Stalk

22 5 2
                                    

STALK (ONE SHOT)


"Umuwi ka agad ha." Sabi ng ina ni Faith.

"Opo." Sagot nya habang nakatingin sa Starbucks. Tsaka nya na ito pinatay.

Nasa mall sya ngayong gabi, at tapos na din syang mamili ng materials para sa project nya. Naisipan nya muna bumili sa Starbucks bago umuwi.

Pumasok sya doon at ready na nilabas nya ang Phone nya para kumonek sa wifi ng store.

Pagkatapos nyang umorder napansin nya ang singsing na suot ng lalaking katabi nya.
Familiar yun sa kanya. Tumingin naman sya sa kanang kilay ng lalaki para masiguradong hindi sya yun. Ganoon na lang ang pag lakas ng tibok ng puso nya ng makita ang hiwa sa kilay nito.

'Henry?'

Nakasuot ang lalaki na nangangalang Henry ng shades.

'Ano gingawa nya dito? Sinundan nya kaya ako? Hindi, imposible. Ni hindi nya nga ko kilala eh.' sabi nya sa sarili.

Nagulat na lang sya ng tumingin sa kanya ang lalaking matagal nya ng gusto. Nakakunot ang noo na tinanong sya.

"Why are you looking at me?" Iniwas ni Faith ang tingin dito. Tska nag hanap na ng mauupuan.

Hindi sya makapag salita ng tanungin sya ni Henry. Ang lakas ng kabog ng puso nya.

'Hays, tadhana. Thank you very much!' Sabi nya sa sarili habang parang timang na nakangiti at nakapikit na iniinom ang coffee na binili nito.

Tinignan nya ng patago si Henry. At yun na naman ang malakas na tibok ng puso nya ng mahuli nya ang tingin ng lalaki. Agad naman umiwas si Henry.

"Omo, nakatingin sya kanina! Mukha pa naman akong timang na nakangiti. Sana mapansin nya na ko sa school!!!!" Sabi nya ulit sa sarili.

Kinuha nya ang phone at agad na pinicturan ang lalaki habang kumakain.

Kilig na kilig syang tinignan ang picture nang may mag message sa kanya.

'Umuwi ka na dito babae! Baka nag gagala kapa sa mall. Hoy, gabi na! May pasok pa bukas! Gagawin pa natin yang project! Ummmuuuuwwwiiii naaaaa!!!!' Message ng kaibigan nyang si Jasmine. Paniguradong nasa bahay nya ito.

Napagpasyahan nya na din umuwi ng matapos nyang mabasa ang message nito.

'Bukas na lang ulit! Henry!' Pagpapaalam nya sa isip at sinulyapan nya ulit ito.








Nasa room sya at katabi nya ang kaibigan nyang si Jasmine.

Halos walang masyadong naglelesson ngayon dahil nag reready ang lahat sa nalalapit na Foundation day.

"Ay sorry!" Natapunan kasi ng poster paint si Faith ng kaklase nito na nag dedesign para doon sa booth.

Natatarantang pinunasan ng kaklase nito ang buhok na konti ding natapunan at ang damit neto.

"Sorry talaga"

"Ayusin mo nga yang gingawa mo! Tsk!" Inis na sabi ni Jasmine at pinunasan din ang kaibigan.

"Okay lang ito. Mag papalit lang ako." Sabi nya at iniwan ang kaklase nya pati si Jasmine.

Pumunta sya sa locker room para kumuha ng extra nyang uniform. Tsaka pumunta sa C.R at nag palit ng pang itaas.

Tapos na sya mag bihis nang may narinig syang usapan.

"Dude,ganda nung babaeng umakyat noh? Ang sexy tska ang puti. Mukhang may gusto sayo kasi tingin ng tingin sayo eh." Narinig nyang boses ng lalaki. Satingin nya ay nasa hagdan iyon. Marami namang taong nag lalakad ngayon lalo na walang teacher na nag tuturo.

Stalk (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon