RC 1

1.3K 46 0
                                    

A/n:
Hey! This is the RC of the story :)
Why RC? RC means Real Chapter. Charot scenes lang po kasi yung mga naunang chapters. Bale, gawa lang 'yon galing sa magulo kong utak. Hahaha! Pero.... kasama parin talaga 'yon sa kwento. Okay! Start naaaaaa! :D


RC 1

(Two years after the death of Eina's Father~)

*SOMEONE'S POV*

Classroom o Airport?

Naglakad na ako papuntang classroom dahil too early ko na for the second subject. Naku! lagot na ako nyan kay Prof! Pero... 3... 2... 1...

Argh! Tumalikod uli ako nang kakatukin ko na sana ang pinto. Instead... tinahak ko nalang ang daan palabas ng University.

I got my keys to unlock my blue sapphire BMW car. Umupo ako and I heaved a sigh.

Eh, Paano ko ba nalaman?

~Flashback

"Miss Rivera, pinapatawag ka daw ng Prof."  si Eina? pinapatawag? bakit kaya? Tumango lang siya, as usual, ganyan na siya simula ng mamatay ang dad niya, para na siyang pipi o baka ganun na talaga siya ngayon.

Nang makalabas na siya ng classroom ay pasimple rin akong tumakas by simply asking:
"Sir! May I go to our restroom? Papa-pogi lang po ako para kay Eina, baka sakaling makapag-salita na siya at sagutin ako ng matamis na o-----"


"Fine Mr. Lazaro, you can go to our restroom."  oh hah? kitams?

"Thanks Sir!"  Tapos, mabilis pa sa kidlat na tumakbo ako palabas ng room para habulin si Eina.

Agad ko naman siyang naabutan, kumuha ako sa bulsa ng walang gradong Ray Ban na shades para loner at geek ang peg ko. At... disguise narin. Haha! Medyo nauna ako ng paglakad sa kanya kaya kumuha ako ng libro mula sa nagsikalat na mga shelves sa buong campus. 

Iniayos ko ang salamin ko at medyo tinakpan sa mukha ko ang libro ng dumaan siya sa harap ko, nang makalagpas na siya ay pasimple uli akong sumunod mula sa likod niya.

Finally, pumasok na siya sa loob ng Faculty, mabuti nalang ay hindi niya naisara ng maayos ang pinto so, may chance akong marinig sa kung ano man ang sasabihin sa kanya ng Adviser namin.

"Ms. Rivera... Please take a seat first."  panimula ni Mrs. Kim, ang koreanang Adviser namin. Umupo naman si Eina sa chair na nasa harap niya.  "I am giving this to you."  may iniabot siyang small blue envelope kay Eina.

"That's a recommendation letter,"  nangalumbaba si Mrs. Kim sa table.  "Ipinadala ko 'yan sa Korea for them to know na may isang magaling na estudyante dito na mabilis mag-kabisa even a three-page-back and fourth poem in a hour."  hindi ko makita ang ekspresyon ni Eina dahil naka-talikod siya saakin. Pero, binuklat na niya ang parati niyang dala-dalang sketchbook at marker at nagsimula ng magsulat ng sasabihin niya.

"Please Miss, be direct to the point."  basa ni Mrs. Kim sa sinulat ni Eina. Umayos si Miss sa pag-upo at maging ang suot niyang salamin ay inayos niya.  "Meaning, I am bringing you there, marami ang nangangailangan ng mga katulad mo doon; I don't know kung ano man ang dahilan at hindi ka makapag-salita pero one thing I am sure of it,"  she paused to rearrange her glasses again.

"One day, you'll talk again..."  at dahil doon, napa-upo ng maayos si Eina at nabitawan rin niya ang marker na hawak-hawak niya. Natawa naman si Mrs. Kim. Ugh! Seriously? Kung sabagay, isip teenager din kasi 'tong si Mrs. Kim for she is just a freshly graduated teacher from korea at ipinadala rito sa pilipinas para magturo plus, freshly married din pala siya by the way.

The Trainee (EXO's Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon