Chapter 64: Legit

393 28 7
                                    

Chapter 64: Legit

Continuation...

His eyes are looking for something. Kitang-kita ko ang paglilibot ng mga mata niya sa lahat ng tables.

His eyes stopped on our table when he saw me. I raised my brows to make myself look sarcastic. Nanatili ang tingin niya sa akin.

Kinapa niya ang bulsa niya. He took out his phone and pasted his eyes there for a bit. Nagtipa siya roon at ibinalik ang tingin sa akin pagkatapos.

My phone beeped. I think para sa akin ang t-in-ype niya kanina.

I’m sorry. ⬅

I raised a brow. Muli ko siyang tinignan mula sa harapan. He’s eyes are still unto me.

➡ Sorry is not enough, Val. Do something. Nagtatampo ako.

I bit my lower lip and faced him again. Nanatili parin ang seryoso niyang mga mata sa akin.

Natigil ako sa pagmamasid nang magsalita ang daddy ni Val sa stage. Umayos ako ng upo. Ganoon rin ang karamihan. But not Clarisa. Kinalabit niya ako at tinuro ang malayong rest room.

“Lian, samahan mo nga ako,” aniya.

I nodded subconsciously.

“Let’s go,” aya niya at tumayo. “Excuse us.”

I prepared to get up but then I realized that our head is talking infront. We should respect him. Mamaya na lang siguro kami pupunta. “Mamaya na pala. We should for this to finish.”

“No, Lee! I need to go now! Tara na, please?”

Nawala ang isipan ko sa sinasabi ni Clarisa nang mapako ang tingin ko sa harapan. I was more than surprised nang makita ko ang pag-akyat ni Mommy sa stage. Anong ginagawa niya dito?

Naisip ko, maybe Mr. Valentino introduced her to everyone. Well, Mom’s the top investor of A.H. It’s just a normal introduction. I didn’t expect her here though.

Napako ako sa aking kinauupuan nang makita ko rin si Brianna na umakyat ng stage. This is what I can’t explain.

Maayos na kinulot ang dulo ng kaniyang buhok. She's wearing a body-fitting beige gown that emphasized her shape. She looks like someone who's fully prepared for the ball.

Tumabi siya kay Val at may ibinulong dito. Tumawa pa siya at nagpatuloy sa pagsasalita but Val didn’t attend to what she’s saying because his eyes are on me.

Sinundan ni Brianna kung nasaan ang mga mata ni Val. My vision met her when she found me. Nang narealize niyang ako ang tinititigan ng kausap niya ay namuo ang inis at galit sa kaniyang mukha. I smiled at her. She rolled her eyes instead and went to Mom’s side.

Brianna whispered something to Mom. Mula sa nakangiting mukha ay naging iritado siya. Isa-isang sinuyod ni Mommy ang mga tao. Nang dumako ang mata niya sa table namin ay nagtama ang paningin naming dalawa. Mom glared at me furiously. Nanlamig ang buong katawan ko.

Muling nagsalita ang daddy ni Val kasabay ng pagpaypay ni Clarisa ng kaniyang kamay sa harapan ko. Ang lahat ng nasa table namin ay nasa akin na ang atensiyon.

“Lian sige na please? Samahan mo na ako!” pangungulit ni Clarisa.

“Ako nalang ang sasama sa ‘yo,” ani Paulo.

“Shut up, Pau! Si Lian nga ang gusto ko!” Palipat-lipat ang tingin ko sa kanila. I don't have any idea of what's going on.

Nababalisang hinawakan ni Andrey ang kamay ko. “Samahan mo na siya, Lee.”

RPW: OP Queen, RP NobodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon