."

Bumuntong hininga siya at kinuha ang phone niyang basang-basa.

Baka nagalit siya dahil nabasa? Well, It wasn't my fault it got all wet. Pinahiram niya kasi kaya ganoon. But why am I feeling guilty? Tss.

Umalis siya sa harapan ko at mabilis na bumalik na may hawak na tuwalya at mga damit. He stopped infront of me and put it on the table.

"Get dressed. Ihahatid kita pag tumila ang ulan," tugon niya.

Wha-WHAT? So, Mamaya pa?

Dinungaw ko ang ulan sa bintana. Ang lakas at tuloy-tuloy. Imposible ang paghinto niyon. Halos hindi mo na makita ang mga ilaw sa labas. I wonder when will it stop?

Nawala na ang lamig ng paligid. I guess he turned the air conditioner off.

Kinuha ko ang damit at tuwalya sa harapan ko. I need to change na siguro. Basa na ang sofa nang dahil sa akin.

Tinungo ko agad ang banyo. Madali ko lang namang nahanap iyon. Inayos ko ang sarili ko at lumabas ako pagkatapos.

I'm wearing an oversized white t-shirt and pink shorts. I wonder who own this one? May babae na kayang nag-stay dito?

"That's Lauren's..." Aniya nang mapansing sinusuri ko ang damit.

Tinapunan ko siya ng tingin at tinaasan ng kilay. Tinatanong ko ba?

Naupo muli ako sa sofa na pinag-upuan ko kanina. Napunasan na iyon at hindi na basa.

Nilibot ko ang paningin ko sa buong apartment niya. It's way better than ours. Parang mas pinag-isipan ang pag-aayos dito. The furnitures, paintings and everything.

Bumungad siyang may hawak na tray. Nilapag niya iyon sa harapan ko. Isang malaking bowl na may noodles at glass of milk. Ang bango ng noodlles. Amoy...

"Ramen?" Kumpirma ko.

Tumango siya at umupo sa upuang katapat ko. "Lauren is fond of that."

I nodded too. "Madalas si Lauren dito?" Tanong ko habang sinimulan nang kainin ang ramen.

"Not really," aniya.

I effortlessly ate it. Gutom pa naman ako dahil sa maghapong paglalakad. It matches with the season too.

RPW: OP Queen, RP NobodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon