"I wanna get married."

41 4 0
                                    

[A/n: Ang special chapters po ay mga scene after ilang years. Meaning, advanced po ito kaysa sa bago kong book na ginagawa so wag po kayong malilito. Magkaiba po ang timeline(?) ng special chaps nitong HLAS at ng The Playboy's Rule. Thank you. Sa mga nanghihingi ng special chapters dahil nabitin daw sila, heto na po. Hahaha mwaa.]
-------------------

Ilang taon na rin ang lumipas. Graduate na kaming lahat ngayon at mga nagtatrabaho na. Some of our classmates during high school are already married now while others are having their vacation in different countries.

Kumusta naman ang tropa? Heto, masaya pa rin. Lahat ay may lovelife na at successful na sa mga napili naming career. Sino nga ba ang mga nagkatuluyan? Secret na lang muna. Halos lahat kami ay napaglaruan ng tadhana ngunit malaki rin naman ang naitulong nito sa amin.

We have matured. We have grown. We have gained knowledge through those experiences. We have spread out our wings. We became who we are now. And we're very proud of it.

"Ali, nakatulala ka na naman. Halika na, hinihintay na nila tayo."

Natigil ako sa pag iisip nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Jiro. Sya ang half-brother ni Hiro sa ama. Mas matanda ito sa kanya ng isang taon. We didn't get along that easily at first, but as time passed by, he became part of our circle too, and even part of our lives.

After almost 30 minutes of driving, we arrived at Villa Agatha. Dito gaganapin ang reunion ng batch namin but yes, may outsiders pa rin. Syempre luma-lovelife na kaming lahat kaya may kanya kanya na kaming mga partner.

Parang kailan lamang ay dinaig pa ng mga batchmates ko ang may farm ng ampalaya dahil sa kabitter-an nila sa katawan. Who would have thought that we would be this happy and would make our own happily ever after? Napangiti na lamang ako sa naisip.

Maya-maya ay may naramdaman na lamang ako na yumakap sa akin mula sa likod. Katulad noon ay nahigit kong muli ang aking hininga at bumilis ang takbo ng aking puso. Halos bumaliktad rin ang aking sikmura at halos mapunit na rin ang aking mga labi sa pag-ngiti.

Ofcourse I know who it was. Only his scent can intoxicate my senses like this and can send my mind into haywire. Even after years of being together, he can still manage to make me feel like I am still a teenage girl reacting to her crush.

"Wesley."

Even the mere mention of his name can send shivers through my spine and can turn my legs into jelly especially when I felt his hot breath on the base of my neck.

"I missed you my queen. Hindi ko masyado na-enjoy ang business trip namin sa Italy. My life would never be the same when you're away."

Lalong lumawak ang aking ngiti nang marinig ko iyon sa kanya. Darn it, I missed him too. At kahit 28 na ako, nakaramdam pa rin ako ng kilig. Grabe pumi-PBB teens? Hahahaha.

"Ang sweet sweet mo pa rin. I missed you too. Next time, magkasama na tayo pag nag-travel ka sa ibang bansa, promise."

"Good to hear."

Lalo lamang nyang hinigpitan ang yakap sa akin. Naglambingan na lamang kami doon habang hinihintay ang pag-lubog ng araw.

Napalabi na lamang ako bago isubo ang natitirang sugpo sa aking pinggan. Paano ba namang hindi ako sisimangot? Nakita ko lang naman ang engagement ring ni Rian at nung isa pa naming batchmate na animo ay prpu na proud na nakasuot sa kanilang mga daliri.

Hindi naman sa naiinggit. Ugh fine. Naiinggit ako. Pero slight lang. Kasi naman, oo nakapag-proposed na sa akin si Wes pero nung college pa iyon. At hanggang ngayon ay hindi pa rin nya naibibigay ang pangako nyang sing sing sa akin.

"Kailang nyo pala balak magpakasal?"

Tanong yan ni Wes kay Rian na kasalukuyang nakapulupot sa fiance nya. Pinigilan ko na lamang ang pag-simangot at pag-ikot ng aking mata.

"Wala pang exact date pero next year na yon. Halos hindi pa rin kasi tapos ang preparations because my love here wants it grand."

Nangingiting sagot ni Rian habang nakikipag-lambingan. Gusto kong maging masaya para sa kanila pero kinakain talaga ako ng inggit.

I mean duh? I'm already 28! Hindi naman ako pabata! Of course, I already have a plan on settling down but as I look as Wes, I don't think we have the same thing in mind.

I actually tried to have a small talk with him about marriage but he would always find a way to change the topic. Nakakainis lang. Naaatat na akong magpakasal samantalang sya ay pa-chill chill lang. Grrr.

"Talaga? I'm happy for the both of you, ipag-reserve nyo na agad kami sa venue ha?"

Umismid na lamang ako sa sinabing iyon ni Wes. Kainis. Napaka-dense nya talaga. Leche.

Nang hindi na ako makatiis ay kumalas na ako sa yakap ni Wes at saka nag-martsa papasok ng villa na inuupahan namin. Matutulog na lamang ako. Peste. Ang manhid manhid.

"Ali? Where are you going?"

Badtrip na isip: Sa impyerno! Maghahanap ng sing sing na tinik para makapag-propose na sayo!

"Papasok na muna ako sa loob. Maglalagay lang ako ng mosquito repellant. Kinakagat na ako ng lamok e."

And here comes my lame excuse. Lalo akong nadisappoint when he just shrugged and continued talking to the lovebirds regarding their marriage.

Hudiyo ka Wes! Insensitive! Peste talaga.
Bukas na bukas ay maghahanap na ako ng singsing at ako na talaga ang mag-popropose. Grr.

There's no time to waste. I'll definitely put the man I love into wedlock. Tomorrow.

Playgirl, Playboy (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon