RC 9

1.2K 44 0
                                    

*EINA/ MIN MI'S POV*

Ano pa ba?

Edi lumakad na kasama siya... =___=

Laking gulat ko nga ng walang nakakakilala o pansin man sa kanya. Oo nga pala... bakit kailangan ko pang magulat? Weird violet shades, mukhang bunot na blonde wig at walang ka-class class na maong jacket, daig niya pa ang maglalako ng naka-sale na damit sa bangketa. Yan, yan po ang suot ngayon ng pinakamamahal niyong Baekhyun sa balat ng lupa.

Jologs-jologs din pag may time ano?

Pero, nakakarinig ako ng bulung-bulungan. Konti lang naman, ang weird niya kasi namang tignan.

"Kamsa~"  bulong niya bigla pero sapat na 'yon para marinig ko...  "Kamsahamnida, dahil pinayagan mo akong tulungan kang mag-shopping para sa school needs mo.."

Ano daw?

Sino bang may sabing pinayagan ko siya?

Oh... oo nga pala, siya na mismo ang may sabi na... SAMA AKO PLEASE? BAWAL ANG HINDI!

Makakaayaw ka ba nun? Bawal nga daw ang hindi diba?

Baekla talaga =___=

Tumango ako bilang sagot sa kanya.. Nauna na akong maglakad sa kanya, pinasok kong lahat ng public market na makita ko, syempre, may tulong ni Baekla, buti na lang pala sumama siya...

Edi... nakatipid ako ng bongga! May times pa nga na pinupuri niya ako dahil ang galing ko daw makipag-associate, makipag-tawaran sa presyo at makipag-bolahan. =____=

Smile nalang sa kanya para good vibes!

"Ineng, talaga bang hindi ka nakakapag-salita? Sayang ka naman, napaka-ganda mo pa naman,"  tumango ako kay manang tindera at nag-bow bilang pasasalamat...  "Dahil pinakyaw mo 'tong mga english novels ngayong araw na ito ineng, may malaking discount ka saakin!"

Binili ko kasi lahat ng english and romanized books ng tindahan ni manang, mga 10 libro ata 'yun, halos novels lahat, syempre may tungkol din sa different languages na dapat ko ng matutunan, mahilig din kasi akong magbasa.

Mura nadin kasi talaga eh tapos naka-sale pa ngayon, sa'n pa'ko diba? Dito na!

Eh... Nagkakahalaga lang naman ng 11,952.33 South Korean Won ang binili kong mga libro. Pag- kinonvert mo sa Pilipinas... 500 pesos lang. Tipid naman diba? Haha!

Kinuha ko ang phone ko tsaka nag type, ipinakita ko kay manang:

Phone: Kamsahamnida po! Hayaan niyo, dadalaw po ako dito.

Nagliwanag naman ang mukha ni manang kaya napa-ngiti din ako, maya-maya pa'y nagpaalam na ako kay manang at binitbit lahat ng mga pinamili ko...

Lakad-lakad na ulit...

Oh nga pala, kung napansin niyo kung nasaan na ba ang kasama kong Baekla? Ayuuun... pinaalis ko muna, dahil kung hindi, malamang, balita na siya ng buong S.M. Entertainment Company, kanina pa pala kasi may nakakapansin sa kanya, lakas naman kasi ng mga raydar ng mga kababaihan at kalalakihan dito. =____=

Sabi ko, uwi na poodle.. chooo.. choo away!

De joke lang....

Nagtype ako sa phone ko ng ganito:

Phone: Uwi kana, sapat ng alam ko na kung saan ang mga shortcuts dito pauwi, uuwi ako agad, paki-sabi nalang sa mga ibang members. Salamat... Ingat ka, annyeong~

Kahit na nahihiya pa ako, pinabasa ko sa kanya 'yan, ngayon ko lang ata siya kinausap magbuhat nung mag-concert sila sa Pilipinas 2 years ago... kung saan... namatay si papa.

The Trainee (EXO's Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon