Fifth Chapter

55 4 2
                                    


From: 09********* (6:21 AM)
good morning, baby! guess who?
anyway, have a nice day ahead ;*



I automatically smiled when I saw this text first thing in the morning. Of course, I don't need to be a genius para malaman kung sino ang sender nito.
Excited na pinindot ko ang reply button at nagtype. Ni-rename ko na rin as "Wesley" yung number nya sa contacts ko.


To: Wesley (6:58 AM)
i know who you are, Jeon Jungkook. thank you very much, hope you'll have the same ;)



Napawi lamang ang ngiti ko at napalitan ng simangot nang ma-notify ako na hindi nag-send yung message ko. Ugh. Wala nga pala akong load. I mean duh? Libre naman ang messenger so why bother, diba?


"Lisa! Maghanda ka nang bata ka. Sisimba pa tayo. Wag mong sabihin na nakalimutan mo na?"


I quickly covered my ears when I heard mom shouting outside my room. Shems. Nakalimutang ko nga. Nagmamadali akong bumangon. And yes, obviously, I belong to  the statistics of teenagers who are afraid of their mothers. It sucks.


"Yes ma! Magshoshower na po ako."


Dali dali akong pumasok sa CR at nagsimula nang maghanda.


Halos sampung minuto lang yata ang na-consume ko sa paghahanda ko. After nang limang minuto na pagligo ay basta na lamang ako humagilap ng isang peach na Sunday dress na pinatungan ko ng paborito kobg denim na polo na itinupi ang sleeves sa aking siko. Dali dali ko rin na kinuha ang puti kong vans at sinuot ang isang pares ng aking ankle-high socks. Naglagay lamang ako ng baby powder at saka pinili ang bloody red ko na lip tint. And voila! Suklay na lang ang kulang. Hahaha.



Dinaig ko pa ang mga trainees sa Basic Military Training  School sa bilis ng pagpeprepare ko. After being satisfied at my reflection, patakbo na akong bumaba sa parking lot at sumigaw.


"Mom! I'm ready!"


Sadly, kaming tatlo lamangnina mama at kuya Jaemin ang magkakasama  ngayon since may on the job training pa si kuya Raegan sa Pasay, habang si kuya Vaughn naman ay may asawa na at sariling pamilya. Si papa naman ay next month pa ulit ang uwi dahil may business trip kuno sila.


Nagmamadaling sumakay kami sa kotse at saka nagdiretso na sa simbahan.


Halos nasa kalagitnaan na ng misa nang makarating kami sa simbahan. Blame it to my alarm clock na hindi nag alarm. Kasi naman PM pala ang naset ko at hindi AM kaya paniguradong mamaya pang gabi iyon maaactivate. Pshhh.


Nang nasa part na ng Our Father ay inanyayahan kami ng pari na maghawak hawak kamay hanggang sa opposite row namin. At ako, bilang nasa dulo ay pumunta sa center isle para maki-cooperate.


"Good morning, beautiful."


I stared at the guy for a few seconds before I finally realize who it was.



Si Wesley. Andito sya! At kasama nya ang parents nya, including his little sister named Reneé.


Can you believe that? Destiny has worked again. Wow. Ngingiti sana ako pero naalala ko na ayaw na ayaw ko nga pala nang humahawak sa kamay ng ibang tao, least of all if it is a guy! Labag man sa kalooban ko ay tinanggap ko ang kamay nya then we joined in the singing of Our Father.




I think, this what  Wesley and I have in common, we're both religious and God-fearing individuals.



Aftermass ay nagdesisyon akong humiwalay muna kina mama dahil nagrequest si Wes na samahan ko daw sya sa mall.


And nope. Hindi ako tumakas o nagsinungaling. Ipinakilala ko sya kina mama.



"Ma, si Wesley po pala--"


"Boyfriend mo Lisa? Diba sabi ko sa college ka pa pede manlalaki? Pero infairness, may taste ka ha."


Wes and my brother laughed with my mom's statement while I made a face. Seriously?


"No mom, classmate ko sya. We're friends actually."


They just shrugged nonchalantly as if telling me that they are not buying what I have said. Grr..


"Whatever. Basta ibalik mo lang ng buo ang baby girl namin ha? Babalian kita pag may ginawa kang masama sa kapatid ko."


I smiled because of my brother's protectiveness. Atleast I know that he is concern--



"Wala na akong mauutusan pag may nangyari jan. Uto-uto pa naman yan. Hahahaha."



Okay. I take it back. Napaka-animal ni kuya! How dare him. Porke ang bait bait ko e. Pwede na akong maging santo. Hahaha.



And just like that, hinayaan na nila akong sumama kay Wesley sa mall.


Okay so yan ang nangyari kanina. Ako na nga lang yata talaga ang natitirang matino dito sa planet Earth. Maganda pa. At maganda. At maganda ulet. Wait, nasabi ko na bang maganda ako? So yun, maganda nga ako. Hahahaha.



"Hey baby girl natulala ka na jan? Di ka maka move on na may kasama ka ngayon na gwapo? Don't worry, hindi pa rin nga ako maka move on sa kagwapuhan ko."



I glared and smiled at him at the same time. If that's even possible. Now I know kung bakit nag-click agad kaming dalawa. Hahaha.



"Sorry baby boy may nakita kasi akong mas gwapo sayo kanina."


Then I smiled sweetly. Napapadalas na ang pag-ngiti ko ngayon. Kaynezxcsxz powsxczhc. Hahahaha.



"Kasinungalingan yan baby. Ako lang ang gwapo naiintindihan mo?"



Nakangusong sabi nito sa akin. Aww. So cute. Hihihi.



I just shrugged and continue to walk.



Hinabol ako nito at pinigilan sa pamamagitan ng paghawak sa aking braso.



We locked our gazes and it felt like the world just stopped spinning. But of course I am just kidding. Sa mga movies lang naman iyon nag eexist. Natatawa ko pang inalis ang kamay nya sa akin while he, on the other hand is smiling playfully. He knows what I am thinking. And clearly, he also knows the game. And he plays very well.



5

4

3

2

1

But then a voice disrupted our senses.


"So, exclusively dating pala ang status nyo  ngayon. Di nyo man lang kami ininformed."


Parehas kaming napalingon sa nagsalita.


Bryce Dela Rosa.


And company.


Just wtf?



Shems. Baka maging issue 'to! Paniguradong ako na naman ang laman ng chismis sa school. Nai-imagine ko na ang magiging headline ng news, "Calissa Henares, may bago na ulit fling? Ano kaya ang magiging reaksyon ni Darius kapag nalaman nya na ang ex-fling nya ay may bago na ulit?" Ugh.



Pero aminin, mas lalong nagkaroon ng thrill!
Napangisi ako bigla. Let the fun begin.

Playgirl, Playboy (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon