RC 14

651 30 0
                                    

1 year later . . . .

*EINA/ MIN MI'S POV*

"Kinakabahan na ako Oppa~"  sabi ko kay Changmin Oppa, siya talaga kasi 'yung kapartner ko sa single ko na 'Angel Falls' 

"Naku 'wag ka, debut performance mo 'to tapos kinakabahan ka? Ayo'ko ngang mahimatay ang partner ko sa stage! Hahaha!"  hindi naman mangyayari 'yon ano! OO, debut performance ko 'to, tapos na ang 12 month training ko sa S.M. Ent. 

Hinawakan na ni Oppa ang kamay ko...

"Oras na! Ipakita mo sa lahat kung sino ang bagong Independent Artist ng Soo Man Entertainment, na siguradong sisikat simula ngayon!"  nginitian niya ako, so, nginitian ko rin siya...

Tama! Ngayon na nga!

Lumabas kami ni Max Changmin sa backstage na may ngiti sa mga labi...

After the hot debut performance. . . 

"KAMPAI!"  sigaw ni Jjong Oppa sa lahat sabay cheers at inom nila ng white wine at champagne. Red wine ang saakin.  "Oh! Congrats sa mga nag-debut narin sa wakas!"  sabay lapit sa'kin at ginulo ang buhok ko kaya nag-pout ako..  "Tigilan mo nga 'yang nguso mo! Kiss kita dyan eh!"

"Che!"  sabay tawa ko kaya natawa narin siya...

"Pero seryoso, congrats ha! Oh sige, makiki-chika muna ako do'n, annyeong~"  paalam niya sa'kin.

"Parang bading, nakikipag-chikahan, oh sige, annyeong~"  sabay wave ko ng hand.

May iba-iba ring groups sa Ent. ang bumati sa'kin, Suju, SNSD, F(X), TVXQ at iba pa... Pero, walang... EXO.

Sabi nila, nagpe-perform pa sila sa Inkigayo ngayon, nauna lang akong mag-perform.

Nagpaalam muna ako sa mga kasalukuyan kong kausap, gusto ko kasing mapag-isa ngayon, dapat masaya ako ngayon diba? Pero, bakit parang may pumipigil sa'kin?

Umakyat ako sa rooftop ng building through elevator, medyo may pagka-taas pala ang buong building. Hahaha!

Sinandal ko ang mga braso ko sa bakal na harang sa edge ng rooftop, habang umiinom, lumipas pa ang ilang oras, iinom sana uli ako sa baso ko nang... wala na palang laman.

"Na-bitin Eina?"  lumingon ako sa nagsalita.

"Oh! Sky!"  nginitian ko siya, nginitian niya rin ako pabalik, may dala-dala siyang isang bote ng red wine.

"Girl scout ha?"

"Syempre! Oh nga pala, congrats!"  sabay yakap niya sa'kin.

"Oo nga, ikaw din, malapit na.."

"Oo, pero 'di naman ako nagmamadali, mas masaya parin kung trainee ka!"  kunsabagay, totoo 'yon.. Oh!

"Fireworks oh!"  masayang sabi ko! :)))

"'Yan nga pala dapat sasabihin ko sa'yo, mian~ nakalimutan ko..."  natawa tuloy ako.

"Sus, ayos lang, ganda nga eh, surprise..."  pero, kalaunan, biglang lumungkot ang ekspresyon ko...  "Skyla..."

"Hala! Tinawagan mo ako sa First name ko ng buo, ano 'yon? Bakit parang kinakabahan ata ako dyan?"

"OA mo. Haha! Diba sinabi ko sa'yo dati kung anong dahilan kung bakit ako biglang na-pipi?"

"Oo, dahil... sa tatay mo, 'di mo lang siya nakasama o nakausap man lang bago siya... mawala ng tuluyan."

"Pero, may mas mabigat pa akong dahilan, ngayon, hindi ko alam kung gagawin ko, nahihirapan kasi ako, nahihirapan akong iwasan ang... ang EXO.."  halos bulong nalang ng banggitin ko ang EXO.

The Trainee (EXO's Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon