CHAPTER FOUR
“Nica... Are you okay?”
Napalingon ako sa table namin. Wala na si Ken. “Nasaan si Ken?”
“W-wala na. Bigla na lang umalis kanina...”
Tinalikuran ko na sina Zianne at Shaira pagkarinig nun. I went to our table and grabbed my bag. Tumakbo ako palabas ng canteen. Tumakbo lang ako ng tumakbo even I heard them shouting my name too loud.
Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon. All I knew, that stupid bartender was really getting on my nerves. Simula nung mag-exist siya sa buhay ko, nagulo na ang tahimik at smooth-flowing kong buhay! Unang-una ang pagkawala ng first kiss ko, pangalawa ang pagkagalit ni Ken sa akin, sumunod ay ang paghalik niya sa akin kanina lang, at ngayon, siya na naman ang dahilan kung bakit galit NA NAMAN sa akin si Ken. Arrrggh! Ewan ko na talaga! I don't know anything anymore! Basta galit na galit lang ako sa demonyitong iyon at ayaw ko ng makita ang pagmumukha niya. Period.
With a pissed expression, I sit down on the bleachers. Dito kasi ako dinala ng mga paa ko. Kahit anong isipin ko ngayon, inis at galit pa rin ang nangingibabaw sa akin. Dahil hinalikan ako nung lalaking yun, tiyak galit na naman sa akin ngayon si Ken. Binigo ko na naman siya!! Ang tanga tanga ko naman kasi eh! Hinayaan kong mahalikan niya ko! Ngayon, dalawang beses na niya kong nanakawan ng halik! Peste talaga siya! Stupido! Siraulo! Demonyito!
“WAAA!” na-face palm na lang ako.
Waa! Bwiset talaga! Tinatamad na tuloy akong pumasok. Parang gusto kong mag-emote na lang dito maghapon.
“Wow! Bakit nandito ka na agad?”
Tiningala ko ang nagsalita at nakita ko ang nakasusulasok na pagmumukha ng lalaking sumisira ng araw ko. Kasasabi ko lang na ayaw ko makita ang pagmumukha niya pero, heto. Nagpakita na naman ang impakto!
“At ang kapal pa talaga ng mukha mong magpakita sa akin, no? Let me tell something. Ikinaliligaya mo ba talaga ang paninira ng buhay ng may buhay?”
Ngumiti siya ng nakakaloko. “Paano pag sinabi kong oo?”
“Okay, fine. Wag ang buhay ko ang pakialaman mo. Marami naman tao diyan ah! Ayan oh, kadami natin schoolmates, sila na lang ang pagtripan mo at wag ako,” sabi ko sabay turo sa mga naglipanang estudyante.
Umupo siya sa tabi. OMG! Peste talaga! Nag-adjust ako dahil masyado kaming close. Mahirap na, baka halikan na naman ako niyan.
“Alam mo, ang dami-dami mo ng atraso sa akin. Dapat magbayad ka na,” sabi ko sabay tingin sa kanya ng masama.
“Magkano ba?” tanong niya at akmang dudukot sa pantalon.
Talking about Pilosopo! Ayos ah. Ang ganda ng sagot. Talagang sinusubukan ako. My goodness! Papangit ako nito sa sobrang stress eh. “Excuse me. Wala akong sinabing pera ang kabayaran ng mga atraso mo sa akin!”
He shrug. “Ganun ba? Akala ko, pera. Sabi mo kasi magbayad ako eh so pera agad ang naisip ko.” ngumiti siya ng nakakaloko.
For pete's sake! Bakit ba ganito ang lalaking ito? Parang hindi nag-aaral. Grabe! Hayyy. Hingang malalim, pasensya Nica. Pasensiya. “Well, you are wrong. Dahil basta basta ang hihingin kong kabayaran.” I said with an evil smile.
Now I can feel it was my turn. Pagkakataon ko naman para pagdusahin siya.
“Don't take it seriously, Nica. As if I want to pay you back.”
“Aba! Dapat mo naman talagang pagbayaran lahat ng ginawa mo ah!”
“Bakit? Gaano ba kadami at kabigat ang mga nagawa ko sayo?” he asked.
BINABASA MO ANG
My Bartender Guy (Ongoing)
RomanceNica had a smooth-flowing life, but everything turned upside down one night when she met this stupid bartender who stole her first kiss. Suddenly, she found herself letting him to enter her life. As the payment for the mess he brought to her life, s...