"I never said yes."

30 5 2
                                    

Hindi ako nakatulog kagabi. It's a good thing na sembreak na ngayon kaya okay lang na magpaka-zombie ako. Hihikab hikab pa ako nang lumabas ako ng dorm.

Yes. I'm not living with my family anymore. I want to be independent and my mom's very supportive with my decision. Umuuwi ako tuwing sembreak but I decided na wag muna ngayon. I need some time for myself.

It's hard to live alone in this lonely place but I got used to it. This is what I need. Space. I want to find myself first and then heal my heartaches next. But I'm afraid that it would take forever since bumalik na ang taong nagbigay sa akin ng mga sugat na iyon.

Nakakatawang isipin na imbes na makaramdam ako ng poot at galit, mas nangibabaw sa akin ang kasiyahan at ang pag asa na makasama sya ulit. My love for Wes is driving me crazy. I'm scared that it would be the death of me.

Matapos kong bumili ng ingredients ay bumalik na ako sa dorm para magluto ng breakfast. I'm so hungry I can definitely eat an elephant.

Matapos magluto ay may narinig akong katok mula sa pintuan kaya obviously, binuksan ko iyon. Duh? Lahat ng magaganda may common sense.

My eyes almost fall out of their sockets when I found out who it was.

"Uhh.. good morning?"

Patanong kong bati sa lalaking kaharap ko. Yeah. Cliché as it was, si Wesley ang kumatok sa pintuan ko at maluwalhati ko naman itong binuksan.

"Good morning, Ali! Can I come in?"

He is smiling brightly that I had no choice but to let him in.

"Kumusta?" Naiilang kong tanong dito. Pinasabay ko na rin sya sa pagkain since kanina pa syang nagpaparinig na gutom sya at hindi pa rin sya nagb-breakfast.

"Ganun pa rin. Nothing changed honestly."  He stated na para bang nagsasabi lamang kung anong kulay ng damit ko at kung ano ang weather. He stated it nonchalantly like it isn't important while it sent my mind into haywire.

Anak naman ng aso! Kagabi pang nagbubuhol-buhol ang mga neurons ko!

"Ahh. That's...surprising. Hehe."

Kasabay kong magbreakfast ang ex-boyfriend kong gwapo na hanggang ngayon ay mahal ko pa rin. How wonderful right? And please note my dripping sarcasm. Ugh.

"Are you not gonna ask me anything?" Untag ko dito nang mapansin kong nanahimik sya. Napaka-unusual para sa katulad nya. Siguro parehas din kaming nag-matured.

"Wala ka bang lakad maghapon?" Nagtataka man ay sinagot ko pa rin ang tanong nya bago uminom ng tubig.

"Wala naman. Bakit?"

"Date tayo!"

Date tayo.

Date tayo.

Date tayo.

"What?!"

Napamulagat naman ito sa pag-sigaw ko. Okay, sorry naman. Nabigla ako e.

"Easy. Para namang biglang-bigla ka dyan. You sound as if it is not a natural thing to do."

Natatawang sabi nito sa akin kaya lalong nalaglag ang panga ko sa sahig. Bes, paki-pulot naman. Bes, pahingi na rin ng oxygen tank.

"Hindi naman talaga."

Napatitig ito sa akin. What? Totoo naman na hindi iyon natural sa mag-ex.

"Anong hindi? Normal yun sa couple baby girl. Ang dami ko na ngang atraso sayo. Umalis ako ng walang sabi. Nawalan tayo ng communication. Tapos basta basta na lamang ako biglang lumitaw na parang walang nangyari. I'm such a jerk. I am really sorry."

Couple.

Couple.

Couple.

Sa haba ng sinabi nya sa akin. Yung isang word na iyon lamang ang nag-sink in sa akin.

"Ha?" Maang na tanong ko na lamang sa kanya dahil pumurol yata bigla ang comprehension  response ko.

"Nothing has changed. My feelings for you never changed kahit napalayo ako sayo noon."

"E, diba mag-ex tayo?"

"Buhay pa ba ang nagsabi sayo nyan?"

Aba malamang! Ako kaya ang nagsabi! Engot pa rin talaga itong si Wes kung minsan.

"Anong buhay?"

"Papatayin ko ang nagsabi nyan, Ali. Hindi naman tayo mag-ex."

"What? As far as I can remember, we broke up? I ended things between us right?" And that's the most stupid thing I have done.

"Baby girl, I never said yes when you ask for a break up. So technically, tayo pa rin. Gumayak ka na, mga 10:15 tayo aalis. I'll wait for you. Ako nga pala ang nag ookupa ng dorm dyan sa kabila. I can't stand to be away from you again. I'll see you later, Ali."

He kissed me on my temple then went out. Ilang minuto rin akong nag internalize bago ko marealize ang sinabi sa akin ni Wes.

Damn it. Bes, kami pa rin! Omgoshhh! Pakiramdam ko ay bumalik ulit ako sa pagiging SH student ko. Landeeee!

Di na uso ang pabebe. Grab the opportunity na ito, bes. Si Wes iyon, akin lang dapat. Manigas ang mga fangirls nya. The man with the chiseled jawline is mine.

Playgirl, Playboy (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon