Chapter 1 - Dreams..

5.2K 50 6
                                    

Tulad ng ibang tao, mahilig akong mangarap. Pero ang pangarap ko? Hind magkaroon ng maraming pera, malaking bahay, kotse o branded na gamit. Ang pangarap ko lang? Magkaroon ng isang perpektong partner...yung Gwapo, may kotse, at kaya akong buhayin-Ha..ha..ha! Eh parang ganon na din yun db? Ako ba naman na manggaling sa isang relasyon na trahedya at heartbreaks lang dinulot sakin. Isa pa, libre naman mangarap diba?

Ako nga pla si Jed-----oo lalaki po ako, pero lalaki din hinahanap. May mga naging girlfriends din ako pero mas attracted ako sa kapwa ko. Kapwa ko mahal ko diba.

Sa Makati ako nagtratrabaho. Sa araw araw na pagpasok sa office, ibat ibang tao ang nakakasalamuha ko, iba iba ang itsura at iba iba pinagdadaanan sa buhay. Bilang sa Makati ako nagtratrabaho, marami akong nakikilalang mga gwapo at sabihin nating hot guys. Pero uunahan ko na kayo. Hind po ako malandi. Madalas lang ako mangarap na sana ganon na lang yung susunod na partner ko..yung gwapo, may kotse at kaya akong buhayin. Simple lang naman talaga akong tao. Nagangarap nga lang e. Pinalaki kami ng kapatid kong babae na makuntento kung anong meron, wag maghanap ng higit pa sa kailangan at kung may gusto , kailangang paghirapan.

Ok naman ako sa office. Kasali ako sa workforce management ng isang kilalang BPO company dito. Kung alam nyo lang kung gano kastressful ang trabaho sa inaraw araw na ginawa ng diyos. Yung boss mo na bipolar na hindi pa tapos ipagawa yung unang inutos niya e may iuutos na naman. Minsan tatawa na lang siya mag isa at magsusungit sa mga team leaders sa floor kesyo ang baba ng performance at sa kung anu ano pang mga target ng program na hindi ma-meet. Well ano pa ba bago..everymonth naman bihirang mameet yung mga stats..hahaha..

Buti na lang ok ako sa mga katrabaho ko. Yung mga agents at kapwa ko sa posisyon. Masaya naman sa office. Lalo na kasi kilala nila ako na hindi mahirap lapitan. Kung mag susurvey nga na kung sino ang pinakamabait na coordonitor sigurado ako mananalo (hindi sa pagmamayabang pero nagyayabang na din). Hindi alam sa office kung anu talaga ang gender preference ko. Alam ko naman na may pagkamalambot ako kumilos minsan pero hindi ko alam sa mga babae sa office kung bakit hindi nila yun napapansin o yung mga beki na hindi ako maamoy na nagkakgusto pa rin sakin. So, to describe myself- 5'6" maputi, medyo chinito, well built kasi nag gygym din minsan at nakasalamin. Yung tipong suplado na misteryoso pero approachable naman. Siguro ganon lang talaga kasi ayaw kong maging open sa public sa totoong preference ko. Hindi din kasi alam sa bahay kung ano talaga ako kaya siguro pinili ko na dito na din sa Manila magtrabaho.

Well may dalawang tao lang na nakakakilala kung sino talaga ako. Sila yung dalawa kong bff. Sina Dhon at Anne. Best friends ko sila since college pero lately ko lang din nasabi sa kanila. Pero kahit ganon natanggap naman nila ako at lalo kaming naging close sa isa't isa.

Normal at paulit ulit na sobrang nakakaumay na ang ginagawa ko sa office. Yung tipong kahit naka pikit ka e alam mo na ang gagawin. Parang Pang no- brainer na ba..sabi nga nila. Mga reports na paulit ulit ginagawa. Mga requests ng mga agents sa leaves nila, mga concerns ng team leader sa schedule, mga system issues ng program, ang mga pagpepressure ng mga bosses at clients about sa performance na minsan naman talaga e hindi mo naman kontrolado. Nagiging boring na ang lahat ng nangyayari, walang bago, ng may biglang nag add sakin sa Facebook habang naglulunch sa pantry..sa isang iglap. Biglang nabago ang lahat...

___________________________________________________

Jed on top..
Ang mga larawan na nakapaloob dito ay kinuha lamang sa internet randomly. Credit to the owner.

Hi wattpad readers..first time kong magsulat dito though matagal na din akong nagbabasa. Hope you guys like it..comments and suggestions..ty..

Mr. CelebrityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon