6:37 AM
From: Pards Tangkad
Good morning baby girl. Nasa school na ko. Hintayin kita sa may hallway ha? Hahahaha. Have a nice day. Ingat po. Mwaa.Napaismid ako sa text message ni Wes. Maybe a part of me is still disapppointed with what I had witnessed yesterday, but oh well, shit happens. Like all the time. Bwisit.
Napabuntong hininga na lamang ako at saka ibinalik sa aking bag ang phone ko. Wala rin naman ako na load so wala ring kwenta. Hindi naman magsesend ang kinompose kong message kahit titigan ko pa ito sa loob ng bente kwatro oras.
Mabilis kong pinara ang jeep na natanawan ko. It's still early but I have this habit of going to school as early as I can. Punctuality has gotten its best on me. Hahaha.
Napakamot na lang ako nang lumampas ang jeep sa akin, I think mga two meters ang layo nito sa akin. Darn it. Nakakatamad.
Ako naman ang pasahero, bakit ako pa rin ang kailangan mag adjust?! Nakangusong tinungo ko ang jeep at sumakay. Duh?
"Makikiabot nga po ng bayad."
Walang karea-kareaksyon na sabi ko sa babaeng katabi ko.
Only to find out that I am actually sitting next to the she-devil who was kicked out from heaven.
Faye Adams. Again.
"Sukli daw."
Atsaka nito inabot sakin ang dalawang piso. What the hell? Eighteen pesos na ang pamasahe ngayon? Imposible!
Then I realized na mukhang kulang nga ang sukli ko. Kaya ayoko nang nagbibigay ng buo. Laging may posibilidad na kulang ang isukli sayo. Napaka-unfair talaga ng buhay.
Hanggang sa makababa ng jeep ay nakanguso pa rin ako. Grr. Nababawasan tuloy ng dalawang porsyento ang kagandahan ko. But that's okay since my goddess-like face is for eternity. Ha ha ha ha.
Nakarating na ako sa school at kasalukuyan nang naglalakad sa may hallway nang mapansin kong nakasunod pa rin sa akin si Faye.
That means, she's still behind me.
Good girl. Ipagpatuloy mo yan. Hindi ka karapat dapat na makisabay sakin dahil ang mukha mo ay ka-level lang ng tuhod ko. Ng maganda kong tuhod.
Nang mapansin ako ni Wes ay agad itong kumaway sa akin.
I was expecting na matitigilan sya kapag narealize nya kung sino ang nasa likod ko, but I thought wrong.
Walang ora-orasyon na umakbay ang loko sa akin at hinalikan pa ako sa pisngi! PDA!
Wide eyed, I looked at our surrounding to check if there is any sign of our principal. I seriously don't want to get detention for a freakin' public display of affection.
Agad ko naman na hinampas si Wes matapos iyon.
"What the hell baby?! Are you even thinking? Pano kung nandyan si principal Panot? Edi natodas tayo parehas?!"
Bulyaw ko sa kanya. Ngunit mukha naman na natutuwa pa ito sa aking reaksyon.
"Baby. I like that."
Ngising-ngising saad naman nito. At iyon pa talaga ang pinag-tuunan nya ng pansin? Gosh! What is freakin' wrong with this inhumanly beautiful guy?!
Stop praising the jerk for heaven's sake Cali! It's the devil you are talking about.
Napailing na lamang ako sa internal debate ko sa aking sarili. Pshhh.
"Yon pa talaga ang napansin mo? Grr."
Nanggigigil na tanong ko naman dito.
"Chill baby girl. I'm just marking my territory. If you haven't notice, those boys are ogling you for quite some time since you entered that hell of a gate."
I shivered with his words. Anger and possessiveness laced his tone and voice.
Nangingiting kinurot ko lamang ang ilong nya.
"Hanggang tingin lang sila, don't worry."
He just pouted and I've got nothing else to do but to kiss him.
Hanggang panga lang ang naabot ko since may sa kapre nga itong si Pards.
The bell rang. Oh oh. Time na.
Saka ko lang narealize ang ginawa ko.
Oh my gosh!
NAHALIKAN KO YUNG SEXY JAWLINE NI WESLEY CONCEPCION! WHAT THE FUCK?
"Guys, saan tayo magfo-foodtrip?"
"Kahit saan. Basta libre mo."
"Aasa na lang ba kayo ng aasa sa libre?"
"Hanggang kailan mo ba balak kaming paasahin?"
"Kung hanggang kelan ang kaya nyo, malamang."
"Pero sawang sawa na kaming maghintay sa libre mong walang kasiguraduhan!"
"O yun naman pala. Edi tumigil na kayo!"
"Yan kasi kayo. Gusto nyo laging itigil ang lahat!"
"E yun naman din kasi ang gusto nyo. Linawin nyo agad!"
"Nakakainis! Bakla!"
"At ako pa ang naging bakla?! Ikaw! Lalaki ka! Peste nagko-cross dress ka lang!"
"How dare you?! Babaeng babae ako! Bullshit."
"Ewan ko sayo. Tyanak!"
"Impakto!"
Napatawa kaming lahat sa sagutang iyon ng alaga namin na aso at pusa. Si Hiro at si Rian.
Sa huli ay napagdesisyunan namin na wag na lang magfoodtrip. Ayaw kasi namin na dumanak pa ang dugo dito. Ha ha ha ha ha.
5:11 PM
From: Pards Tangkad
Baby? Bakit di ka pa umuuwi?Napakunot ang noo ko nang mabasa ko ang message ni Wes. Sakto naman na nagsitayuan ang buhok ko sa batok. Meaning, may nakatitig sa akin.
Napalingon ako sa right side. And there I saw him. Ang gwapo talaga. Bullshit.
Maya maya ay nag ring na ang phone ko. Psh. Tumawag na ang lolo nyo. Ha ha ha ha ha.
"Oh ano?" Pabalang na sagot ko dito.
"Hapon na. Umuwi ka na po."
"Ikaw nga hindi pa umuuwi e."
"Kasi po magpapagupit pa ako."
"Edi hindi pa rin ako."
"Baby girl ang kulit mo."
"Kasi maganda ako."
"Anong connect?"
"Wala. But because you like me, meron na yung connection."
"Wise girl. Opo. I like you so much. Uwi ka na po."
Nagtambol ang puso ko dahil don. Napindot ko tuloy ang end button.
Lumingon ulit ako at saka sumenyas.
'Uuwi na ako. Ingat ka mamaya.'
Ngiting ngiti na tumango ito at saka kumindat.
Fvck. This is so wrong. Very wrong.
Bes, I kenat!
BINABASA MO ANG
Playgirl, Playboy (Unedited)
Humor17 year old Calissa Henares found the thrill and challenge that she always wanted after chatting (or flirting) with her long time crush, Wesley Concepcion. What happens when their little game turns into something deeper? Will they give in to their h...