[A/n: Honestly, wala na talaga akong plano na mag update pa dito sa HLAS pero dahil may nagrequest at dahil namiss ko din sina Cali, heto na ang SC#3! Enjoyyy babiesss. ♥ Btw, this is Wesley's POV. ]
Nanginging ang mga kamay ko. Kanina ko pa rin kinakagat ang aking labi sa sobrang nerbyos. May ilang minuto na rin akong nakatayo dito sa loob ng simbahan.
"Pare, ano bang nangyayari sayo? Mukha ka nang ibuburol dyan sa kaputlaan mo. Kasal ito hindi lamay."
I sneered when I heard Hiro, my bestman, spoke. Oh yeah. It's our wedding! I mean, Cali and I's wedding. Hindi kasal namin ni Hiro. Hindi naman kasi ako bakla--shit. Ang dami kong satsat. Kinakabahan nga talaga ako.
"Chillax ka lang pare. Para ka naman dyan bakla."
Inirapan ko lamang si Darren, dahilan para mas lalo silang magtawanan.
"Wesley."
Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Jiro.
"Bakit?"
"Hindi raw makakarating si Calissa."
Halos mapugto ang aking hininga nang marinig ko iyon. Pakiramdam ko ay mas lalo akong namutla kasabay ng paninigas at pamamanhid ng aking katawan.
"Anong.. anong nangyari?"
My voice broke. Halos hindi ko rin marinig ang pagkakabigkas ko sa mga salitang iyon.
"Hindi sya makakarating. Ipagpaumanhin mo daw. PERO STRICT ANG PARENTS NYA."
Parang nabingi ako sa huling pangungusap na sinabi nya. P*tngina.
My friends are now laughing their ass off. Damn it. Naisahan ako dun. Leche kinabahan talaga ako!
When their laughter finally subsided, isa isa nila akong tinapik sa balikat.
"Wag ka masyadong tensyonado, pare. Chill~"
Pinukpok ko lamang ang ulo ni Darren saka ito lumayo sa akin. Balang araw kapag sya ang ikinasal, maiintindihan rin nya ako.
Humigpit ang pagkakahawak ko sa laylayan ng tux na suot ko nang marinig ko ang ilan sa mga bisita na magsalita.
"Cali's here."
"Oh God, my goddaughter is so beautiful."
"Andito na ang bride."
Matapos ang ilang segundo ay nagbukas na ang malaking pintuan at nasilayan ko na ang babaeng pakakasalan ko. Well, yung likod pala nya since nakatalikod sya sa akin--shit. Dumadaldal na naman ako.
Nang magbigay ng signal ang coordinator ay humarap na sya sa amin.
I swallowed hard when I saw her face. My face burned and I can feel the tears from the corners of my eyes.
Jesus. This is the girl I would spend my life with. Ang babaeng pinakamamahal ko. Ang babaeng pagbibigyan ko ng apelyido ko. Sya lang.
Unti unti syang naglakad sa akin at nanatili lamang akong nakatunganga sa kanya. Damn, she's really beautiful.
Nang magkaharap na kami ay ngumiti sya sa akin saka bumulong.
"Pards?"
"Hmm? Bakit baby girl?"
"We're getting married."
"Yeah. Finally."
Hindi nagtagal ay natapos na rin ang seremonya. We are now husband and wife.
Tatawa tawa kami ni Cali nang makarating kami sa Isla Fuerte. Well, tinakasan na kasi namin ang reception.
Dumiretso na kami sa villa namin at saka nagpalit ng damit. Nauna syang magbihis. Nang matapos ako ay nakita ko syang nakahiga na sa kama at nagbabasa ng libro. Ng pabaliktad.
My woman never really failed to amuse me. I laughed mentally.
Tumabi ako sa kanya at sumandal rin sa headboard kasabay ng pag-akbay ko sa kanya.
"Baby girl, may sasabihin ako sa'yo."
"Ano yun, pards?"
"Baliktad yung libro mo." Pagkatapos ko iyong sabihin ay humagalpak ako ng tawa.
Her cheeks flushed. She's really beautiful. Hindi pa ako nakakabawi sa pagtawa ay nanggigigil na inatake ako nito. We wrestled until I was on top of her.
Her pupils dilated and I think that mine's reflecting hers. I really am crazy with this woman.
She leaned in and whispered something to me.
"Mister?"
"Bakit po misis?"
"Pakyu."
We laughed and the rest is history.
-------------
Orayt! Hello again guys! I just missed writing and yeah, namental block po ako sa Astaria kaya hindi pa ulit ako nakakapag update. Please make me happy by clicking that cute star below and posting comments. Thank you! Hope you'll continue to support me. Love you guys so muchhh!♥Genclaude
BINABASA MO ANG
Playgirl, Playboy (Unedited)
Humor17 year old Calissa Henares found the thrill and challenge that she always wanted after chatting (or flirting) with her long time crush, Wesley Concepcion. What happens when their little game turns into something deeper? Will they give in to their h...